|
Author of 23 Stories |
Babala: Hindi sa akin ang anime na ito. Kubo Taito nga ang gumawa na iyan. Randomness and exaggeration included.
Eto sa mga mahilig manood ng Bleach habang naglalaro sila ng tennis.
Shinigami All Filipino Cup presents:
Byakuya’s Tennis.
“Fifteen – Love!”
Iyan ang hiyaw ng isang reperi sa tennis nang ginamit ni Grimmjow ang Arrancar Rondo towards Destruction sa kaliwang braso ni Byakuya hanggang sa backcourt. Biglang nagulat ang mga Shinigami nang tinambangan ni Grimmy habang inaasar niya ang ikaanim na lupo na si Byakuya Kuchiki with style.
“Feel the awe of my prowess.” Aniya ni Grimmjow pero binalewala ni Byakuya yung mga catchphrases niya.
“Hoy, ‘wag mo ‘kong talikuran! Eto yung kalaban mo, ano ka ba!?” sumigaw si Grimmjow na may duro sa sariling daliri niya.
“Talaga, nagsisimula tayong maglaban sa larangan ng palakasan na iyan” aniya ni Byakuya pero isang mahiwagang Getsuga Tenshou con de Twist Serve ang tumilapon sa dalawang tukmol na naglalaban ng isang palakasan.
“Sino iyan?”
“Teka, para yata akong napapaalala noong laban naming ni Black guy.”
“Si BATMAN!” tili ng mga tennis players.
Binato ni Ichigo ang dalawang bugok sa pamamagitan ng bola.
“KABOOM!”
“Bopols, nag-aamba ang mga mata ng manonood sa laban niyo!” bulyaw ni Ichigo na nagging magulo ang audience nila.
“Oo nga. Puro kayong salita, wala ka pang gawa. Ano iyan, ginawang silent movie!?” aniya ni Uryuu.
“Kahit kelan, ugok ka” panayam ni Ulqiorra at sumang-ayon si Yammy pero gumanti si Grimmjow gamit ng Tannhausser serve at umilag si Ulqiorra.
“Eh kung mag-ultimate fighting tayo, ha!” Bulyaw ni Grimmy kasabay ang malicious middle finger niya.
“Bring It On!” lalaban pa si Ulqiorra pero pinukol ni Byakuya ang dalawang sira sa harap nila.
“Kung maglalaban pa tayo ng Tennis o hindi, matetepok ka na lang.” aniya ni Byakuya. “Meron akong tatlong opsyon: maglalaro tayo ng tennis, away o full-scale riot. Baka makatikim kayo ng Senbonzakura ko.”
“Sige, Let’s get ready to rumble!” sigaw ni Grimmy.
Nag-react si Ichigo at si Uryuu habang nag-shake ang ulo in negative manner:
“Madamada dane.”
“O eto na ang second serve ko na ‘to. Magkaka-thirty-love na ako kaya maghanda ka na lang ng putting panyo!” halakhak ni Grimmjow habang inihanda niya ang twist serve.
“Gan’on ba, nagsisimula pa lang ang laban.” Aniya ni Byakuya.
“Hus, puro hangin na naman iyan.” asar ni Uryuu.
“Umuwi ka na! Umuwi ka na! Umuwi ka na!” asar pa ng mga audience.
“Chire: Senbonzakura Kageyoshi” naihanda ni Byakuya ang atake kay Uryuu pero inilagan niya in a comical manner.
“Hoy, ba’t mo akong pinagtitripan!?”
“Eh ikaw lang ang nagsalita ng kabopolan sa isang Shinigami: one hundred laps, ngayon din.”
“Ano!?” tanong ni Uryuu. “Bakit nagbibigay ng one hundred laps sa akin?”
“Malay ko. Feeling Tezuka siya.” Sagot ni Ichigo.
“Ikaw rin Ichigo, one hundred laps, go!” Bulyaw pa ni Byakuya.
“Asar… Tezukang-Tezuka nga!” Sumigaw ang Rusty Pair na consists of a Shinigami and a Quincy habang naghahabol sa isandaang laps.
