|
Author of 189 Stories |
Disclaimer: This time, Urbandun naman ang kumakanta!
Fandom: EriolxTomoyo; CCS
First of Summer
Parked car
This night sky
Makes city lights shine like diamonds
Our song plays on the radio. wooh-oh-oh-oh-oh
Mainit, maingay at magulo sa loob ng club. Maraming tao ang nagsasayaw sa dance floor. Pinanood lamang sila ng isang babae habang nakaupo sa harap niya ay may isang shot ng margarita at tatlong basong walang laman. Naka-cross ang legs niya at maikli ang suot ng skirt. Mahaba at kulot sa dulo ang kanyang mahabang buhok. Kung titingnan sa likuran at dalagang-dalaga na siya ngunit ang kanyang mukha ay maamo at bata.
She turned away from the bar to look at the dance floor. Sa gitna ng mga tao ay nakikita niya ang kanyang mga kaibigan na nagpapaksaya. Magkayap sila habang nagsasayaw. Bakas sa mukha nila ang saya.
Napabuntong-hininga siya. She didn't really want to go to the club. Pakiramdam niya ay third wheel siya sa pagitan ng magkasintahan. She almost regretted coming with them.
Si Sakura Kinomoto kasi ang nagaya sa kanya. At kapag ginawa yun ng kanyang pinsan, hindi siya makatanggi. Kahit alam niyang hindi niya dapat gawin kung ayaw niya masira lahat ng pinaghirapan.
"Hindi na kita nakikita. Di ka rin daw nalabas," sabi ni Sakura na may tonong nagaalala "Sumama ka sa amin sa bagong bukas na club... Masaya yun..."
Pumayag siya. She took a bath, got dressed and rode in the car between them. Pero pakiramdam niya ay wala siyang karapatan at napipilitan lamang si Syaoran Li at Sakura Kinomoto gawin yun.
When the dancing started, she declined.
Masaya naman sila kasi naiwan sila upang makapagsayaw. Pumunta siya sa bar at umorder ng margarita.
Mabuti na rin yung kasama siya. At least mababantayan niya si Sakura. Walang mangyayaring masama. Naubos niya ang isang basong margarita.
It was summer and they were basking in love.
Siya si Tomoyo Daidouji at nakaramdam ulit siya ng kirot sa dibdib habang nasasayaw sila. She closed her eyes.
"You look lonely," a deep voice said.
She looked up. Nanlaki ang kanyang mga mata.
We're living it up
Make this night ours
We own the world
"E-Eriol," bulong ni Tomoyo "Kumusta ka na?"
Ngumiti ang binata. Si Eriol Hiiragizawa na kaibigan niyang galing London ay umupo sa tabihan niya. Naka-polo at pantalon ito pero mukhang disente at di nababagay sa club. Ang gwapo pa rin pala talaga ni Eriol. She almost forgot how handsome he was.
"Mabuti naman. How about you?" he asked casually. He signaled the waiter and asked for a drink.
Tumawa siya. "I've been better." She couldn't stop the bitterness from seeping into her voice.
"Wala ka yatang kasama," he said almost playfully "I didn't imagine a Daidouji to be a party girl."
"I'm not a party girl. Sinamahan ko lang si Syaoran at Sakura," sagot ni Tomoyo. Nahihilo na siya. Hindi niya naalalang mahina nga pala siya pagdating sa paginom. "Nandiyan lang sila sa paligid..."
"Oh, I see," sambit ni Eriol. Nginitian niya ulit si Tomoyo. Namula ang pisngi ng dalaga. He was surprised because that was an unexpected reaction.
As far as Eriol knew, no one could make Tomoyo blush like that except for Sakura. She was the only person allowed inside Tomoyo's heart. So bakit nag-blush ang dilag?
"They're so together. I'm a third wheel," murmured the Daidouji heiress. Napatawa na lang ito. "Bakit ba ako nandito? Di naman ako marunong sumayaw!"
"Turuan kita," sabi ni Eriol.
Hindi yata siya narinig ni Tomoyo. Nakatingin ito sa kanya as if in deep thought. "Bakit ka nga nandito?"
"I was supposed to meet a blind date but I don't see her. Never mind," sagot ng Clow reincarnation. Ngayon lang niya napagtanto na napakalalim pala ng mga mata ni Tomoyo.
