Karma is dedicated to princessmoi. Epilogue of Karma is dedicated to azir.

Disclaimer: Wala akong inaangkin. Plot lang.

Babala: Totally different writing style. It's now more of dialogues and abstract thoughts. I change through the years. Oh, and read between the lines. Marami akong thoughts na hindi na sinulat. Sana makuha niyo. Wag din sana kayo mag-expect. Mahirap nang madisappoint.


Karma
aPpLecHeRrY

+-+-+-+-+

Epilogue

+-+-+-+-+

Pitong buwan. Pitong buwan na ang nakalipas mula nang araw na iyon. Ang araw na iyon kung kailan namulat ang mata ng isa sa realidad, at kung kailan huling nagsayang ng luha ang isa, lingid sa kaalaman ng lahat, para sa minahal niyang wala nang halaga.

Lumakas ang ihip ng hangin sa kanyang kinatatayuan. "Anong masamang hangin ang nagdala sa iyo rito?"

Ang kanyang kinakausap ay sumandal lang sa isang puno at nanahimik.

"Kasal ko bukas." Sa paglabas sa mga labi niya ng mga salitang ito, sinigurado niya ang kanyang sarili na tatapusin na niya ang lahat sa kanilang huling usapan na ito.

Ilang saglit pa'y nagsalita na rin ang isa. "Alam ko."

Hindi na siya nakapagsalita pa. Hindi niya inasahan na mahihirapan siya sa napakasimpleng sagot na iyon. Nagsalita muli ang isa. "Masaya ka ba?"

Uminit ang dugo niya sa tanong na iyon. Alam na niya kung saan gustong papuntahin ng lalaking kausap niya angusapang ito. "Desisyon ko 'to." Nangingitngit na siya sa galit.

Hindi natinag ang kausap niya. "Alam ko. Ang tanong ko, masaya ka ba?" Walang bakat ng panununtya ang kanyang tinig. Isang walang kwentang dahilan na nagpasuklab pa ng kanyang galit.

"Hindi ko siya pakakasalan kung ayaw--"

"Ang tanong ko, masaya ka ba?" Hindi siya nagtaas ng boses ngunit nagawa niyang pigilan ang mga walang saysay na pagpapaliwanag ng babaeng kausap niya.

Sa panahong ito'y nagsimula na siyang sumabay sa daloy ng kanilang pag-uusap. Napangiti siya, "…bakit, gusto mo mahalin kita uli?" Inakala niyang dito na magtatapos ang usapang ito. Nagkamali siya.

"Hindi."

Sa ikalawang pagkakataon, hindi siya nakasagot. Hindi na niya alam ang gagawin niya. Natatalo na siya.

"Kung gusto mo akong pahirapan, huwag mo na idamay ang sarili mo."

"Wala na akong pakialam sa iyo!"

"Matagal na akong walang pakialam sa iyo." Sa pitong buwan na iyon, natutunan ni Sasuke ang kanyang paraan ng paglalaro. Hindi na mahirap sa kanya ang ganitong laro. Noon pa ma'y ginagawa na niya ito.

Pagpapanggap.

Sa larong ito'y kailangan ng mga manlalaro ang isang matibay at kapanipaniwalang maskara. Isang maskara kung saan ka maaaring magtago. Isang maskara na magsisilbing baluti't pananggalang mo upang maharang ang mga ibinabato sa iyo at mapigil ang mga binabato ng puso mo.

"…kung wala ka nang sasabihin, aalis na ako."

Hindi na niya hinintay pa ang kanyang sagot at tumalikod na lamang at nagsimulang maglakad. Ni isang sulyap ay di ginawa.

Bilang pagtatapos sa kanilang paguusap, sinabi niya, "Huwag kang iiyak sa kasal mo."

Muli, walang panununtya sa mga salitang iyon.

Alam ng dalawa na ito na ang huli.

At sa pagbalik nila sa kani-kanilang mga sanctuaryo, tatanggalin nila ang kanilang mga baluti't pananggalang, at hahayaan nila ang kanilang sarili na malunod sa karimlan.

Sa karimlan nila matutuklasan na sa lahat ng naging mga laro nila, pagkatalo rin ang sumasalubong sa kanila ano man ang nangyari.

Sa mga pagkatalo nila, sa pagkalunod nila, higit pa sa mga buhay nila ang kanilang winasak.

+-+-+-+-+

WAKAS… na talaga. Pramis.
Review if you may. Constructive criticisms welcome. Reasonable flames accepted.

I think I'm losing my touch! Di na ko marunong mag tagalog fic! Sorry kung na-disappoint ko kayo… Di ko rin inakala na magkakaroon to ng epilogue. Oh well, pagpasensiyahan na lang po! Oh, and yea, last na talaga to. Wala na talagang kasunod. Pramis! I can't bring myself to bring them together again in a second chance. I don't want to ruin the angst. Try niyo yung iba kong fics kung gusto niyo ng happy ending. )

Kung di ako makakatanggap ng at least 8 positive feedbacks within the week, buburahin ko itong epilogue. I think it's better off without this.

Posted: 032407 . 3:15pm


Karma © aPpLecHeRrY™ November 2005