Halu pipol! Eto ang kauna-unahang tagalog fic under Naruto mula sa inyong lingkod! Ang inspirasyon ko nito ay ang chikiting na tuwing gabi'y dumadaan sa amin at sumisigaw ng: "TINAPA DAING!". Oo, kaya pasalamat tayo sa kanya na-cure ang writer's block ko! In fairness, masarap yung tinapa nya, ha! Bili kayo sa kanya! (Mag-promote ba daw ng tinapa't daing!) Anyway, simulan na nga nating itong istoryang pinamagatang… "Ang Promdi".

Paunawa: OOC ang mga nilalang dito… Kaya huwag kayong magtataka kung biglang mag-dance number si Orochimaru.


Ang Promdi

Chapter 1: Sulat prom di city

Hay, kay ganda talaga ng umaga dito sa mumunting probinsya ng Utligin. Malalanghap mo ang sariwang hangin na walang bahid ng anumang uri ng polusyon at iyong maririnig ang huni ng mga ibong nagsisiliparan sa himpapawid. Ang mga residente ng probinsyang ito ay tinatawag ang mga sarili nila na 'utlig' bilang honor na rin sa kanilang lugar na sadyang proud na proud sila. Ngunit ang tahimik sanang umaga ng mga utlig ay nabulahaw ng isang sigaw ng dalaga.

"INAY! HALIKAYO DITO! TIYAK MATUTUWA KAYO!" tili ng isang pink-haired lady na about 17 years old habang yakap-yakap ang isang sulat. Papungas-pungas namang tumakbo ang kanyang mother dear patungo sa kanyang anak.

"Bakit ano yun anak?" sabi ni mother na may muta pa sabay tingin sa letter na hawak ng kanyang daughter. Napataas ang kilay ng matanda. "May penpal ka?"

"Inay naman!" sabi ni Sakura sabay abot sa kanyang mother ng sulat. "Natanggap na ako sa inaplayan kong University sa syudad! Pasado ako sa scholarship nila kaya wala tayong problema sa tuition ko! O diba!" tuwang-tuwang pagmamalaki ni Sakura sa ina. Ang ina naman niya ay napatalon sa kawalan ng sisidlan ng saya. Yinakap ni Sakura ang mother. "Salamat sa'yo mother nakarating ako dito! Kung hindi sa tinda nating tinapa't daing ay hindi ako aabot ng kolehiyo!"

"Oo nga!" sigaw ng ina. "Pag yumaman na tayo hindi na ako magtitinda ng tinapa't daing! Boneless bangus na ang ititinda ko! Malapit na tayong yumaman! Ahahay!" sigaw ng ina na halos umabot na sa kabilang probinsya. Yakapan ng yakapan ang mag-ina sa sobrang tuwa gaya ng ginawa nila noong lumayas na sa kanilang puder ang tatay ni Sakura. Pasakit kasi sa bulsa ang nilalang na iyon dahil lahat ng panindang tinapa't daing ng mag-ina ay lagi niyang dinedekwat at ipinanreregalo sa nililigawan niyang si Donya Cholesterola na may-ari ng piggery. Ang tuwa naman ni Sakura ay gaya noong nanalo siya as "Palengke Queen". Well, karapat-dapat naman talaga siyang tanghaling reyna ng mga palengkera dahil sa buong palengke ay siya lang ang nagbibigay ng libreng dance number sa mga bumibili sa kanya habang nakatayo sa malansang counter ng tinapa at pinapalakpakan ng mga manonood. Aba! Kung hindi dahil doon a hindi siya magiging reyna!

Ang pagha-happy-happpy ng mag-ina ay naputol biglang may naalala ang mother ni Sakura. "Teka anak, kelan ang alis mo?" Napatingin tuloy si Sakura sa letter. "Ngayon daw po! Nanay! Mag-eempake na ako! Babayush!" wika ng dalaga as she zoomed away from view.