"Pareho lang tayo," wika ng dalaga "Lagi tayong iniiwanan. Tara, sayaw tayo."
She tried to stand up but she swayed when her feet touched the ground. Tumayo agad si Eriol at hinawakan ang siko nito. Napansin niya na nakasuot pala si Tomoyo ng stilettos at napakaganda ng paa nito. He grinned. "Still want to dance?" he teased. She nodded.
Inakay niya si Tomoyo sa dance floor. Then they started to dance.
I wish this lasts forever
Alone with you tonight
Further in you feels so right.
Eriol pulled her closer. Nilagay ni Tomoyo ang kanyang mga braso sa leeg ni Eriol at ihinilig ang ulo sa dibdib nito. He smelled so good. They swayed in a rhythm of their own. Naririnig nilang dalawa ang rock na kanta pero parang di nila marining ang ibang tao. Naramdaman na lang ni Tomoyo na hinawakan ni Eriol ang likuran niya upang ilapit pa lalo ang katawan niya.
She felt like she was drowning. Wala na siyang ibang nararamdaman kundi ang sarap ng yakap ni Eriol. Alam lang niya na nakasandal siya sa isang pader na hindi matitibag basta-basta. For the first time in weeks, she felt safe and secure.
"Baka makatulog ka," bulong ni Eriol sa kanyang kaliwang tenga. Napahagikgik si Tomoyo sa kiliti. "Payagan mo akong alagaan ka muna..."
Tumango lamang ang dalaga. She buried her face in his shoulder and bit back the tears that threatened to fall.
Eriol could feel her trembling. Masyadong malalim ang mga sugat ni Tomoyo. Masyado siyang maraming iniisip. Mukha siyang masaya at mabait ngunit punong-puno ng hinagpis. He felt the changes that had taken place in his absence. Maraming nagbago kay Tomoyo ngunit hindi magbago ang pagmamahal nito.
Inamoy niya ang buhok ni Tomoyo. Nakalanghap siya ng amoy rosas from her wavy hair. Impulsively, he kissed her forehead.
"Let's go," she said softly "I don't want to stay."
Parked car
This night sky
Makes city lights shine like diamonds
Our song plays on the radio.
We're giving it up and just a little more
This heartfelt leap I surrender
With arms raised tonight (Arms raised)
Tinulungan ni Eriol palabas ng club si Tomoyo. Binitbit din niya ang beaded handbag ng dalaga kung nasaan daw ang cell-phone nito. Inutusan siya ni Tomoyo na tawagan ang mga kaibigan at doon na lang magpaalam. Wala daw siyang balak makipagkwentuhan sa kanila.
Sinunod ni Eriol ang utos ni Tomoyo. Natuwa siya nung narinig niya ang boses ni Sakura at Syaoran. Kahit gusto niyang isama ang mga iyon, mas kailangan siya ni Tomoyo. He could see that she was very sleepy. Maraming margarita na ang nainom. Malamang nahihilo na rin ang dalaga.
After a few more minutes on the phone, he flipped it close.
Binuksan ni Eriol ang pintuan ng kanyang kotse at pinasakay si Tomoyo sa tabi ng driver's seat. She was wearing a tight black skirt and a silk deep blue blouse that clung to her curves. Naisip niya na kahit nakabihis pang-dalaga si Tomoyo ay mukha pa rin itong inosente. Itinabi niya ang bag at binuhay ang sasakyan.
"Ihahatid na kita pauwi," sabi ni Eriol.
"Wag muna kung hindi magsusuka ako," banta ni Tomoyo. She stared at him fiercely. "Drive muna tayo. Kahit saab tayo pumunta, ok lang! Ayoko pang umuwi!"
Wondering why he was following her orders, he started to drive away. Sumandal si Tomoyo at tumitig sa labas ng bintana. Maraming bituin sa langit ngayong gabi. She nearly smiled at the corny lines she was thinking. Nung lumingon sa kanya si Eriol, napaisip ito na kasama niya siguro ang isa sa mga bituin.
Drive me away
cuz the night just feels right
Take me away with you tonight
Anywhere with you.
