Reviews for Askobakbarium
rucHicHan chapter 1 . 12/6/2007
ahahaha!

love this!

katuwa naman!

maganda at nakakatuwa ung mga jokes dito!

nakuha mo kiliti ko (actually mababaw lang ang humor ko)

aus naman wah!

maganda siya!

promise!

break my heart! wag lang ung kay kanata hongo kundi lagot ka sa akin!
Heyitsrin chapter 1 . 11/24/2007
katuwa wakoko hyuuga neji me putok dhahahah shabu gnagamit heheh
Hunter K chapter 1 . 8/5/2006
ETO NA! THE MOST AWAITED REVIEW NI H-KAI NA INABOT NA NG SIYAM-SYAM BAGO NAPOST... KONTING PAGPAG NALANG... INAMAG NA KASI...

ooc s Sasuke, super! Si Sasuke, uusog? Eh, sya ata ung tipong kapag naupo na, nakatanim at nagkaugat na sa kinauupuan. Siya ung tipong hindi mo na mapaalis kht ikamatay mo pa o ikamatay nya rin.

Nakaamoy k na ba ng BO? as in putok?

Pwes kung hindi pa, isa-isahin mong itaas ang kilikili ng mga classmeyt mo at isa-isa mong singhutin pagkatapos ng PE nyo. Ewan ko lan kung wala ka pang maamoy khit isa.

Ang inaasahan ko kasing gagawin mo ay ipaparamdam mo sa mambabasa kung gaano kalala ang BO ni Sakura. Yun bang makaka-relate ang mambabasa sa suliranin ni Sasuke at malala nila ung minsang nakatabi sila ng may putok sa jeep at muntikang mahagip ng bus ang ulo nila sa pagsusumikap na lumabas sa bintana at makalanghap ng sariwang hangin. Marami kasing pwedeng maging dahilan kung bakit namumula at hindi makahinga si sasuke. Oo, magkakaroon nga ng suspense dahil sa hindi malaman sa umpisa ng mga readers kung anong nangyayari kay Sasuke, pero hindi nila mararamdaman kung ano ang pasakit ni Sasuke... Isa pa, may mga taong hindi alam kung ano ang baktol (tulad ko) kaya mas mabuti kung ipapaliwanag sa kanila sa hindi nakakaboring na paraan...

- version ng Sasukeng nakaamoy ng putok: -

Lumingon-lingon sa Sasuke sa paligid upang alamin ang pinangagaligan ng nakakapansulasok na amoy. Wala namang dumaang truck ng basura. Wala ring nanlilimahid na kulugo sa paligid. At lalong wala siyang ebak na naapakan dahil tinignan na niya ang kaniyang mga talampakan. Double check. Yep, walang ebak... bubble gum lang.

Napakunot ang noo ng Uchiha at napaisip. "Saan naman kaya nagmumula ang sinumpang amoy na 'yon?" Hindi na sana poproblemahin ng nasabing Uchiha ang amoy, pero talagang di na niya matiis. Kung si Akamaru ang nasa kalagayan niya, malamang ay nangingisay na at bumubula ang bibig ng asong iyon sa ngayon. Pero hindi rin naman siya isang normal na tao. Bilang isang ninja, sinanay siya para maging sensitibo sa mga amoy... kaya naman.

"Chikuso!", lalong lumalakas ang amoy. Kaya naman hindi niya namalayan ang pagdating ni Sakura.

"Sasuke!", masiglang pagbati ng dalagita. At sa isip-isip niya: "Yeah! kaming dalawa lang! Walang kulugo! Perfect! Pwede ko nang sabihing gusto ko siya! tapos nun, mag-on na kami! YEZ!" Pero nang bumalik sa Earth si Sakura ay papaalis na si Sasuke sa kinauupuan.

"Teka Sasuke!"

Namumula si Sasuke at tuwid ang linya ng bibig. Lalo niyang linakihan ang mga hakbang.

"Sandali Sasuke", habol ni Sakura.

Lalong lumalakas ang amoy pinaghalong langka at nabubulok na sibuyas sa pang-amoy ni Sasuke kaya lalo niyang binilisan ang lakad. Hindi nlang briskwalk kundi takbong pang 10m dash na. At sa pagpipigil niya sa paghinga ay nangangasul na rin ang kulay ng kanyang mukha.

"Sasuke!" hinila ni sakura ang kamay ni Sasuke. Kaya naman agad siyang hinarap ng binata.

"Sa..." Hindi na natuloy ang sasabihin ni Sakura dahil sinupalpal siya ng ka-team.

"Lakasan mo ngang Deo mo!" Sabay layas bago pa siya himatayin.

Gumuho ang mundo ni Sakura. Ang malaman na nga lang na pareho sila ng shampoo ng asong si Pakun, ay parang guguho na ang mundo. Ano pa kaya ang sabihan ka ng iyong pinakamamahal ng "mabaho kilikili mo!", sa di kaaya-ayang paraan. Pwede naman niyang sabihing, "Sakura, pareho kayo ng deo na gamit ni Naruto. Palitan mo na!"

"Eh? pangit pa rin. Parang insulto pa rin." T_T

"Mas ok pa siguro yung ibilihan niya ako ng deo at ibigay yun bilang regalo, diba?"

Sa bahay ni Sasuke:

"Ano iyon?" Hindi mapakali ang Uchiha dahil hindi pa rin nawawala ang amoy durian at nabubulok na sibuyas.

"Hindi naman kaya..." Sinubukan niyang amuyin ang sarili.

At hinimatay ang uchiha sa pag-aakalang may putok siya... :-)

Ang hindi niya alam, naiiwan lang talaga ang amoy, lalo na sa mga taong sensitibo.

-

At iyon ang version ko ng sasukeng naka-amoy ng putok. Hindi ko sinasabing gawin mong ganito ang fic mo kc may kanyakanyang style tayo sa pagsusulat ang sinasabi ko lang ay mas palawakin mo ang imahinasyon mo at wag mong kakalimutan ang mambabasa - kailangan makarelate sila.

Nga pala, ang linyang ito ni Sasuke: “Sakura, wag ka sanang magagalit” ay never masasabi ng Uchiha dahil wala siyang paki-alam kung magalit man sa kaniya ang buong mundo. Basta gusto niyang sabihin ay sasabihin niya. Prangka rin siya kaya, hindi siya nagsasalita ng may paliguy-ligoy.

Wala na akong ibang reklamo. Ok yung idea mo pero medyo lagyan mo pa ng creativity sa pagde-deliver ng kwento.

-H. Kai
Shizuku Seta chapter 1 . 7/15/2006
HAha! Nabasa ko rin. Ang lupet ng anghet! pwede na mag first day high si Sakura. :)
Beetchy Bebeh chapter 1 . 6/15/2006
Ahahaha, ang ganda! I like it! Grabe, si Sakura may baktol! XD Gawa ka pa! Haha.
Withering Princess chapter 1 . 6/8/2006
Wahahahaha! ang galeng ng idea! Nakakatuwa! Hanef!

Mauutot ako katatawa!