Bakit, Sasuke?

By SoundSparrow

VIII.

Zipper ni Shino

(part 3)

Shinojikibamaru – Lee


-Ang bagong grupo-


Hyuuga Household Word of the Day:
Eight

Alas-ocho ang oras ng paggawa ng assignment ni Hanabi, dahil wala si Hinata at Neji, si Hiashi ang siyang nagtuturo sa kanyang anak

3 oras na sila sa math assignment... apurado na si Master Hiashi...

"Hanabi, 8 times 8?"

"sixty-four!"

"Eight plus eight equals eight times two... equals?"

"Eight-Eight!"

"Oh ano yon?"

"Dalawang eight"

"Oh, e di equals?"

"Eighty-eight!"

Uminit ulo ni Master Hiashi.

"Hanabi... eight... doblehin mo ang eight... equals?"

Pumuwesto si Hanabi sa harap ng ama at inilagay ang mga kamay sa tuhod...

"Tayo'y mag ocho-ocho! ocho-ocho! ocho-ocho! Ocho-ocho... Mag-ocho-ocho na!" with matching happy smile sa dulo.

-tumataas blood pressure ko!-


And back to our story!

Noong bata pa si Kakashi, merong… KakaRinObito

Nang tumanda siya, nagkaron ng issue na…KakaKureAsu

Ang sensei ng sensei ni Kakashi ay kasama sa…OroTsuJira

Ang tatay ng estudyante ni Asuma ay nasa…ShikaInoCho

Pero kabog kayong lahat… dahil ngayong taon ay meron ng…Shinojikibamaru – Lee

Ano?

Shinojikibamaru – Lee

Tama. Bilisan natin.

Shinojiki- uhm?

Basta isang matatag na grupo na sila. Kung paano nabuo, tuklasin natin ang mga pangyayari matapos ang insidente kay Shikamaru…


"AHAS!" sigaw ni Anko. At binato niya ng giant shuriken niya na sinusummon niya ng nakaraang kabanata. Ang ahas ay na-pin sa pader ng banyo.

"Aaaghhhhghghhhh!" patuloy na pagsigaw ni Shikamaru. Tinakbuhan ni Hinata si Shika at inexamine ang leeg ni Shika gamit ang kanyang mga natutunan mula sa mga nurse nins na mga pinsan niya.

"Wala namang lason…"

"…kasi, may bakla! Pinagsasamantalahan ako!" sigaw ni Shikamaru. Agad namang naalarma si Kiba at Chouji at napatingin kay Shizune at Anko.

"…ahas lang ang nandito Shikamaru!" malakas na sinabi ni Anko, at tinignan ang iba pang tao.

Mental telepathy ni Anko sa iba maliban kay Shika: wag niyong sabihin ang napagkwentuhan… maaaning ang batang toh!

"Hinde Anko-san! May bakla!" pinagdidiinan ni Shika.

"Tignan mo!" turo ni ANko sa hayop "Ahas lang yan! Ahas! Wala yang lason na ahas!" at hinahawakan ni Anko balikat ni Shika. "Please Shika! Kumalma ka!"

"Hinde! May bakla talaga!"

"Walang bakla dito!"

"Nasa huling cubicle!"

"Kumalma ka! Imahinasyon lang yon!"

"Ginahasa ako ng bakla Anko-san! Ano tingin mo sa akin… baliw?"

….at nagpatuloy ito ng mahigit tatlong oras hanggang sa napagdesisyunan ni Shizune at Hinata, na mainam na gumamit ng sedative para sa sitwasyong ito.


20 hours later…

"Aggghhhhhhhh!"

"Hoy!" sigaw ni Shino sa malaking boses, sabay sampal sa mukha ni Shikamaru. "Giseng!"

Natahimik ang lahat at nakatingin kay Shino. Marunong pala siya sumigaw?

Dumilat ang mga mata ni Shikamaru at napatingin sa mukha ni Shino. Salamat sa Itaas at panaginip lang iyon! Akala pa man din niya ginagahasa muli siya ng isang bakla, pagkatapos ay napatingin siya sa paligid, at nakita niya ang mga ka-batch niya.

"…Shikamaru… ano nangyayare?" tanong ni Shino, nang mapansin niyang tameme lang si Shika sinabihan niya ang iba pa nilang kasama "Labas muna kayo"

Umalis mga kabarkada nila at iniwan silang dalawa. Tumutulo ang malamig na pawis ni Shikamaru, napatingin siya sa bintana at pinagmasdan ang tanawin sa labas. Malapit na ang midnight market… nagsisimula na kasi magtayo ng mga tiangge ang mga tao.

"…may nangyari din ba sa iyo… na kakaiba?" tanong ni Shino.

Tahimik muna sandali si Shika. May nangyari din ba? Ibig sabihin hindi lang siya? Inobserbahan niya ang lahat ng sulok ng kwarto ni Shino… at napansin ang isang papel…

I love you Shino… - sasu-chan-

Sasu-chan? … malinaw na para sa kanya ang lahat.

Sinagot niya ang tanong ni Shino.

"… hindi lang kakaiba… nakakawalang-moral kamo"

"…kasi… sa akin, mangilan-ngilan na rin… pati kay Kiba"

At kwinento ni Shino ang napagdaanan niya…. At ni Kiba.


... pagkatapos ng blind date sa JollyDonald...

ang amoy na yun, siya nga yun!

"Teka lang Sasuke" napatayo si Kiba nang makitang karga karga na papalayo si Shino. Tinignan ni Sasuke ng deretso sa mata si Kiba at siya ay hinimatay.

Samantala, si Neji at Hinata ay papauwi na ng bahay...

