DISCLAIMER: I do not own Naruto. Naruto is created and rightfully owned by Masashi Kishimoto-sama.

FULL SUMMARY: Ang aking first fic in Filipino! Alam nyo kasi, tayong mga Noypi, katakut-takot ang dami ng ating mga kasabihan, katulad na lang na pag may nahulog kang piso, may nahulog na bato sa ulo ng kapatid mo, hehe, joke lang. Pero ano kaya ang mangyayari kung ang bida nating si Uzumaki Naruto kasama ang kanyang troublemaker best friend na si Inuzuka Kiba eh... makapulot ng libro tungkol sa sari-saring mga kasabihan, habang nagtitingin-tingin sa Hyuuga library? At ang masama pa dyan, nag-experiment pa sila kung totoo ang mga sinasabi sa aklat! Hay, ano kaya ang mangyayari nito? Katapusan na ba ng mundo? HINDEEEE!

DEDIKASYON: Para ito sa mga Filipino writers and readers ng network na toh! MABUHAY TAYONG MGA NOYPI! BWAHAHAHA! DEDICATED ITO LALO SA TAONG NAKAUPO DYAN SA HARAP NG COMPUTER, NAGBABASA NITO! -ehem-


Minsan, tayo ay bilib na bilib sa mga pamahiin. Katulad na lang na pag may nangungulangot na katabi eh may nanganganak na ibon. Wag mong tingnan ng masama yung katabi mo, joke lang yun. Gawa-gawa ko lang yun, kaw naman.

Pero para sa mga ibang tao na tiwalang-tiwala sa mga pamahiin na bizarre naman both literally and translated versions, they apply these things daily.

May mga tao rin naman na kung pagsasabihan mo ng isang pamahiin eh, BD. Anong BD? Bilis Deny. Ang mga tipong ganito eh okay lang, dahil walang problema kung kontra sila sa iilang mga kasabihan, pero kung nagnobela pa ito, nagdrama't umaangal pa, advice ko lang sa inyo na upakan mo na't tadyakan nang manahimik. Hehe.

…Ngunit sa kwentong ito, ang aking pinaka-unang fanfic na gawa sa Filipino, ano kayang mangyayari kung ang mag-best friend na sina Inuzuka Kiba at si Uzumaki Naruto ay nakapulot ng isang pocketbook na naglalaman ng mga iba't ibang kasabihan, sa mansyon ng mga Hyuuga?

Makukuha nga ba nila ang ibig sabihin nito?


(Kabanata 1 – Ang Misteryosong Libro sa Hyuuga Library)

"ANG INIIIIIIIIIT, ABOT HANGGANG SINGIIIIIIIIT!" sigaw ni Naruto.

"Teka Naruto, bakit ka nga pala napadaan dito?" tanong ni Sakura, habang siya'y nagliligpit ng mga libro sa library ni Tsunade.

"Kala ko kasi may aircon dito eh wala naman pala! Pero mas mainit sa labas, in fairness!" Naruto said, sabay paypay gamit ang kamay.

"Oy, kamusta na nga pala yung panliligaw mo dun kay Hinata?" tanong ni Sakura habang tinitingnan kung alphabetical ang mga Medical Encyclopedia, "Sinagot ka na ba?"

"Hindi pa nga eh." Naruto plopped down on a sofa in the Hokage's library, "Di ko nga alam pano ako didiskarte."

"Hay naku Naruto, loko-loko ka kasi eh!" sabay bato ni Sakura kay Naruto ng super thick na Webster's Medical Dictionary.

"ARAAAAAAAY!" Naruto whined, as he rubbed his super namamagang bukol on his ulo.

Nga pala, si Naruto eh 20 years old na, so alam nyo na rin sana kung anong edad na ang ibang characters, dahil kung mag e-explain pa ko, hay... Abutin pa tayo ng siyam-siyam dito.

