A/N: Naku, pasensya na kung super duper late na yung chapter na itetch! Sori po! Busy lang! –atsaka paubos na yung idea?- Hehehehe, wag mag-alala! Andito pa rin ako! XD


BABALA: Pakiusap lang, ang ibang mga parte nitong kabanata na ito ay may mga nakakadiring eksena. Kaya kung maari, huwag kumain o uminom habang binabasa ang kabanatang ito, kung masyado malakas ang inyong imahinasyon. Kung hindi, naku, hindi ko lang alam kung makakakain pa kayo ng maayos na meryenda, o baka naman bumigay na yung tiyan nyo at mailabas nyo ang stomach content nyo sa computer nyo, huwag naman sana. KAYA WAG NYONG SASABIHIN NA HINDI KO KAYO BINALAAN DAHIL GINAWA KO NA!


(Kabanata 3 – Kung Saan May Swerte, Sangkatutak Naman Ang Malas)

"ANO BAAAAAA!!!! LUBAYAN MO NA KOOOOOOO!!!" sigaw ng isang babae.

Napatingin ang mga tao sa paligid nya sa kanya, at sa taong sinigawan nya.

"Bakit ka ba ganyan? Hindi ka naman ganyan dati ah!" tanong ng binatang may buhok na mala-pinya.

"WALA KA NANG PAKELAM DUN!!!" countered Yamanaka Ino, sabay lumakad papalayo kay Nara Shikamaru.

"Ayun na naman yung dalawang yun oh." Kiba pointed to the crowd apparently leaving the scene. When the scene cleared out, nakita ng magkaibigan si Ino na lumalakad papalayo at si Shikamaru, sinusundan ito sa isang mala-prosesyon-speed na lakad.

"Ang sakit ng bukol koooohhh..." Naruto whined habang hinihimas yung malaking bukol sa noo.

"Kasi naman, sana tinitingnan mo yung dinaraanan mo," Kiba shrugged his shoulders, "buti nga sa'yo."

Pagkatapos na pagkatapos niyang sinabi yun, nahulugan naman sya ng tae ng ibon sa kanang balikat ng kanyang pinakamamahal na coat.

"YUUUUUUUUUUUUUUUUUUUUUUUUUUUUUCKKKK!!!!!!!! KADIRIIIIIIII!!!!" Kiba's eyes widened as he looked at the white, gray, brown, green and yellow dropping on his shoulder.

"Ang bilis ng karma." Naruto laughed at Kiba, "Kung saan may swerte, may malas!"

And as soon as he said that, nahulog naman si Naruto sa isang open manhole sa sidewalk.

"AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH!!!!!!!" Naruto screamed as gravity pulled him down the manhole.

Napatingin si Kiba sa manhole, "Oo nga, bilib na ko sa karma! Digital na rin pala ang karma ngayon!"

"Ano naman yung tinitingnan mo dyan? Atsaka bakit mo kinakausap yung manhole?" tanong ng isang kilalang kalmadong nilalang.

"Aba! Shino!" Kiba smiled at his bug-loving teammate, "Anong ginagawa mo dito?"

"Wag mong sagutin yung tanong ko ng isa pang tanong." Sabi ni Shino, "Sagot."

"Naku naman, napaka-menopausal mo ata ngayon." Kiba crossed his arms on his chest, "Nahulog si Narutong Kulugo dito sa manhole."

"HOY KIBA!!! NARIRINIG PA KITA DYAN!!! HINDI AKO KULUGOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOO, ANG DAMING DAGAAAAAAAAAAA!!!" sigaw ni Naruto, galing pa sa manhole.

Napagisip-isip na rin ni Shino na tumulong. He ordered his bugs to retrieve Naruto...

A few minutes later...

"YUCK, ANG BAHO!" Kiba covered his nose, "Sa Konoha Sewer ka pala napadalaw ano?"

Kulay brown na liquid ang pumapalibot kay Naruto ngayon, at may green seaweeds sa buhok nya. Pumapalibot sa kanya ang napakaraming mga langaw, ready to devour him, and he was also covered in sari-saring... alam nyo na.

"Kiba, nahulugan ka ng ibon." Napansin na pala ni Shino yung tae ng ibon sa balikat ni Kiba.

