Patawad poooooooo! Alam kong sobra-sobra na ang atraso ko! Patawad! Salamat po sa nagreview!

Kabanata 2: Ano Ka?

"Eh?" ikinurap-kurap ni Kagome ang kanyang mga mata nang pinakita sa kanya ni 'panginoong' Sesshoumaru ang isang maganda, kahit na inaalikabok, na kuwarto. At sa gitna ng kuwartong iyon ay may kama kung saan may nakapatong na itim na Baro't Saya

"A-Anong gagawin ko dito?" ang tanong ni Kagome, pumapasok sa kuwarto papalapit sa kama.

"Magpalit ka dito ng damit." Ang simpleng sagot ng anghel.

"P-Po? Eh…baka po di 'to kasya sakin." Ang pangamba ni Kagome, tumitingin kay Sesshoumaru gamit ang kanyang mala-tsokolateng mga mata.

"Kakasya yan." Tumalikod si Sesshoumaru ngunit bago umalis ay sinabi nito, "'Wag mong isipin na pinagbigyan kita dahil sa nakamit mo ang awa ko. Sa oras na sirain mo ang pangako mo sakin… magtagu-tago ka na."

Nanlaki ang mga mata ni Kagome sa pagkakarinig kay Sesshoumaru at tila nawalan ito ng boses. Lumabas si Sesshoumaru ng kuwarto at isinara ang pinto, iniiwanang mag-isa ang namutlang dilag.

Pagkalabas ni Sesshoumaru, napatingin siya kay Miroku na halatang naghihintay ng pagkakataong makasilip kay Kagome. Nang nalaman ni Mirokung nabisto na siya, ngumit siya nang parang batang nahuling nagnanakaw ng candy.

Hindi nag-iba ang kawalan ng emosyon sa mukha ni Sesshoumaru ngunit lumapit siya kay Miroku at piningot ang tenga nito.

"ARUY! ARUY! ARUY! ARUY! ARUY! Panginoong Sesshoumaru, tama na po! Masakit! Masakit! Magpapakabait na ako!" ang hiyaw ni Miroku habang hinihila siya ni Sesshoumaru palayo sa pinto.

Pumikit si Sesshoumaru at inisip sa sarili niya, Bakit pa ako?

Pinakinggan ni Kagomeng humina hanggang mawala ang tunog ng pinanlalakad na sapatos ni Sesshoumaru, kasama na ang hiyaw ni Miroku bago nakahinga na ang dilag nang maluwag. "Ano kaya problema nung mamang yun? Gwapo nga, nakakatakot naman."

Tumingin muna siya sa kapaligiran niya bago nagsimulang magbihis. Tinitigan niya ng maiga ang Baro't Saya na itim. Maganda sana ang disenyo kung hindi lang mukhang panlamay. Pero wala naman talaga siyang karapatang umangal kasi siya na nga pinagbigyan eh.

"Sige na panginoong Sesshoumaru." Ang sinabi ni Kouga. "Hindi natin siya kailangang saktan."

Yoon ang naalala niyang sinabi ni Kouga kanina. Kinilabutan siya ng maigi. Ano kayang ibig-sabihin nun? Kasalanan 'to ng ulan! Lahat ng ito'y kasalanan ng ulan!

Nagbuntong-hininga si Kagome at nagsimulang isuot ang itim na damit.Nawa'y patnubayansiya ng Diyos.


Pumasok si Kagome ng silid kainan at nakita ang mga binatang nakaupo na sa paligid ng lamesang mahaba. Lahat sila'y napangiti sa kanya at ngumiti rin siya. Pero nawala rin ang ngiting iyon nang napansin niyang walang laman ang upuang nasa ulo ng mesa, marahil ang upuan ni Sesshoumaru.

"Maupo ka na, binibining Kagome." Ang mabining alok ni Miroku, tinuturo ang upuan sa tabi niya.

"Ah—salamat po." Ang sabi ni Kagome, ngumingiti at lumalapit sa upuang inalok.

"'Wag kang umupo d'yan kung ayaw mong mabastos." Ang sabi ni Inu-yasha, nakaupo sa tapat ni Miroku nang nakapatong ang paa sa lamesa at nakasandal ang ulo sa sariling bisig.

Kumunot ang nuo ni Kagome.

"Ang sakit mong magsalita, Inu-yasha. Bakit ko naman babastusin ang isang napakagandang dilag gaya ni binibining Kagome?"

Tinignan ni Kagome si Miroku, tapos si Inu-yasha. Sumimangot siya kay Inu-yasha. "Inu-yasha sa tingin ko kailangan mong humingi ng tawad kay Miroku."

"Anong sabi mo!"

"Ah! Ang bait mo talaga, binibining Kagome! Buti na lang at narito ka para ipagtanggol ako sa masamang batang yan! Maraming salamat!"

Namula si Kagome sa puri pero ngumiti parin kay Miroku. "Wala pong anuman yun, Miroku." Ngumiti rin sa kanya si Miroku at hinila ang upuan para sa kanya.

"At bayaan mo akong sabihin na bagay ang damit na yan sa'yo! Numiningning ang iyong kagandagan." Ang patuloy na puri ni Miroku.

Namula lalo si Kagome at ibinaba ang kanyang tingin sa hiya.

