Okay ito ang kasunod nung kabanata 4 yung tungkol kila Yoh…

PAUNAWA: Pasenya na po kung may mali ako dito sa pagtytype nung kwento. Tapos gusto ko lang sabihin na hindi ako ang may-ari ng Shaman King k? okay now that's clear

Kwento time na…

LJLJLJLJLJLJLJLJLJLJLJLJLJLJLJLJLJLLJLJLJLJLLJLJLJLJLJLJLJLJLJLLJ

Kabanata 5

"Anna!" Sigaw ni Yoh sabay bukas ng pinto ng kwearto.

"Bakit?" tanong na lng ni Anna.

"Halika may papakita ako sa iyo."

"ano naman iyon?"

tututol pa sana si Anna nang biglang hilahin na lang siya ni Yoh na parang bata. Mukhang masayang-masaya ito sa ipapakita niya kay Anna kaya din a nagpapapigil pa ang babae.

n.n

Umakyat ang dalawa sa bubong at tumingin sa nakapagandang paglubog ng araw. Mukhang katuladpa rin ito ng dati… orange pa rin wala naming espesyal pero para kay Anna ito ay kakaiba sa lahat ng mga paglubog ng araw na nakit na niya.

"Di ba ang ganda." Hanga ni Yoh.

"Maganda nga." Bulong ni Anna.

Napatingin si Yoh kay Anna at medyo napatitig. Ang ganda talaga niya… noon pa ni Yoh alam iyon pero kahit kalian di niya ito sinasasabi natatakot kasi siya kay Anna at baka mamaya masampal siya.

Ang medyo mapula at kulay orange na sinag ng araw ang lalong nagpaganda kay Anna sa panigin ni Yoh, mukhang kumikislap ang mga mata nito. Para bang anghel na bumababa sa tabi niya o kaya naman prinsesa sa mga panaginip niya. Ang mga sinag ng araw ang medyo nagpamula sa mga pisngi ni Anna… making her more attractive (ay naku nagenglish na ako …sori)

"Ang ganda talaga." Nabulong ni Yoh.

Ang medyo pabulong na boses ni Yoh ay napakagandang pakinggan talaga at dahil don napatingin si Anna sa katabi niya.

n.n

Nagtama ang mata ng dalawa. Tumitingin sa isa't-isa na animo'y nag-uusap ang mga sulyap. Natahimik lang silang dalawa. Hindi napapansin ni Anna na palapit na palapit na si Yoh sa kanya. Unti-unting bumalot kay Anna ang mga kamay ni Yoh na para bang handa itong protektahan ang dilag habang buhay.

"Niyayakap ba ako ni Yoh?" tanong ni Anna sa isip. Ang yakap na iyon ang nagbigay ng kakaibang tibok sa puso ni Anna… mabilis ang mga pintig ngunit hindi naman siya natatakot o kinakabahan… basta mabilis lang ang pintig ng puso niya.

Hindi na nag-isip ng kung ano pa man si Anna…nagustuhan niya ang akiramdam na ito. Nadarama niya ng init ng pagmamahal ni Yoh sa kanya at ayaw niyang mawala ito dahil lang sa laki ng pride niya. Kaya sinandal na ni Anna ang ulo niya kay Yoh. Dahil dito lalong hinigpitan ng lalaki ang pagkakayakap niya na para bang hindi na siya bibitaw.

"Wala akong maireregalo sa iyo Anna. Pasensya na." paumanhin ng lalaki.

Umiling si Anna, dinadama pa rin niya ang mahigpit na mga bisig ni Yoh na nakagapos sa kanya.

Pakiramdam niya ay walang pwedeng manakit sa kanya lalo na kapag kasama niya si Yoh nang ganito.

"Ang ganda ng regalo mo sa akin Yoh. Ang pinakamagandang regalo na matatanggap ko. Salamat." Bulong ni Anna.

"Pangako Anna kahit kailan hindi kita hahayaang lumayo sa akin. Mahal na mahal talaga kita Anna."

"Alam ko… Yoh."

e.e

Umihip nanaman ang hangin sa ngayong madilim na mundo. Lumubog na nang tuluyan ang araw at sumikat na ang buwan habang ang mga bituin ay nagniningning.

EEEEEEEEEEEEEEEEEEEFFFFFFFFFFFFFEEEEEEEEEEEEE

Warning: Aftermath something… read at own risk.

Ang pag-ibig nga naman hihimukin ang lahat masunod lamang. Minsan hindi mo ito mapapansin hanggang sa tamaan ka na lang sa mukha mo at isigaw sa iyo ng puso mo na "HOY Tanga mahal mo siya!" Minsan naman ay nalilito ka tungkol sa nadarama mo. Tunay nga na masayang magmahal pero misan kapag bumagsak ka masakit… sa sobrang sakit mas nanaisin mo na lang na sumuko. Pero di ba mas maganda ang magmahal at masaktan kaysa sa hindi mo man lang naranasan na umibig. May mga tao talaga na gagawin ang lahat para sa taong iniirog kahit na ba magmukha silang tanga o masaktan pa sila o kahit makapanakit sila ng iba. Habang may mga tao naman na sadyang manhid lang at hindi man lang alam na may nagmamahal pala sila sa kanila. Sa mga taong ganon ito lng ang masasabi ko… may dalawang tao dito sa mundo ang una ay ang bobo na nagmamahal sa isang tao na wala namang gusto sa kanya at ang ikalawa ay ang taong tanga na manhid sa pagmamahal ng ibang tao sa kanya. Ngayon mas gusto ko pa sa mga taong bobo kaysa sa mga taong tanga? Ikaw alin ka sa dalawa.

HHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH

Okay so tingin ko yun na ang ending… pasenysa na dun sa ek-ek ko sa dulo wla lang akong magawa eh medyo may hang-over pa ako sa valentines… pasensya na kung wala dito sina Hao, Lyserg at si Jeanne… pero kung magrerequest kayo baka magbago pa isip ko(joke)… pero hindi nga, wala talaga sila dito dahil na writer's block ako… siguro kung may maisip ako na plot para sa kanila iuuplod ko dito. Anywiez pls magreview kayo at salamat sa pagbabasa.