Oo, nanliligaw na siya kay Hyuuga Hinata, kaya nga lang, di nya alam kung sasagutin nga ba sya dahil sa mga pagloloko-lokong pinaggagawa nya. Kilala nyo namang itong si Naruto... super duper kulet to the max, gusto mo nang pugutan ng ulo with an axe. Joke lang.

Ito namang si Sakura eh apprentice pa rin ni Tsunade. Wala namang masyadong nagbago sa kanya, humaba nga lang ang buhok.

Kamustahin naman natin ang iba:

Si Sasuke... ANBU na sya ngayon, sabi ng iba, manliligaw ni Sakura in secret pero ayaw mag comment ni Sakura or ni Sasuke tungkol sa isyung yan. Buhay Anime Showbiz nga naman, oo. Kinaladkad siya ni Naruto pabalik ng Konoha pagkatapos magkaron ng gyera sa pagitan ng Konoha at Otogakure, 4 na taon nang nakakalipas. Syempre, kinulong muna si Sasuke, tapos, nag-promise siyang di na nya lilisanin ang bayang pinagmulan, at itinalaga sya bilang ANBU.

Si Kakashi... ayun, jounin pa rin, pero tumatanda na. Malakas pa rin, atsaka 'karibal na mortal' pa rin si Gai. Nagbabasa na rin sya ng Icha Icha Paradise Volume 3!

Si Maito Gai naman, ayun, mukha pa ring bukong kinulayan ng itim ang buhok, at tumatanda na rin. Nagkakarayuma minsan dahil sa mga pose nyang super istreyt, hindi kinaya ng likod ayun... aray O.o

Si Hyuuga Neji, snob pa rin. Pero hindi natin mapagkakaila na bishounen pa rin sya, hinahabol pa rin ng mga babae... As usual, manhid. Pero nababalitaan na lumalabas sya bitbit ang kanyang sparring partner na si Tenten. Sabi ng mga usiserong baklang barbero, sila na. Sabi nung iba pang mga baklang barbero, malapit na silang ikasal. Kontra ng iba, nanliligaw pa lang.

Pero buhay Anime Showbiz pa rin... ang dalawa walang say.

Ang Weapons Mistress na si Tenten, ganun pa rin. Tomboyish pero may fanboys na rin. Gaya nga ng sinabi sa itaas, may sabi-sabing sila na raw ng binatang Hyuuga, o malamang nanliligaw pa lang itong si Neji. Pero pag tinanong mo sa kanya anong relasyon niya kay Neji, palaging no comment ang tomboyish na dalaga.

Si Rock Lee... kamukha pa rin nya ang idolong si Gai.

Si Hyuuga Hinata, mahal na mahal pa rin si Naruto pero pa-simple effect na matagal pa nya itong sasagutin. Mahaba-haba na rin ang buhok nito. Pero alam naman nyang gusto sya ni Naruto. Jounin na sya at madalas, nasa Hyuuga Manor lang sya dahil sa ito ang gusto ng kanyang ama. Pumupunta pa nga si Naruto sa mansyon nila para lang manligaw eh.

Si Aburame Shino... mahilig pa rin sa insekto. Tahimik na ang buhay nitong nagpapahalaga sa mga insekto, kaya masasabing ayos pa rin ang cool silent dude na toh.

Si Inuzuka Kiba... mahilig pa rin sa mga aso. Ang totoo nga nyan, ang dating maliit na Akamaru nito ay isang higanteng aso na! Sinasakyan na ni Kiba si Akamaru, hindi na si Akamaru ang sumasakay sa kanya. Pero madalas syang nakikitang nag-iisa na ngayon, iniiwan nya si Akamaru sa kanilang bahay dahil may mga supling na ang kanyang pinakamamahal na alaga. Ang ate nya ang nagsabing pabayan muna si Akamaru para magkaron ng bonding ito sa kanyang 'puppy love' at sa kanyang mga mini-versions.

Si Yuuhi Kurenai... may dalawa raw na manliligaw: si Sarutobi Asuma at si Hatake Kakashi. Wala pa siyang sinasagot sa dalawa. Tumatanda na siya, pero hindi halata.

