Ang tulang ito ay nagaganap sa POV ni Kikyou habang iniisip niya ang kanyang kabiyak (sino pa kundi si Sesshy! ;D). Nagmahalan silang dalawa ni Sesshoumaru, ngunit sa kabila ng kasiyahan ay mayroon pa ring kaunting pait sa paig-ibig. Ahem, hindi ko pag-aari ang Inuyasha. Lahat ng mga tauhan sa anime na ito ay pag-aari ni Rumiko Takahashi.

Liwanag ng Apoy

isinulat at isinalin sa Filipino ni Nefertili

Ikaw ang Liwanag ng aking mata,
Nagliliwanag, malaya,
Sadyang malaya sa mga kadena
Ng mundong puno ng kadiliman at luha,
Nagliliyab sa iyong liwanag,
Nililiyab ang aking puso,
Sa apoy ng iyong pagmamahal.

Dinala mo ang Liwanag sa 'king mata;
Sa aking nakalipas na buhay,
Ako'y nagtahak sa gitna ng dilim,
Nag-iisa, nanlalamig,
Tumatangis sa pagsubok na di-makita,
Umiiyak sa kawalan,
At hinahanap ang Liwanag,
Na siyang magbibigay ng kapayapaan
Sa puso kong walang hinangad,
Kung 'di magmahal at mahalin.

Dinala mo ang Liwanag sa 'king kalul'wa.
Nang namatay sa labis na pait,
Ang lahat ng lampara ng pag-asa,
Ang aking kamay ay 'yong hinawakan,
At ako ay inahon mula sa kalaliman,
Mula sa mundo ng takot at sakit,
Ng aking pag-iisa.

Ikaw ang Liwanag ng aking mata,
Ngunit dapat kong maintindihan at matanggap...
Ang isang katotohanan:
Sa kabila ng init ng iyong pagmamahal,
Sa kabila ng kabutihan mong di-mapantayan,
Ang pag-ibig, bulaklak na puno ng tinik,
Iyong binahagi sa akin
Sa isang kabayaran.

Dinala mo ang Liwanag sa 'king mata,
Ngunit 'di mo alam ang hinagpis
Na walang-malay mong pasanin,
Mahal kita, ngunit ang pag-ibig ay may halong pait.
Kahit nag-aalab ang puso ko sa pagmamahal,
Ah! Ang pait ng pagnanasa!
Ang iyong apoy ay nakagagaling,
Ngunit ito rin ang nagpuno
Sa aking puso't kalul'wa
Ng di-mabilang na hangarin.

Ngunit ikaw pa rin ang nagliwanag sa 'king kalul'wa,
At handa akong magpakasakit muli,
Para sa iyo, aking Liwanag,
Na walang anumang kabayaran.

Ikaw ang Liwanag ng aking mata,
Nagliliwanag, malaya,
Sadyang malaya sa mga kadena
Ng mundong puno ng kadiliman at luha,
Nagliliyab sa iyong liwanag,
Nililiyab ang aking puso,
Sa apoy ng iyong pagmamahal.

...o0o...

/Hikbi, hikbi/ Ay, sayang nga lang at 'di masyadong maganda ang pagkaka-dub ng Inuyasha sa Pinoy. At pakiusap lang po, huwag niyo akong bigyan ng flames dahil lang sa hindi niyo sinusuportahan ang SesshKik. Constructive criticisms ang hanap ko. ;)