PAUNAWA: Isa lamang akong hamak na nilalang kaya pasensya na sa mga maling spelling, grammar at iba pang kapalmpakan ng isang micelle na tulad ko. Hindi rin akin ang mga tauhan na ginamit ko ditto at ang anime na Shaman King… kung baga hinihirma ko lang sila…

LJLJLJLJLJLJLJLJLJLJLJLJLJLJLJLJLJLJLJLJLJLJLJLJLJLJLJLJ

Bakit ba pag-ibig?

Kabanata 1

Isang araw habang si Horohoro ay naglalakad sa parke napansin niya ang isang babaing may kulay rosas na buhok… nakilala niya agad ito dahil sa palagi niya itong nakikita kasama ng kaibigan niyang si Yoh.

"Tama! Si Tamao nga yon." Sigaw ni Horohoro.

Si Tamao, isang manghuhula na may napakagandang mukha, mahinhin at pinakamabait na ugali… patay na patay talaga siya sa kaibigan ni Horo –si Yoh Asakura pero ang di lang niya alam ang matapang na Ainu na ito ay may pagtingin rin sa kanya.

"Tamao! Tamao!" Tawag nito sa kanya. Napalingon naman ang dalaga.

Sa pagtingin lang niya sa kanya parang nakakakita na ng anghel si Horohoro, namula ng onti si Horohoro at napatigil… pinagmamasdan niya ang kagandahan ng nilalang sa harapan niya.

"Bakit Horohoro? May madumi bas a mukha ko?" tanong bigla ng babae nang mapansin ang titig ng mga mata nito.

"Ahh…" wika nito sabay alog ng ulo para magising, "wala naman ang cute mo kasi ngayon eh."

"Ganon ba." Namumulang wika nito.

"Maiba tayo. Ano bang ginagawa mo ditto?" tanong ni Horohoro.

"Naglalakad-lakad lang. may iniisip kasi ako eh."

"Mabuti yan! Pinatutunayan lang niyan na may isip ka." Biro nito para malimot ng binibini ang tensyon kanina nang mapatitig siya.

Nangiti si Tamao.

"Tungkol saan naman ang iniisip mo?" Tanong ni Horohoro.

"Wala naman." Pilit na iwas ni Tamao ang patungo sa isang upuan.

"Para naman tayong walang pinagsamahan niyan eh… ano bang problema mo? Malay mo masasagot ko."

Namula ng todo ang babae, isang reaksyon na along nagpabilis ng pagtibok sa puso ni Horohoro… parang lalong tumugma ang kulay ng buhok niya sa kanya… lalo siyang gumaganda.

U.U

Dahil sa pangungulit ni Horohoro pumayag na rin na magsalita ang mahiyaing si Tamao. Naupo sila sa upuan… (N/A Malamang sa upuan san ba dapat? Wala lang epal lang .) Namumula pa rin si Tamao…

"Ano kasi Horohoro…"

"Wag kang matakot di ko naman ipagkakalat eh… pwamis!"

"Ganito kasi yon. Alam mo naman ang kaso k okay Master Yoh hindi ba… may Anna na siya… habang ako naman eto nag-iisa pa rin." Paiyak na wika ni Tamao.

Biglang hinawakan ni Horohoro ang kamay ni Tamao.

"Alam mo Tamao kahit kalian di ka nag-iisa. Andito naman ako eh." Wika ni Horohoro habang nakangiti sa kanya.

"Horohoro… alam ko naman iyon eh… kaya nga… kaya nga…" pautal na wika ng babae. Napapansin ni Horohoro na humihigpit ang hawak ni Tamao sa kamay niya habang lalong nagkukulay rosas ang mga pisngi nito.

"Kaya nga… mahal na kita Horohoro eh!" wika ni Tamao.

Nagtama ang mga mata nila…

Nangiti si Horohoro…

"Mahal rin-" sasabihin na sana ni Horohoro nang may maramdaman siyang kumakalabit sa kanya.

"Ano ba ito epal yan ah!" Sigaw ng isipan ni Horohoro.

Ngunit nang lumingon siya nakita niya si….

Tamao?

O.o

Yun pala panaginip lang ang lahat…

v.v

Sayang!

"Horohoro… nakikinig ka ba… ang sabi ko mahal ko siya. Mahal na mahal ko pa rin si Master Yoh." Wika ni Tamao… ang talagang sasabihin niya bago pa nakapangarap si Horohoro ng kung anu-ano.

"Sayang talaga…" napabulong na lang niya.

"May sinasabi ka?"

"Wala naman…" nasambit ng Ainu habang nangangamot ng ulo… pinagtatakpan ng kanyang mga ngiti ang malaking pagkabigo at pagkahinayang, "ang sabi ko wag na wag kang mawawalan ng pag-asa."

Matapos non nakangiti na rin si Tamao, para sa kanya ang pakikinig lang ni Horohoro ay nakatulong ng malaki sa kanyang dinadamdam. Si Horohoro naman ay malungkot pa rin… para bang binagsakan ng langit at lupa ang kanyang kawawang puso… umasa pa naman siya.

"Pero isa akong mandirigmang Ainu! Hindi ako susuko! Balang araw matatalo ri kita Yoh sa puso ng irog kong si Tamao!"

HHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH

Sana nagustuhan niyo… minadali ko lang yan kasi nasa bahay ako ng kapitbahay ko nang gawin ko ito… nakakahiya na kasi... pangako sa susunod na kabanata isang maikling kwento naman tungkol kay Ren at Pirika ang gagawin ko… sana mag-review kayo… Salamat… teka sa tingin niyo ba nakabalik na ko ng tuluyan… ano? ayos lang ba?