Si Nara Shikamaru, nagplanong pumunta sa Suna pero naglahad ng pag-ibig itong si Yamanaka Ino. Nasawi ang paglalahad nito ng pag-ibig sa binata at nalungkot ng matindi. Pumunta sya sa Suna, pero nalaman na lang nya na kasal na si Temari na sanang liligawan. Bumalik sya sa Konoha last year at sinusubukang ligawan at tanggapin ang sawing love ni Ino, pero itinataboy na siya nito.

Si Yamanaka Ino, proud na proud sa sarili dahil nakayanan nyang makalimutan si Uchiha Sasuke at maging ang ipinalit nya rito na si Nara Shikamaru. Idineklara nya na sya ay isang 'independent woman' and she needs no man to live with her. Pero sunod ng sunod sa kanya si Nara Shikamaru, kahit na todo reject ang dalaga.

Si Akimichi Chouji... mataba pa rin, lumalamon pa rin ng paboritong potato chips. Wala pang niligawan. Ever. Sabi nya, kung gusto nyang mag-asawa, dapat lumapit sa kanya ang may gusto sa kanya at mabilisang mag-propose. O.o

Si Sarutobi Asuma, nililigawan si Kurenai. Tumatanda na rin katulad ng mga ibang jounin. Hindi pa siya sinasagot ni Kurenai pero alam nyang nanliligaw si Kakashi kay Kurenai. Pero mag-kumpare pa rin si Asuma at si Kakashi.

Si Umino Iruka, jounin na sya, dahil sa kanyang dedikasyon sa trabaho. Naging head teacher na sya ng Ninja Academy. WOW! At, nanlilibre pa rin ng ramen kay Naruto.

Si Tsunade, matanda na talaga, pero hindi pa rin talaga halata.

Si Shizune, bitbit-bitbit pa rin si Tonton halos kahit san man sya pumunta. Medic pa rin sya.

O SIGE, TAMA NA YUNG KAMUSTAHAN, DAHIL AYOKO NA! NYAHAHAHA! Joke.

Balik na tayo kina Naruto at Sakura...

"Hayy! Natapos rin! Sa wakas!" bilis stretching ang buhok fenk na dilag, "Hoy Naruto, aalis na ko. May iba pa kong gagawin."

"HA? P-pero pano ako?" bukambibig ni Naruto.

"Bahala ka na sa buhay mo, HMPH!" wika ni Sakura, sabay iwan kay Naruto.

"Hay, makapag lakad-lakad nga." Tumayo na si Naruto at naglakad-lakad sa daan.

"Yo Kiba, my boy!" kaway ni Naruto sa isang pamilyar na binatang nakaupo sa bench ng Konoha Park.

"Ano kamo?" Kiba glared at Naruto, "'Kiba my boy' your face."

"Suplado mo naman." Sabay tabi kay Naruto.

"Hindi, para kasing pang-bakla yung sinabi mo kanina. Ang corny."

"HOY HA! MODERN PUNCHLINE YUN, BINASA KO PA NGA YUN SA ISANG LIBRO!"

"Talaga? Kelan na-publish yung modern punchline book na binasa mo, aber?"

Naruto reached for something in his pocket, sabay tapon kay Kiba.

"Bago lang yan, supercalifragilisticexpialidocious white boy!"

"Brown ang complexion ko, tanga!" bilis sapok ni Kiba kay Naruto, na proud na proud pa.

Tiningnan ni Kiba ang libro... bago pa naman, di pa sya brittle. Sa totoo nga nyan, puting-puti ang papel na gamit rito, at amoy National Bookstore pa rin.

Pero pagkatingin sa book cover... his eyes twitched, "Naruto, nagbabasa ka ba talaga?"

"OO NAMAN, FUNKY AFROMAN!" Sabay groovy pose si Naruto.

Tinuro ni Kiba yung cover ng libro, "MODERN PUNCHLINES FROM THE 60's AND 70's! NAGBABASA KA BA TALAGA?"