"Hindi mo na kailangan ipaalam sa kin dahil alam ko na!" a vein popped from Kiba's temples.

"O bakit di mo pa alisin?" tanong ni Shino.

"Eh ikaw kaya mag-alis ng tae ng ibon, ano?" sagot ni Kiba.

"Eh ikaw kaya, alisin mo yung patay na ibon sa balikat mo?" Nagsimula nang maglakad si Shino, "O sige na, mauna na ko. Pinapatawag ako ni Master Hokage."

Napatingin si Kiba sa kanang balikat at nakita ang tae ng ibon. Pero pagkatingin nito sa kaliwang balikat...

"PATAY NA IBON!!!" Kiba shrieked as he shook off the dead bird from his shoulder. Oo nga, nahulugan nga siya ng ibon, gaya ng sabi ni Shino. At dahil parang stuck ang tuka nito sa jacket ni Kiba, hinablot niya ito at itinapon kay Narutong bilasa na dahil sa... alam nyo na. (Hehehehe...)

"ARAY KO!" daing ni Naruto habang nagtitili dahil ang unang tumama sa mukha niya ay ang ulo ng ibon, at narinig pa niya ang pag-crack ng buto nito nang mag-collision sa mukha nito at ang pag-crack ng mga buto ng patay na ibon nang ito'y nahulog na sa semento.

Sinipa ni Naruto ang patay na ibon papunta sa open manhole para bigyan ito ng proper burial place. Pero habang ito'y nakaladkad sa semento, rinig na rinig ang pagkiskis ng tuka nito sa bato. (Eurgh...)

"ANO BA! EH PANO KUNG YUNG TUKA NUN YUNG UNANG TUMAMA SA MUKHA KO?!?!?!" sigaw ni Naruto sa kaibigan.

"Well at least, di ka unang tinamaan ng tuka nung patay na ibon na yon eh!"

Tinuro ni Naruto ang kanyang mapang-akusang hintuturo kay Kiba at sinabi, "May araw ka rin Kiba! Babatuhin rin kita ng patay na ibon balang araw!"

"Naruto," Kiba pointed to him as his eyes twitched, "may tae yung bukasan ng sleeve mo sa kaliwa."

"Tae ng ibon?" Naruto asked.

"Hinde." Kiba stepped back, "Tae ng... tae ng tao."

"Shet!" Naruto wiggled his left sleeve to get rid of the poop, na may mga tunog pang nanggagaling sa tae habang sinusubakan alisin ito.

"Shet talaga, dahil shet ng tao yung nasa sleeve mo." Tila nanghina si Kiba sa nakita nya.

Makaraan ang 4 na oras...

"Mabango na ba ko?" Naruto asked as he dried his hair with a towel.

Nakauwi na si Naruto sa bahay nya, syempre, papauwi, lumalayo at diring-diri yung mga taong nakasalubong nya. Roughly apat na oras na syang naliligo sa banyo, pagkatapos nyang tinapon sa basurahan yung sinuot nya ngayon.

Binigyan ni Naruto si Kiba ng baby wipes kanina lang para maalis yung tae ng ibon sa balikat nya.

"Oo, grabe." Kiba used his keen sense of smell.

"Ah... Epektib pala yung OHM na binili ko dun sa bangketa!" Naruto smiled, "Anong amoy?"

"Amoy kang adobo, pare!" Naglalaway si Kiba.

"Shet!" At bumalik si Naruto sa banyo upang tanggalin ang amoy adobo nyang aroma.

Makaraan ng isang oras...

"O yan, hindi na ba ako amoy pagkain?" tanong ni Naruto habang tinutuyo ang kanyang blonde hair sa twalya.

"Ano bang ginamit mong panligo?" Kiba covered his nose.

"Bakit? Mabaho ba ko?" tanong ni Naruto.

"Hindi naman sa ganun." Kiba winced as he refrained from covering his nose.

"Ah, baka yung Victoria's Secret na Bubble Bath Aromatherapy Soap na rinegalo sa kin ni Hinata yung naaamoy mo." Naruto smiled contented, knowing that Hinata's gift sure was relaxing.

"Naruto, yung Victoria's Secret, pambabae." Kiba pointed out.

