Nang Bumaliktad Ang Mundo Ko

By: aPpLecHeRrY

Angst na naman. Bad trip kasi ako ngayon eh…

Standard disclaimers apply.


Sakura's P.o.V.

Matagal na tayong di nagkita
At muntik na kitang kalimutan.
Pero sa isang iglap,
Nagbago lahat yun…

Anong ginagawa mo dito?

Isang magandang hapon
Sa tahimik na kalsada,
Biglaan kang nagpakita
Sa di malamang dahilan…

Aalis ka?

Sa sandaling iyan,
Di ko malaman ang dapat gawin
Kung anong dapat na maging reaksyon
Na dapat ipakita sayo

Natakot ako…

Ibang iba ka na…
Di ka na tulad ng dati…
Marami kang pinagbago
Mula sa panlabas at panloob mong katangian

Hindi ako nandito para pigilan ka…

Binago mo ako…
Binago mo ang takbo ng buhay ko
Ikaw ang naging inspirasyon ng buhay ko
ngunit ako ay naguguluhan
Ano ba talaga ang gusto mong palabasin?
Ano ba talaga ang gusto mong iparating?

May tinatago ka, alam ko yun…

Ngayon ako'y hirap na
Isip ko'y gulong gulo
Kung dapat ba akong umasa
O kung meron bang dapat asahan…

Isama mo ako sayo…

Marahil ito na ang kapalaran ko…
At ang kapalaran mo…
Na magkita tayong muli
Kahit na sa huling sandali
Na minahal kita ng bumaliktad ang mundo ko
Upang masabi sayo ang nasa puso ko.

Ano man ang mangyari,

Mahal pa rin kita…


Based on Sasuke's departure. Kung hindi nyo pa alam yun, look up for spoilers! La lang! Nabasa ko ito sa latest issue ng The Bridgetine (school mag), walang nakasulat na author kaya hindi ko alam kung sino talaga ang gumawa nung original poem. Inedit ko lang para bumagay tapos pinasukan ko ng ilang lines tapos ayan! yan ang kinalabasan…

EnGe pOuH nG reVieWs! saLamaT!

LuvLotS,

aPpLecHeRrY