“Hanggang ngayon, daldalan ang laban na ito. Pwede ba tayong umalis, naiihi na ako sa laban na iyan.” Aniya ng isang batang bunot.
“Parang husto ko nang umuwi.” Sabi ni batang bokal.
“Aalis na ako, exclamation point!” sigaw pa naman ang isang bata na may dalawang taon na experience sa tennis. Kaya ang resulta… nag-walk-out sila dahil maggagabi na pala.
Samantala nang naghahabol si Uryuu at si Ichigo at nag-chi-cheering si Ulqiorra at Yammy, Tuloy pa ang laban ni Byakuya at ni Grimmjow. Naghatol ang reperi sa mga iskor nila.
“Thirty-Love”
“Oh hell’s no!” sigaw pa ni Byakuya.
“Forty-love”
“This is not good!” aniya ni Byakuya habang nilipat niya ang raketa sa kaliwang kamay. “Tignan natin kung sino ang tatawa sa huli.”
Nang nasa kaliwang kamay ang raketa niya, ipinokus niya ang enerhiya niya mula sa Zanpakutou papunta sa raketa. Nang magfu-full power si Byakuya, na-shock ang mga arrancar sa tabi.
“Ulqiorra, anong power level na naaayon sa data mo tungkol sa Chire: Senbonzakura Kageyoshi Zone niya?” aniya ni Yammy. “Siga na, dukutin mo na ang mata mo at i-reveal mo kung anong power level niya, please…”
Winasak ni Ulqiorra ang kanyang mata at sumigaw:
“IT’S OVER NINE THOUSAAAAAAAAAAAAAAND!!!”
“Ano, Nine Thousand!”
Pero nang nagcharge si Byakuya, nagulat si Grimmy:
“Slash Oh-em-ef-jee exclamation point!”
Nagmistulang mga dalawang saksi si Ichigo at si Uryuu:
“Katapusan ng mundo, magbago kayo, lalapain kayo ng demonyo… Bah… behbi… bobuu…”
“Magse-serve na ako, eto na!” sumigaw si Grimmjow nang tinignan ni Byakuya, inimagine niya yung mga planeta na malapit itong sasabugin.
Byakuya’s POV:
“Eto na… eto na… eto na… AAAAAHHH!”
Nakahanda ni Byakuya ang Senbonzakura Kageyoshi Zone na may remix ng Katayoku no Tenshi in advent mode.
Ginamit ni Byakuya ang Chire: Senbonzakura Kageyoshi Zone na may halong cinematic effects na nasa space with sandamakmak na equations and formulae na para masira ang buong solar system. Nawasak ang mga planetang Pluto, (As usual, Trans-Neptunian Object lang ito kaya hindi ito maaaring itanghal bilang isang planeta.) Neptune at Uranus. Nawalan pa rin ang reputasyon ng Saturn bilang Lord Of the Rings dahil nagkakarag ang mga yelong bato na ito. Tumama rin ang planetang Jupiter hanggang siya ay sumabog na dahil sa mistulang doughnut ang figure na iyan. Nang dumating ang serve ni Byakuya sa araw ay lumaki ang area na nagiging sanhi ng pagkawasak ng Mercury, Venus at Earth nang si Grimmy ay nadamay sa limang landed shots sa teritoryo niya. Naghatol ang Reperi:
“One-Forty, game and match: won by Byakuya Kuchiki”
Nanalo si Byakuya Kuchiki at inastigan si Grimmy pero nagkakarag ang kanyang kaliwang braso niya at nahimatay:
“I overdid it… augh…”
“Ano ngayon Ichigo, tulungan natin siya?” tanong ni Uryuu.
“Wag na. Para wala na ang yabang niya sa buong mundo” aniya ni Ichigo.
END!
Halong-halo ito!
Hinalo ko nga para magiging more humorous ang istorya ko plus may konting elements ng DBZ at FFVII na iyang istorya ko na parang may nagcast ng Supernova courtesy of Sephiroth.
Bet you didn't Know:
Okiayu Ryoutarou took the voice of Tezuka and Byakuya per se.