Nakarating sila sa Tomoeda Park. Walang tao doon. Tahimik ang lahat. Inutusan ni Tomoyo na ipasok ni Eriol ang sasakyan upang makapag-park sa malapit sa mapunong parte ng park. Hindi na lamang umimik ang binata. Nang pinatay niya ang sasakyan, lumabas agad si Tomoyo at naghubad ng stilettos.
"That hurts," sabi ng dalaga at pinatong ang sapatos sa hood ng sasakyan. "Ayoko na magsuot niyan!"
"Bakit mo sinuot?" tanong naman ni Eriol. Kahit pa dalawang beses na siyang nabuhay, hindi pa rin niya maintindihan ang mga babae.
"Kasi maganda tingnan," ngumiti si Tomoyo at sumampa sa hood ng kotse. Umayos siya ng upo at sumandal sa kotse. Pinanonood lang siya ni Eriol. "Ang sarap dito. Tabihan mo ako."
Hindi rin talaga maintindihan ni Eriol kung bakit siya nagiging sunod-sunuran kay Tomoyo ngayon. Namalayan na lang niya na inakyat na niya ang hood at tumabi sa dalaga. She'd stretched out her legs and he noted that they looked as if they stretched forever.
"Ang daming stars," she whispered.
He watched her face change from serene to meloncholic. Mula sa asul ay naging halos itim ang mga mata ni Tomoyo. She looked so sad. He lay back and she snuggled closer. Alam naman niya ang nadarama nito. Kahit hindi pa sabihin ay alam na niya. Ito ay nakita na kiya sa dalawang beses na inilagi niya sa mundong ibabaw.
"Nakakalungkot isipin na hindi pwedeng masungkit sa langit. Hanggang tingin lang," bulong ni Tomoyo at pinaglaruan ang butones sa polo ni Eriol. "Look but never touch. Bakit ba hinahanap lagi ang hindi pwedeng makamit?"
"That's the essence of humanity," sagot ni Eriol "Ito ang ibig sabihin ng pagiging tao. Ang paghahanap ng mga bagay na hindi makamit ang ating drive para mabuhay. Iyon ang mahalaga."
She gave a bitter laugh. "Iyon ang tunay na parusa."
"Mahal ko pa rin siya."
"Alam ko," sambit ni Eriol "pero di mo alam na madaming nagmamahal sa'yo. Hindi lang naman siya."
"I know that. But aren't you looking for something too?" she asked with a bittersweet smile. "Maybe we can find it together."
He merely smiled. Yinakap na lamang niya si Tomoyo. "Kapag kinailangan mo ako, andito lang ako. Hindi kita iiwanan katulad ng dati. I'll be here."
"Maybe we'll fall in love with each other," she whispered and then she laughed. That was her laugh. Masarap sa tenga at parang musika. He thought he'd never hear that again.
Parked car
This night sky
Makes city lights shine like diamonds
Our song plays on…
(let it ring)
Our song plays on…
Eriol watched her sleep beside the driver's seat. Mahigit dalawang oras din silang nakahig sa hood ng kotse hanggang sa nakatulog na nga si Tomoyo. May baon naman siyang kumot kaya hindi nilalamig ang dalaga. Hinaplos niya ang mahabang buhok ni Tomoyo.
Hindi niya alam paano niya tutulungan itong mahanap ang tamang daan. Kailangan na niya pakalawan ang pagmamahal sa pinsan.
Hindi na pinaguusapan ang pagmamahal ni Tomoyo kay Sakura. Ngunit tapos na ang yugtong iyon. Mayroon nang malapit na magsimula.
Umuwi si Eriol para kay Tomoyo. At humingi siya ng tulong kay Syaoran at Sakura para mailabas si Tomoyo.
Ngayon ay ihahatid niya ito sa bahay nito. Pero mabuti na rin na alam ni Tomoyo na nakauwi na siya. At least may chance na maging close sila.
He had to smile. Tuwing maririnig niya ang kanta na tumutogtog sa bar ay maalala niya ang gabing sinimulan nila ni Tomoyo.
Maalala niya ang simula ng kanilang paglaya.
Our song plays on…
Our song plays on…
Our song plays on…Our song plays on…
(Parked car, night sky)
(let it ring)
Our song plays on…
(Alone with you tonight…)