"Ah... ano kasi..." sabay kamot ni Naruto sa ulo, "Sa totoo nyan, hiniram ko yan kay Hinata kahapon nung nasa bahay nya ko... Ang cute kasi ng cover, funky."

"Mabuti pa, ibalik na natin to, Naruto." Tumayo si Kiba, "Dahil kung binasa mo pa toh lalo, di ko lang alam kung spikes pa rin ang trend ng buhok mo... baka ipa-afro mo pa yan dun sa mga usiserong baklang barbero."

"Hmm... pogi naman ako kahit papano, kahit na ipa-afro mo yung buhok ko noh." Belat ni Naruto.

"Pero nakakapagtataka... di ba snob yung mga Hyuuga? Eh bakit may corny na librong ganito sa library nila?" Kiba rubbed his chin as he and Naruto walked to the Hyuuga Manor.

"Mukha ba kong Hyuuga, bakit ako pa yung tinanong mo!" napatigil si Naruto sa harap ng Konoha branch ng Mister Donut.

"Makabili nga ng donut, para matuwa naman si Tiyo Hiashi sa kin!" sabi ni Naruto, "Atsaka para kay Hinata atsaka na rin sa kapatid nyang si Hanabi... Ah, pati na nga rin si Neji!"

"Good morning, Sir!" sabi nung attendant.

Sabi ni Naruto sa attendant, "Isang coffee roll para kay Tiyo Hiashi, dalawang twister kay Hinata, isang long john kay Hanabi at isang Swiss Mocha para kay Neji!"

Walang pakelam ang attendant sa kung sinong mga tao ang pinagsasabi-sabi nitong si Naruto, pero binigay na nya ang order nito.

Nagbayad si Naruto at lumabas na, na may dala-dalang plastic ng Mister Donut.

"Ano ba yan, bumili ka pa ng pasalubong?" sabi ni Kiba.

"Eh ano ngayon, bakit, gusto mo lang nyan ng donut eh!" retorted Naruto, "Atsaka isa pa, para hindi maka-imik si Tiyo Hiashi, para makapaglibut-libot naman tayo sa compound ng mga Hyuuga. Alam mo naman si Tiyo Hiashi, contra..."

"Sa bagay..."

Mga ilang minuto na ang lumipas at nakapunta na rin sila sa Hyuuga Manor. Pinapasok sila at syempre, deretso muna kay Hiashi...

Simula ni Hiashi, sa kanyang living room, minamataan si Naruto mula ulo hanggang paa, "Naruto, nandito ka ba para kay Hina-"

"Tiyo Hiashi, tingnan nyo oh! May pasalubong ako para sa inyo!" wika ni Naruto, sabay pakita ang plastic ng Mister Donut.

"Aba! Ate Hinata, nandito na pala si Kuya Naruto!" sigaw ni Hanabi na papalapit sa living room, "Hello Kuya Naruto!"

"Hello rin, Hanabing makulet na malufet-" Naruto just realized what he said, while he was still in front of Hiashi and tried to make up for it, "Este... Sweet little Hanabi!"

"Kuya Naruto, may pasalubong ka rin ba sa kin?" tanong ni Hanabi.

"Aba, oo syempre! Bakit ko ba makakalimutan ang cute na makulet na little sister ng iniirog ko?"

"Ito talagang si Naruto..." sabay sampal ni Kiba sa sariling noo, "Pinapatagal pa, eh ibabalik lang naman nating yung librong corny ah!"

"Aba, nandito rin pala ang teammate ni Ate!" tingin ni Hanabi kay Kiba at kumaway pa, "Hello Kuya Kiba!"

Napangiti naman si Kiba, "Oo na, hello na. Asan Ate mo?"

"Nasa taas, pero sigurado, bababa na sya nyan." Sagot ni Hanabi.

"Teka, Hanabi, asan ba yung kusina nyo, para malagay ko na toh sa ref nyo para kung gusto nyong kainin mamaya eh, makakain nyo." Kamot ni Naruto sa pisngi.

