Natutuwa talaga ako sa Filipino language dito sa bakit? Kasi Pilipino ako…

Paunawa: Hindi po ako ang may-ari ng Shaman King at ng mga karakter na napapalob dito don't worry kapag may dinagdag ako dito na original kong karakter sasabihin ko sa inyo pero sa ngayon wala pa naman… pasensya na po kayo sa mga maling spelling dito ha… sori po tao lang ako. Sana po ay magustuhan niyo ito.

-----------------------------------------------------------------------------------------------------

Kabanata 1

Isang magandang araw nanaman ang gumising sa munting dampa nila Horokeu Usui at Pirika Usui.

"Kuya gising na!" sigaw ni Pirika dito na ngayon ay tapos nang maligo.

"Oo na babangon na." wika ni Horohoro habang pinipilit na bumangon sa kama.

Nangiti si Pirika sabay hatak sa kuya niya patungo sa banyo.

----------

Matapos pong maghanda ng dalawang magkapatid ay sumakay na sila sa jeepney na pamana ng kanilang ama sa kanila. Si Horohoro ang proud na driver nito habang alalay lang si Pirika, siya ang tagakuha ng bayad, at tagatawag ng pasahero. Parehong hindi na nag-aaral ang dalawa at tanging ang jeep lang na iyon ang kinabubuhay nila. Habang iniistart ni Horo ang jeep niya ay sabay labas naman ng kapitbahay nilang negro na si Chocolove na bihis na bihis na patungo sa kanyang trabaho sa opisina.

"Kaibigang Horo!"

"Hoy Chocolove makikiangkas ka nanaman." Wika ni Horohoro.

"Oo sana eh… bakit ka ba mukhang nagrereklamo diyan nagbabayad naman ako ah."

"Oo nga kuya atsaka on the way naman eh." Singit ni Pirika.

"Sige na nga lika na." payag ni Horo.

Kaya sumakay na si Chocolove at Pirika sa jeepney para mag-agahan muna sa karinderya ni Miss Anna Kyoyama. Actually marami pa namang kakumpitensyang karinderya doon ngunit ito talaga ang pinupuntahan ng tatlo dahil una affordable, ikalawa ay masarap ang pagkain at ikatlo (na dahilan ni Horo) ay dahil andon ang magandang waitress na si Tamao, ang dakilang alalay ni Anna.

"Hello Tamao, sabihin mo sa akin… kelan mo ba ako sasagutin?" tanong ni Horo dito.

Agad na namula si Tamao habang binibigay ang kape ni Horohoro. As usual hindi nanaman siya makasagot dahil nakatitig si Miss Anna sa kanila. Nang ibaba ni Tamao ang tasa ng kape ay hinawakan agad nito ni Horohoro kaya nagkaroon rin siya ng pagkakataon na mahawakan ang kamay ni Tamao.

"Handa naman akong maghintay eh kahit forevermore… o magpakailanman o eternity… ako'y maghihintay." Pacute nito sabay kindat.

"Horokeu Usui mabuti pa inumin mo na yang kape mo at lumayas na malalate pa itong si Chocolove dahil sa iyo." Singit ni Anna.

Agad na lumayo si Tamao at pumunta sa kusina para kunin ang order ng ibang mga costumer habang si Anna ay sinusungitan si Horohoro.

"Anna naman talaga bang naiiinggit ka sa min ni Tamao… ikaw kasi eh kung hindi kalang masyadong mataray baka may magkamali pa sa iyo." Wika ni Horohoro at pagkatapos magsalita ay ininom ang mainit na kape sa isang lagok lang.

Dahil nga pala sa pinagsasabi nito kay Anna siyempre nagalit nanaman ito kaya as soon as iabot na ni Horo ang bayad ay binuhat siya ni Anna at inihagis patungo sa loob ng jeep niya.

"Paalam Tamao… hanggang sa muli nating pagkikita irog ko." Hilo pang wika ni Horohoro habang kumakaway. Natawa-tawa lang si Chocolove at Pirika.

---------

Maya-maya pa ay nasa kalsada na ang jeep ni Horohoro at binanaba na si Chocolove sa opisina niya habang ang jeep ay dumiretso na sa terminal nito.

"Salamat Horo!" paalam ni Chocolove sabay ayos ng necktie nito at pasok na para harapin ang boss nitong mabagsik. Dumaan muna siya sa table ng secretary ng boss niya upang batiin ang napakagandang singing slash hypnotist secretary na si Nyorai.

"Good morning my fair lady. Sabihin mo andyan na ba yung boss nating may isang sungay?" bulong nito.

Nangiti ng onti si Nyorai sabay baling ng isang seryosong tingin kay Chocolove.

"Oo at medyo galit na dalian mo pumasok ka na."

"Sige na nga my love… mamamaya treat kita promise."

"Sige na, oo na basta't pumasok ka na." pilit ni Nyorai.

As soon as humakbang ang kanang paa ni Chocolove sa pinto ng opisina ng kanyang boss Ren ay nabulyawan na agad siya nito.

"Bakit po boss?"