"Ha? Hay naku, pabayan mo na, at least di na ko amoy tae noh. Malay mo yung secret pala ni Victoria eh pwede palang panlalaki yung mga pabango nya!" Wika ni Naruto, "Atsaka isa pa, nakakapagod maligo noh."

Pumunta si Naruto sa kanyang kwarto upang magsuklay.

"Ang pagsuot ng dyamante ang magbibigay ng proteksyon sa nagsusuot laban sa mga taong may masasamang isip." Binasa ni Kiba nang malakas.

"Ha? Ganun ba? Ede kung ganon!" Naruto looked for something in his bedside dresser.

Paglabas ni Naruto sa kwarto... "Tadaa!!!"

"O, anong nangyari sa yo?"

"Eto! Suot ko yung kwintas na may dyamanteng kulay green na binigay sa kin ni Tandang Tsunade!" Tinuro ni Naruto yung kwintas na dati ay kay Tsunade, "Mapoproteksyonan ako laban sa mga taong may masasamang isip, katulad na lang ni Sasuke!"

"..." reaction ni Kiba, "Naruto, pano ka mapoproteksyonan ng kwintas na yan? Eh kulay green yan, wala namang sinabing kulay green na dyamante dito sa libro, kaya ibig sabihin not counted yang sinusuot mo! Yung dinedemand ng libro pure diamond para maproteksyonan ka! Atsaka isa pa, pano ka mapoproteksyanan laban sa mga taong may iniisip na masasama, eh kung ikaw mismo yun?"

"Ang sakit mo naman magsalita... Nasaktan ang aking damdaming as fragile as glass..." sabay hikbi itong si Naruto.

"Oo, yung damdamin mo nga pala as fragile as glass... fiberglass, kahit barilin di tinatablan." Kiba snickered, "Atsaka pano mo naman nasabi na si Sasuke ay isang taong masamang mag-isip?"

"Bakit hindi?" Naruto scratched his cheek, "Feel ko lang."

"Naruto..." Kiba pointed, "Baliktad yung damit mo."

"So?" Naruto said.

"Kapag ikaw ay nagsuot ng damit at bigla mong napansin na baligtad pala ang iyong pakakasuot, ibig sabihin ay makakatanggap ka agad ng pera." Kiba read out loud.

"Yahoo!" nag-celebrate itong si Naruto, "Yayaman na ko! Dadalhin ko sa isang five-star restaurant si Hinata pag natanggap ko na yung perang yun!"

"NARUTO, BALIKTAD YUNG SUOT MO KASI TANGA KA LANG!" Kiba exclaimed, "Atsaka five star restaurant your face! Baka five star ramen stand o fish ball cart yung ibig mong sabihin!"

"Napaka-pessimistic mo naman!" Naruto pouted habang binabaliktad nya yung damit nya, "Ah eh Kiba, may itatanong ako."

"Ah eh Naruto, may isasagot ako." Kiba smirked.

"Ano ba! May tanong nga ako eh!" sigaw ni Naruto.

"Ano ba! May sagot nga ako eh!" countered Kiba.

"Teka, ano nga ba yung tanong ko?"

"Teka ano nga ba yung sagot ko?"

"Tanong!"

"Sagot."

"Anong isasagot mo eh wala pa ngang tanong?"

"Anong itatanong mo eh wala pa ngang sagot?"

"Hay naku! Wag na, di na ko magtatanong!" Naruto crossed his arms.

Kiba mimicked the motion and he answered, "Hay naku! Wag na, di na ko sasagot!"

"ANO BA WALA NA NGA AKONG TANONG EH!"

"ANO BA WALA NGA RIN AKONG SAGOT EH!"

"ANG KULIT MO GRABE!"

"ANG KULIT MO RIN, GRABE, IN FAIRNESS, TO THE HIGHEST INFINITE UNIVERSAL LEVEL!"

After a few minutes...

Hinihingal na yung dalawa after a barrage of tanong-sagot quotes.

"Hoy teka..." tinuro ni Naruto ang pirat sa jacket ni Kiba, "Nabutas jacket mo sa bandang kaliwang balikat mo oh."

Tumingin si Kiba sa kanyang balikat at nakita ang pagkalaki-laking pirat.

"Hoy, pano ba yan napirat?" tanong ng kaibigan sa taong dog-lover.