Kinuha ni Hanabi ang plastic bag kay Naruto at sinabing, "Ako na lang ang magliligpit!"

"Wag kang masiba, yung long john lang yung sa yo dyan."

"Ehh? FOR YOUR INFORMATION, DI PO AKO MASIBA!" Hanabi placed her hands on her hips, "HMMMMMMMMMPH!"

"HMPH your face." Wika ni Naruto, "Yung coffee roll jan, sa daddy mo. Yung dalawang twister, kay Hinata, yung long john na paborito mo, sa yo yun. At yung Swiss Mocha ay para sa pinsan mong si Neji na masungit."

"Ehem." Hiashi made sure that these kids still know he was in the room.

"Este, Neji na super bait." Naruto corrected.

"Sige na, maiwan ko na kayo." Hiashi said as he exited the living room.

"Si Kuya Neji kasama niya si Ate Tenten kanina dun sa labas." Sabi ni Hanabi, "Kamunti na niyang mapatay si Ate Tenten."

"Ha, bakit naman?" tanong ni Kiba.

"Kasi ano..." pigil na tawa ni Hanabi, "Kasi nilagyan nya si Kuya Neji ng lipstick sa pisngi habang umiidlip sya kanina sa kwarto nya."

"Hanabi!" tawag ni Hinata mula sa second floor ng mansyon, "P-Paki sabi kay N-Na-Naruto na bababa ko in a while!"

"Narinig nyo na yung sinabi ni Ate." Ngiti ng batang babae, "Sige, maiwan ko na rin kayo."

"Ah eh, teka teka." Bilis tanong ni Kiba, "Asan nga pala yung library ninyo? Ito kasing si Naruto, may hiniram na libro, pero gusto lang namin ibalik yun."

"Ah..." Hanabi replied, "Nasa 3rd Floor yun, sa 2nd hallway to the right tapos yung pinakadulong room, yun yung library."

"Sige, salamat!" Kiba nodded as he and Naruto went on their way to the library.

After 100 years of searching for the said library...

"Ito na kaya yun?" tanong ni Kiba na humihingal-hingal pa, sabay tingala sa super laking sliding door sa harap nila.

"Malamang." At nagkamot ng ulo si Naruto, "Buksan mo nga, Kiba!"

"AT AKO PA ANG INUTUSAN MO!" pero kahit ganun ang reaction ng dog lover, binuksan naman nya ang pinto.

"Nagreklamo ka pa, eh bubuksan mo rin pala! Hay, utu-uto ka talaga kahit kailan!" angal ni Naruto habang pumasok sa library.

Napanganga na lang ang dalawang binata dahil ang sight na sumalubong sa kanila eh...

"Grabeh! Ang laki naman nito!" sabi ni Kiba, amazed na amazed, "Teka Naruto, sabi mo nakapunta ka na rito di ba?"

"Oo, bakit?" At naglakad na sa pagitan ng mga katakut-takot na naglalakihang bookshelves ang ating bidang si Naruto.

"Alam mo ba yung mga pasikut-sikot dito?"

"Hinde."

"HA! BAKIT NAMAN HINDI, EH IKAW NGA ANG NAKADAMPOT NG CORNY NA LIBRONG TOOOOOOH!" sigaw ni Kiba.

"Malay. Napunta lang ako dito nun kasi aircon eh." Naruto shrugged his shoulders, "Nagtataka nga ako, parang walang tao dito."

"Parang nga." Kiba looked at his surroundings, "Masyadong tahimik."

"DUH, KASI LIBRARY TOH."

"SSHH! Keep silence, you're in the library!" Kiba countered.

"HMPH!" a ni Naruto, "Wrong grammar pa ang gago."

"Gago your face! Gago ka rin!"

"Heh, tumigil ka nga dyan dog loverboi!"

At habang sila'y lumalakad, may nahulog na libro sa harapan ni Naruto. Siya ay napatigil, maging si Kiba.

"Parang lumang-luma na yung libro ah..." Sabi ni Kiba, while he and Naruto crouched down to see the book.