"Anong bakit? You're ten minutes late! Paano kung may meeting ako ngayon na na-move ng mas maaga tapos wala ka pa. Paano ko maasikaso ang lahat ng iyon." Sigaw ni Ren na gaya ng dati ay mainit pa sa kape ni Horohoro ang ulo.

"y'know what boss you should not get over excited… relax andito na ko, the ever reliable Chocolove to help you. Sensya na kayo boss kung medyo late ako may nangyari kasi sa karinderya na out of my bounds."

"Whatever." Wika na lang ng mainit pa ring ulo na si Ren, "okay ano bang gagawin ko ngayon?"

"Well boss." Wika ni Chocolove sabay labas ng isang manipis na libro na parang book-size na notebook. "Okay mamayang 7 may meeting kayo sa mga investors niyo, mga 8:30 naman ay may interview kayo sa out-of-time magazine wow sir bigatin yun!"

"Pwede ba wala munang side comments." Sigaw ni Ren habang minamasahe ang ulo.

"Okay tapos maglalalunch kayo with your friends. Tapos the rest of your day kailangan niyo lang pirmahan yung mga request na naka-file sa desk niyo." Patuloy ni Chocolove.

"Yun lang?"

"Um meron pang sang agenda boss paaalala ko lang maleleave ako bukas."

"ah oo nga pala nung isang linggo mo pa yan sinasabi. Bakit anong gagawin mo bukas?" tanong ng Tao.

"Birthday po kasi nung… kabigan ko po hindi po ako pwedeng mawala don."

"Birthday lang?"

"Sir naman… kung hindi sa araw na iyon wala po akong matinong breakfast at dinner kaya kailangan ko pong icelebrate yon. Kayo po kung birthday po ni sir Yoh tiyak na hindi kayo mawawala di ba?" ngiti ni Chocolove.

"Iba si Yoh… iba yung kaibigan mo."

"Malamang babae po iyon eh… ay naku boss 7 na po may meeting pa po kayo." Wika ni Chocolove matapos malingat ang mata patungo sa relo niya.

"Okay."

----------

12:00

Naglunch na ang lahat…

Si Chocolove ay dinala si Nyorai sa fast food dyan sa tawid habang si Ren ay kasama ang mga kaibigan niya (Yoh, Manta ang Lyserg) sa cafeteria slash bar ng opisina para sa mga mayayaman.

"Nakakapagod talaga!" bulalas bigla ni Ren.

"Balita ko may interview ka nanaman sa isang magazine. Congratulations." Bati ni Lyserg.

"Wala ka dapat ikongratulate… nakakaasar nga eh bakit pa kailangan akong interviewhin nang ganon hindi naman ako artista as if naman bebenta ang magazine nila dahil sa article ko don." Asar na wika ni Ren.

"Pero hindi mo rin maikakaila na kasing sikat mo na ang mga artista. Tingin ko nga may fans club ka na eh." Singit ni Manta na nangingiti lang.

"Kung ganon dapat pala ikaw na lang ng kinuha ng ate mo bilang bagong image model ng line of perfumes niya… baka mabenta pa." Suwestyon ni Yoh.

"Ano ka ba Yoh? Pambabae lang iyon. Maiba tayo kamusta na yung pamilya mo? Bakit ka ba lagi na lang tumatambay sa kumpanya naming eh may sarili naman kayong kumpanya?" tanong ni Ren.

"Kasi… um… bakit nga ba? Ah oo… si Kuya Hao na lang ang namamahala don sabi kasi ng lola ko wala daw akong alam tungkol dun kaya ayun hindi na ko nakikigulo." Simpleng kwento ni Yoh na para bang wala lang sa kanya iyon.

"Pero di ba ikaw ang gusto ng tatay mo na magmana ng kumpanya at hindi si Hao?" tanong ni Manta.

"Pero mas magaling naman sa akin si Kuya Hao. Siya na lang bahala don. Ako magpapaeasy-easy na lang." ngiti ni Yoh.

"Typical Yoh. Alam mo tingin ko ganon lang si Hao kasi insecure siya… ikaw ang gusto ng tatay mo, ng nanay mo, ng lolo't lola mo ng pusa niyo ng bahay niyo ng BMW niyo… for short favorite ka nila si Hao hindi." Wika ni Lyserg.

"Basta ako napapagod na sa ganitong liestyle gusto ko maiba naman." Wika ni Ren.

"Oo nga medyo boring nang maging mayaman eh." Sang-ayon ni Lyserg.

"Di ba sabi ko sa inyo patambay-tambay na rin kayo."

"Mang-encuorage daw ba." Bulong ni Manta.

---------

Habang sa cafeteria naman ni Anna ay kumakain na rin sila Horohoro at Pirika.

"Horo. Ang ganda talaga ng kapatid mo habang buhay mo na lang ba siya gaganyanin?" tanong ng isang driver.

"Hoy! Hindi ko pinagtapos si Pirika ng kolehiyo para magtawag ng pashero ng jeep habang buhay siyempre may mga pangarap rin yan." Sagot ni Horo.

"Teka. Pwede bang ligawan yang kapatid mo?" tanong ng isa pang driver.