"Keh! Bahala ka." Sabi ni Inu-yasha. "Basta 'wag mong sabihing 'di kita binigyan ng babala."

Napasimangot uli siya kay Inu-yasha. "Sabihin mo nga sakin, ano ka ba talaga? First time ko kasing makakita ng black angel eh."

Parang lalong napasama and loob ni Inu-yasha noon at tumayo bigla ang itim na anghel ng pagabog. Tumingin siya ng masama kay Kagome, "Wala ka na dun!" Kinilabutan si Kagome kay Inu-yasha noon at walang nasabi hanggang umalis ng silid and binata.

Bumigat bigla ang pakiramdam niya at hindi mapigilang isipin na sensitive subject ang napuntahan nila. Tuloy, na-guilty siya.

"Wag kang mag-alala tungkol sa kanya." Sabi ni Kouga na kanina pang nanonood sa kanila. "Ganyan lang talaga yan." Inamin ni Kagome sa sarili niyang medyo naginhawahan siya sa ngiti ni Kouga. Mukhang pilyo ang lalaking ito pero mukha rin namang mabait kaya kaya niyang magrelax around him.

"Ganun ba?"

"Hindi nalang namin pinapansin ang galit no'n kasi mainitin lang talaga ulo niya." Ang dagdag ni Shippou, umiinom ng pulang tubig galing sa isang wine glass.

"Ah—ayos lang bang uminom ka ng alak, Shippou?"

"Hindi yan alak, bobang babae!" ang sabat ni Jaken. Obviously, hindi siya gusto ng matandang palaka. Agad siyang nakatanggap ng malakas na pagbatok galing kay Kouga na nakaupo sa tabi niya.

"Ha?"

"Tama siya. Hindi to alak."

"Ehdi…ano yan?"

"Dugo."

"H-HA! D-DUGO!"

"Pakiusap, binibining Kagome, huminahon ka. Ang lahat ng ito'y maipapaliwanag naming sa'yo."

Sa ngayon, tumitingin na si Kagome sa kanila na parang naloloko na silang lahat pero huminahong nga siya.

"Bampira ako." And sabi ni Shippou, medyo naaaliw sa mga reaksyon ni Kagome kaya napapangiti.

"ANO!"

Napalaki ang ngiti ng batang bampira at nagsimula itong matawa sa upuan niya. Nakakatawa talaga and babaing ito! Napakadaling malaman ang nasa isip niya kasi napaka-expressive ng mukha niya. Nakakatuwa talaga siya! Nakakatawa!

Imbis na magloka na nang tuluyan si Kagome, napatitig ito sa batang nagsimulang tumawa. Unti-unting napangiti rin ito.

"Pero parang napakabata mo pa para maging bampira."

"Anong bata? Anim na pu't limang taon na kong buhay, para sa'yong kaalaman!" ang pagmamalaki ng bata, tumatayo sa upuan at hinahataw ang kamay sa dibdib.

Napangisi si Kagome sa kanya. "Talaga? Youthful face ka pala eh."

Napangiti si Miroku sa dalawa, masayang bumabalik ang pagkabata at pagiging masayahin ni Shippou. Siguro nga magandang ideya ang panatiliin ang alaala ni Kagome.

"Ikaw, Kouga? Ano ka?"

"Taong-lobo."

"Taong-lobo? Ano yun? Werewolf? Parang ganun?" tanong ni Kagome, hindi masyadong pamilyar sa salitang matagal nang hindi ginagamit ng mga Pilipino.

Ngumiti uli sa kanya si Kouga, "Basta kalahating tao, kalahating lobo."

"Ah…okay…"

"Ako naman ay—" nagsimula si Jaken, ninanais din na pagbigyan ng atensyon.

"Palakang nagsasalita ka lang naman eh." Ang sabat ni Shippou, umiinom muli sa baso niya.

"Anong sabi mo! Ang bastos mo sakin! Ako ho ang tapat na alagad ni—"

"Panginoong Sesshoumaru. Oo, alam namin." sinabat nga mga lalaki. Napangiti si Kagome sa kanilang kalokohan, lalo pa't nagalit ang palakang si Jaken.

"Kayo po, Miroku? Ano po kayo?"

"Ah—ako ba? Isa lang naman akong mapagkumbabang mangkukulam."

"Mangkukulam? Like how?"

"Nakikita ko ang hinaharap at ang nakaraan kapag hinalikan ko ang isang tao. Kaso nga lang kapag nangyari man yun, mawawalan ng alaala ang taong yun tungkol sakin."

May mga bagay sa sinabi ni Miroku na nakapagpalungkot kay Kagome. Napakasaklap naman… "Kung ganon ikaw ang sanang magbubura ng alaala ko…?"

"Salamat sa Diyos at hindi naman yun nangyari. Ngunit meron paring part eng aking puso na nagnais mangyari nga un."

"Bakit naman po?"

"Gusto ko sanang makatikim ng iyong matatamis na labi."

Imbis na mamula, namutla si Kagome dahil sa pakiramdam ng isang kamay sa kanyang—"BASTOS!" PAK!

Ngumiti si Miroku sa kanya kahit na masakit ang namamaga niyang pisngi. "Patawarin mo ako, binibining Kagome. Hindi ko talaga mapigilan ang pilyo kong kamay eh."