"MALAY KO BA! Siguro nung hinablot ko yung ibon mula sa balikat ko, nag-stuck ang tuka nito sa jacket ko kaya yun, napirat siguro." Kiba freaked out, "May sewing set ka ba dyan?"

"Meron."

"Marunong kang manahi?"

"Aba syempre!"

"Oh, tahiin mo yung damit ko, now na."

"Swerte ng pwet mo, ayoko nga!"

"Bilis na! Kung hindi, gagawin kong headline sa buong Konoha yung nangyari sayo kanina sa manhole!"

"Oo na, eto na, kukunin na yung sewing set oh..."

Habang kinukuha ni Naruto ang sewing set, binuksan na naman ni Kiba ang libro ng mga kasabihan at may nabasang, "Huwag mong tahiin ang iyong damit habang suot mo ito, kundi may masamang mangyayari sa iyo."

Makaraan ng ilang minuto...

"ARAY!" sigaw ni Kiba, "ARAY! ANO BA? ARAYYYYY!!!"

Kanina pa natutusok ng karayom si Kiba habang tinatahi ni Naruto ang pirat na jacket ni Kiba.

"BAKIT KASI AYAW MONG TANGGALIN YUNG JACKET MO EH!"

"EH SINO BA YUNG MAKULIT DYAN NA NAGSABI NA WAG KO NANG TANGGALIN PARA DI SIYA MAHIRAPAN MAGTAHI?!?!?!"

"Hay naku, samahan na nga lang kita pauwi, sa ate mo na lang patahi yang jacket mo." Sabi ni Naruto, "Papunta rin naman ako sa bagong nilipatang bahay ni Sakura kasi nagpapatulong siyang mag-ayos ng gamit dun."

Makaraan ng ilan pang minuto...

"Hoy teka! Habulin siya!" sigaw ng mga jounin na may hinahabol na isang lalaking naka-orange outfit na may blonde na hair at naka-maskara.

Lumiko sa bandang kanto ang lalaking naka-kulay orange na may dala-dalang bag na puno ng pera na ninakaw niya sa Konoha Bank.

May nakasalubong siyang isa pang lalaking blonde ang buhok at naka-orange rin ang suot. Binato ng lalaking ito ang bag sa isa pang binatang naka-orange, na walang kamalay-malay sa mga nangyayari.

"Oh Naruto, kilala mo ba yung lalaking yun?" tanong ni Kiba sa kaibigan na binatuhan ng bag na pagkabigat-bigat.

"Hindi eh." Binuksan ni Naruto ang bag at nakitang, "WOW! MGA GOLD BARS! AT PERA!!! Totoo nga palang pag bigla mong napansin na baliktad ang damit mo, lalapit sa'yo ang pera!"

"Ayun siya! Hulihin siya!" biglang liko sa kanto ng mga jounin ng makita si Naruto na pinakatititigan ang mga ginto at ang pera.

At ang inosenteng si Naruto, tinali ang mga kamay nang biglaan at idinala sa Hokage Tower, habang sinasabi ng mga jounin, "Hoy, hindi mo ba alam na bawal ang magnakaw? Kulugo ka nga talaga!"

"Kiba! Tulong!" mangiyak-ngiyak na wika ni Naruto.

"Digital na talaga ang karma ngayon, kulugong Naruto!!! Di kita matutulungan! Baka sabihin ko na lang kay Hinata, wag kang mag-alala!" nakangising sagot ni Kiba.

"OH HINDE!!!" Naruto screamed.

Hay naku, kung saan nga may swerte, sangkatutak naman ang kamalasan! Buhay talaga, oo!

ITUTULOY...
--- --- --- --- --- ---
On the next chapter, medyo may NejiTen tampuhan na. Habang naglalakad si Tenten, siya'y bigla na lamang nasundan ni Neji at humihingi ng chance na makapagpaliwanag ito. Pero ayaw ni Tenten!

Sa susunod na kabanata: Mga Pahiwatig

"I hate you, Neji!"
-Tenten


A/N: Ang totoo n'yan konti pa lang ang nagagawa ko sa ikaapat na kabanata natin. Hay... Kung makakapagbigay lang sana kayo ng ideya... –sighs-

O sya, mag-review na muna kayo!!! XD

+Releina Artemis+