"Kuya Neji, ayos lang ba na hayaan natin si Shino na kargahin ni Sasuke?"

"Hinata, kung maghihinala tayo parang lalabas na pinagbibintangan natin siya ng kung anumang masama... di ba nga, hinuhuli natin si Sasuke, kakagaling lang niya sa Oto, hindi tayo sigurado kung ligtas nga ba talaga siya. Kung mapapatunayan nating may masama talaga siyang nagawa, may malinaw na rason tayo para imbestigahan siya"

Natahimik na lamang si Hinata, pero sa loob loob niya, gusto niyang sundan si Sasuke...

Nang makarating sa bahay... ehem ... mansyon ng mga Hyuuga naghiwalay na sila Neji at Hinata papunta sa kani kanilang bahay... ehem mansyon (kasi nga may Branch wing, may Main wing )

Si Neji, diretso kwarto... si Hinata naman...

"Magpahinga na kayo... boys"

ihiniga ni Sasuke ang dalawa niyang biktima (namely Shino and Kiba) sa kanilang mga kama. Bago niya iwan ang mga ito, hinalikan niya pareho sa pisngi ang mga natutulog. Kinilig dun si bakla... Tumalikod si Sasuke at kinandado ang kwarto para makapunta siya sa cr para makaligo... para mabango :)

Ang hindi alam ni Sasuke, nasa ilalim ng kama si Hinata at Akamaru hinihintay lamang ang pag-alis para matakas niya ang mga kaibigan. Grabe yun si Sasuke, nakakakilabot... buti na lamang wala ngayon si Kuya Neji, siguradong mapapatay niya si Sasuke!

Sa shower room... malakas siyang kumakanta:

I hate to see you so down, oh baby
Is it your heart
Oh, that's breakin' all in pieces
Makin' you cry
Makin' you feel blue
Is there anything that I can do

Why don't you tell me where it hurts now, baby
And I'll do my best to make it better
Yes, I'll do my best to make those tears all go away

Nakakakilabot... pero naging maingat pa rin si Hinata. Naka-Byakugan siya at kahit mabigat, dahan - daha niyang kinarga si Shino at si Kiba, hinagis... este inicha niya ang mga kaibigan palabas sa bintana papunta kay Akamaru na sinasalo ang magkaibigan sa labas. Si Akamaru na naging higanteng aso ay naisalo naman sa likod ng ligtas ang magkaibigan

Tumalon si Hinata na parang si Lara Croft ng Tomb Raider sa ibabaw ni Akamaru. At gamit ang cloaking technique ay naitakas niya ang mga kaibigan niya...

Habang kumakanta pa rin sa banyo si Sasuke...

Just tell me where it hurts now, tell me
And I love you with a love so tender
Oh and if you let me stay
I'll love all of the hurt away

"Shino, wala yan sa nangyari sa akin"

Kwinento naman ni Shika ang kanya. Mula kaba, takot hanggang gahasa.

" Alam mo pare, medyo kritikal yan, muntik ng maka-third base sayo yun ah. Eh yung nangyari kay Chouji… alam mo na ba?"

Oh my G, ano?

"…alam mo ba kung bakit naimpacho si Chouji sa libreng pabarbecue nila Ma'am kurenai at Sir Asuma?"

At kwinento ni Shino ang parehong pangitain na nakita ni Chouji.

Nabahala si Shikamaru dito. Pero kung tutuusin mas maswerte pa si Chouji... hindi naman siya nagalaw ni Sasuke, kumpara naman sa nangyari sa kanila ni Shino at Kiba.

"Alam na ni Godaime?" tanong ni Shikamaru.

"…oo, pinapatahimik lang muna tayo. Hindi natin alam baka isa na naman itong laro ni Orochimaru."

"…pinapatahimik, hanggang kalian?" pag-uusisa ni Shika. "Lam mo pare, gusto kong patayin yun eh, kung di nga lang bawal"

"Alam kong hindi ito magandang sitwasyon pero may plano na si Godaime para dito..." At kwinento ni Shino ang plano ni Godaime.

"…pagkatapos non?"

"…pagkatapos non ay nilagay tayo sa 'quarantine' kuno."

"Quarantine? Ano tayo, may sakit?"

"Hinde sa ganun, para syempre matanggal ang mga genjutsu ni Sasuke sa aten. Kakaiba kasing genjutsu ang gamit ni Sasuke,"

Hindi na nagsalita muli si Shika. Ano naman na kaya ang mangyayari sa kanya ngayon?

"Pinag-paalam ka na pala nila Shizune at Hinata sa mga magulang mo. Alam na rin ito ng mga magulang ng mga nabiktima"

Napa-jawdrop si Shika. Paano yun? Malalaman ng mga magulang niya na siya ay nagalaw ng...

"Wag ka mag-alala, Hokage naman nagpaliwanag sa kanilang lahat. Sa ngayon, parte ka na … ng tatawagin nating Shinojikibamaru – Lee"

"…Shinojikiba.. marle… ehe?"

"Shinojikibamaru – Lee"

Gumana na ang normal functioning ng ulo ni Shikamaru "… o sige, ikaw, ako, si Kiba, si Chouji…" at naalala ni Shika na nakita niya si Neji kanina at kasama si Lee sa pangalan ng grupo.

"Eh… ano naman nangyari kay Lee at Neji bakit sila nasali?"

"… Oo nga pala, nakalimutan kong ikuwento sa iyo"


Mga tanong:

Paano nabiktima ni Sasuke sila Neji at Lee?

Ano ang plano ni Godaime?

Malalaman pa ba ni Naruto na bakla si Sasuke?

Abangan sa mga susunod na kabanata!

(Last update - 05-18-12)