Binuksan ni Naruto ang libro, "Kiba, anong luma? Ang publishing date nito eh 2005! Medyo bago pa!" Inamoy ni Naruto ang libro, "Amoy National Bookstore nga eh!"

"Ibig sabihin, dito yung mga bagong libro." Tumayo si Kiba atsaka nilagay yung corny na libro na tinangay ni Naruto sa shelf ng maayos.

"Pero yung pagkakagawa ng libro, parang medyo matanda." Sabi ni Naruto.

He picked up the book and flipped through the pages, "Pero puti naman yung mga pages. Ibig sabihin, medyo bago pa."

"Anong title?" tanong ni Kiba habang tumayo si Naruto.

"Mga... Ka-sa-bi-han... Mga Kasabihan! Yun yung title!"

"Akin na nga yan! Baka corny na naman yung content nyan, ma-bobo ka pa!" sabi ni Kiba, habang napatigil sa isang pahina, "Aba, may kasabihan pala tungkol sa mga hayop!"

"Sige nga, basahin mo!"

"Kapag tumatahol ang mga aso sa gabi, ito ay nagpapahiwatig na nagsisipaglibot ang mga masasamang espiritu." Pagkabasang-pagkabasa ni Kiba roon eh nanigas sya.

"O baket?" sabi ni Naruto.

Lingid sa kaalaman ni Naruto, sa dami ng mga inaalagaang aso sa pamilya ng Inuzuka, hindi naman mapagkakaila na meron at merong mga asong tumatahol sa kanila, kahit na pag gabi.

"K-Kaya pala..." bulong ni Kiba, "Kagabing natutulog ako sa hatinggabi... p-parang nararamdaman kong... kinakaladkad ako... t-tapos... tumatahol yung mga aso namin nun..."

"Baka kinaladkad ka ng espirito?" tanong ni Naruto, while his eyes widened as he stared at the book.

Kiba nodded.

"IBIG SABIHIN, TOTOO YUNG MGA SINASABI DYAN SA LIBRONG YAN! SUBUKAN NATIN, KIBA! HIRAMIN NATIN!" Naruto exclaimed.

"Sige, para magkaron pa tayo ng nalalaman na hindi pa alam ni Shikamaru." Sagot ni Kiba.

At doon na nagsimula ang misadventures nina Naruto at Kiba. Nagsimula ang lahat-lahat sa isang maliit na libro na nahulog sa harapan nila.

Ano kayang kasense-sense ang maihahandog ng libro sa kanila?

ABANGAN NYO NA LANG, BWAHAHAHA!

ITUTULOY...
--- --- --- --- --- ---
Habang naglalakad-lakad sa Hyuuga Compound, naging saksi sina Naruto, Kiba at Hinata sa pagiging emosyonal ni Tenten, dahil sa pagiging insensitibo ni Neji, na kanya nang matagal na minahal nang palihim. Kung akala ni Tenten na may nararamdaman na si Neji para sa kanya, dahil sa nahalikan sya nito, pwes nagkakamali sya, wika ni Hinata. Umaksyon na sina Naruto at Kiba at kanilang sinubukan na malaman ang kabuuan ng pangyayari. Ngunit, subalit, sapagkat, datapwat... dumating ang isang hindi inaasahang bisita. Ano naman ang maipapayo ng misteryosong libro ukol dito?

Sa susunod na kabanata: Kumuha Ng Payo Sa Libro

"PSSST! Okay ka ba tiyan?"
-Uzumaki Naruto

A/N: Hayy... Oh ano? Maganda ba yung pagkakagawa ko sa fic na toh? Kasi first Filipino fic ko toh eh... Pero ginawa kong medyo comedy, para masaya. Pero be noted na may halong romance din toh... so hindi sya romantic comedy... COMEDIC ROMANCE! Dahil sa gusto kong mas marami ang comedy kaysa romance, dito sa pinaka-unang Filipino fic ko!

O, mag-review naman kayo oh!

+Releina Artemis+