Disclaimer: hindi po akin ang Flame of Recca at hindi po ako related sa gumawa nito.

Ang Sulat ko (Jan. 31, 2004)

Dedicated to nataku- and to August 25, 2002.

~ Domon, pakibigay na lang ito kay Recca bukas habang nagbibihis pa lang s'ya ng pangkasal. Sabihin mo sa kanya, basahin n'ya agad. Ingatan mo. 'Wag mo ring babasahin. Salamat. -- Kirisawa Fuuko ~

=======
"Malalim na ang gabi, Recca. Hindi pa rin ako makatulog. Nagpapatugtog lang ako dito. Kasabay ng hangin ang pag-awit ng paborito kong banda. Ang hangin -- elemento ko. Naalala mo ba nung natalo mo ako sa laban natin nung nalaman kong si Yanagi na ang prinsesa mo? Naiyak ako nun. Hindi ko lang ipinakita sa lahat dahil alam kong iisipin nilang mahina akong tao. Kaya pinagtawanan ko na lang kayo. Lalo na si Yanagi. Masyado s'yang mahina para maging prinsesa mo. Sabi mo kasi sa'kin pagsisilbihan mo kung sino man ang makatalo sa'yo. Nakakainis ka! Alam mo bang nag-ensayo akong mabuti dahil gusto kong sa'kin ka mapunta!? Pero wala.. hindi mo talaga ako gusto."

Kung wala ka ng gustong sabihin, 'wag ka ng tumingin ng ganyan. Kung bukas, ako'y kalilimutan, 'wag mo na isiping ako'y tawagan. Habang may panahon, 'wag na nating hintaying lumalim pa. At masakit ng tanggapin...

"Tumutugtog pa rin ang radyo sa tabi ko, Recca. Siguro, tulog ka na ngayon. Sana nand'yan ako sa tabi mo, kinakantahan ka. Pero siguro, pinatulog ka na ng mahimbing ni Yanagi. Habang ako, nakikinig ng radyo at naiiyak dahil tungkol sa'yo ang kanta."

Ang pag-alis ng iyong liwanag na gumising sa mahabang gabi. Ika'y langit pero baka masanay at 'di na kayanin ang iyong pag-alis..

"Bukas, siguro masayang masaya ka dahil ikakasal na kayo ni Yanagi. Hindi ko pa rin alam kung bakit s'ya ang pinili mo at hindi ako. Sabi naman ni Domon, mas maganda ako, kahit hindi ako gaanong mabait sa kanya nung una pa lang. Pero wala lang nangyari. Noong naglalaban kayo ni Kurei, ang dakila mong Kuya, hindi mo pa palalabasin ang mababalasik mong dragon kung hindi mo nakitang naghihirap si Yanagi.

Akala ko noon, kapag nasaktan ako, mawawala agad. Akala ko, kapag iniwan mo'ko hindi ako iiyak. Dahil akala ko, kaibigan ka lang sa'kin. Akala ko, hindi kita mamahalin ng ganito."

Kung wala ka ng gustong marinig, ako'y aalis. At mananahimik. Ang kahapon na nais kong limutin, sana nama'y 'wag ng manumbalik at bigyang pansin. At kung may panahon, 'wag na nating hintaying lumalim pa, at masakit ng tanggapin ang pag-alis ng iyong liwanag na gumising sa mahabang gabi...

"Recca, bukas, bago ka ikasal, ipagdasal mo ako. Pasensya na, hindi na ako makakapunta sa kasal n'yo. Kung kailangan mo ako, sabihin mo lang ang pangalan ko, nasa tabi mo na'ko. Hindi kita iiwan."

Ika'y langit pero baka masanay, at 'di na kayanin ang iyong pag- alis... =======