"Hindi pwede. Kung ayaw mong dumanak ang dugo dito sa karinderya ni Anna." Sagot ni Horo.

"Ikaw naman kuya oh… bagay naman ako sa kapatid mo ah." Asar lalo nung driver.

Dahil don naasar na si Horohoro at napatayo na sabay hawak sa kwelyo nung driver na parang aambangan ng suntok siyempre pinigilan agad si Horo nila Tamao at Pirika.

"Alam mo ang aming angkan ay galing sa isang marangal na lahi hindi isang tulad mo na askal ang dudumi sa aming bloodline!" sigaw ni Horo habang tuloy pa rin ang pigil ni Tamao at Pirika.

"Tamao. Yan ba ang gusto mo maging haligi ng iyong tahanan? Isang barumbado." singit ng isang boses na kakapasok lang sa karinderya. Napatinging ang lahat sa pinannggalingan ng boses at nakita ang isang matangkad na lalaki na may Elvis style na buhok. Agad na sinuklay niya ito at para bang goma kung tumalbog matapos itong suklayin.

"Ryu?" Taka ni Horo na ngayon ay nakalimutan na ang sasapakin na dapat na driver ngayon naman mas gusto niyang manapak ng construction worker na Elvis ang buhok.

Iniwan agad ni Ryu ang mga kasamahan niya na humanap na ng upuan dahil abala pa ang pinuno nila sa panunuyo kay Tamao. Agad na nagslide ito patungo sa pink-haired girl at agad na nagpalabas ng bouquet of gumamela sa kamay mula sa kawalan.

"Construction worker ka ba talaga o magician?" taka ni Pirika.

"Oh Tamao… sagutin mo lamang ako at handa akong gawan ka ng isang magandang mansion para tirahan mo habang buhay." Suyo nito.

"Huwag kang makinig dyan Tamao… bakit may pera ba siyang paggawa ng bahay?" singit ni Horohoro.

"At least ako trabaho ng tunay na lalaki eh ikaw… ano ka ba driver? Saan mo ititira si Tamao sa jeep?" wika ni Ryu na minamaliit si Horohoro.

"Ang cheap!" wika in unison ng mga ka-barkada at katrabaho ni Ryu na lalong nagpagalit kay Horo.

"Teka wag naman kayong mag-away." Pilit na pigil ng ever-so-cute na si Tamao na ngayon ay namumula na hiya.

"Sino ba sa amin Tamao? Ako o si Boroboro." Tanong ni Ryu.

"Horohoro! Oo nga Tamao sino bang mas gusto mo?" tanong rin ni Horohoro.

"Kung ako ang tatanungin si Horo na lang at least siya nagbabayad di tulad ng isa dyan." Singit ni Anna.

"ano ka ba naman miss Anna magbabayad naman ako eh." Pakiusap ni Ryu habang nakaluhod sa harap ni Anna. Si Horo naman ay tumatawa triumphantly.

"Hay naku sana ang maiinlove sa kin di tulad nila." Nabulong na lang ni Pirika.

---------

Kinagabihan umuwi na si Yoh para lang maabutan ang pagplaplano ni Hao na pabagsakin ang kumpanya ng kung sino mang magaling. Napabuntung-hininga na lang si Yoh at sinuot ang earphones niya sabay akyat patungo sa kwarto niya.

---------

Si Lyserg naman ay nasa loob ng kotse niya at nagdradrive pauwi nang may nakita siyang lalaking nakabulagta sa daan. Agad na inapakan ni Lyserg ang preno at lumabas upang tignan ang lalaki. Ngunit as soon as nilabas niya ang ulo niya may biglang humampas dito. Medyo nahilo si Lyserg ng onti ngunit tinamaan muli siya sa ulo ng kung sino man… kahit hilo na napansin pa rin niya ang pagtayo ng nakabulagtang lalaki kanina at paglapit sa kanya bigla siyang sinapak sa sikmura. Natumba si Lyserg sa daan, naramdaman niya ang pagkapkap at pagkuha ng mga laman ng bulsa niya… gusto sana niyang manlaban ngunit tinadyakan nanaman siya sa ulo at iyon ang nagdala sa kanya upang mawalan ng malay.

Kinuha ng mga di kilalang lalaki ang wallet ni Lyserg matapos makuha ang pera ay napagpasiyahan nila na itapon si Lyserg sa ilog na malapit doon. Ginawa nga nila ang kanilang plinaplano at matapos masagawa ito ay kinuha nila ang sasakyan ni Lyserg paalis. Iniwan lang nila ang binata don na maanod ng agos ng ilog patungo kung saan.

------------------------------------------------------------------------------------------------

Ano kaya ang mangyayari kay Lyserg? Kamusta na kaya ang buhay nila Pirika? Bakit magleleave si Choco sa trabaho para sa isang birthday? Makakabayad pa kaya ng utang si Ryu? Ang lahat ng iyan at iba pa sa susunod na kabanata ng kwentong ito…

Sana nagustuhan niyo ito at sana onti lang ang mga mali ko dito… sana po ay magreview kayo dito… salamat po sa suporta… sino kaya ako kung wala kayo? Salamat pong muli!