Dumiretso sa kanyang silid si Sakura at nag-empake ng mga pag-aari niya sa kanyang tampipi. Di na siya nag-bother na I-fold ang mga damit dahil malulukot din naman daw yun sa biyahe. Salaksak lang ng salaksak sa bayong na parang mapag-iiwanan na ng sibilisasyon. After a few minutes, viola! Ready to go na ang bida!

Lumabas ng kanyang kwarto si Sakura at nakita niya ang kanyang inay na may hawak na isang puting bato at isang plastic bag at ibinibigay ang mga ito sa kanya. Nagulat si Sakura. Aanhin naman niya ang mga yun diba!

Kinuha ni Sakura nang mapagtanto niya ang value nung bato. Ibig sabihin pwede na siyang maging Darna! Ayuus! Matagal na niyang pinapangarap ang matawag na 'Darna', ang superhero na naka-red na two-piece. Niyakap ni Sakura ang ina. "Inay! Sabi ko na nga ba naging ikaw si Darna! Syempre pano mo naman maipapaliwanag yung kahindik-hindik at kagila-gilalas nyong kakayahan sa larangan ng pagtitinapa! Pramis pagbubutihan ko ang pagganap ng Darna! Ay lab yu nay!"

Kumalas ang ina sa yakap na makapigil-hininga. "Gaga! Hindi 'to bato ni Darna! Anting-anting ko yan! Papamana ko na sayo para mabantayan ka dun sa syudad! Mapanganib kasi dun, maraming mga manyak dun tsaka mga halang ang kaluluwa!" then she sniffed. "Anak, sumulat ka ha? Wag kang mag-alala sa akin, ayos lang ako dito."

Tulo ang uhog ni Sakura, napaiyak na din. "Wag kayong mag-alala inay, magiging mabait ako dun, pramis! Tsaka sabi ng sulat meron na daw akong tutuluyang apartment. Sagot na daw ng scholarship ko yun kaya wala kayong poproblemahin!" paliwanag ng pink-haired girl.

Napabalikwas ang ina. "Talaga? Wala na akong gastos sa'yo?". Tumango si Sakura. Napatalon ang ina. "Yess! Mabibili ko na din yung inaasam-asam kong daster! Yahuu! Sige anak! Lumarga ka na at baka gabihin ka pa! Babush!" maligayang wika ng ina sabay tulak sa anak palabas.

"Si nanay talaga." Nasabi ni Sakura. Sinilip niya ang plastic bag na bigay ng ina. Tinapa't daing. "Pinapabaunan pa ako ni nanay ng tinapa! How sweet!"

Naglakad na si Sakura sa nearest bus station patungong Konoha city. Bumili siya ng shing-aling dun sa mamang sumasabit sa bus at nang sumapit na ang dilim ay nakarating na sa city ang bus. Excited talaga si Sakura. Aba! First time nya atang umapak sa city! Lilinga-linga siya at humahanap ng mapagtatanungan kung saan ba mahahagilap ang address ng apartment nya. Lumapit siya sa isang lalaki na may dalang asong mukhang intsik beho. "Mamang kagalang-galang, mawalang-galang po. Saan po ba 'tong address na 'to?" Sabay abot sa mama ng piece of paper with the address.

"Ah ito ba? Direstsuhin mo 'tong kayleng to tapos may makikita kang stop sign. Diretsuhin mo pa rin yun tapos pag may nakita kang billboard ng Yakult lumakad ka ng padiretso hanggang umabot ka sa tindahan na "Kulot's store". Pag nakita mo yun dire-diretso ka lang tapos may makikita kang traffic light, kaya dumiretso ka hangang may makita kang white na apartment na may black na gate. Yun na yun." Masayang sabi ng mamang mas amoy aso pa kesa sa aso nya.

Napamaang saglit si Sakura. "So, sa madaling salita, diretso lang hanggang dun sa white na apartment?" Sakura confirmed.

Ngumiti ang ang aso este mama. "Korek!"

"Ah, okey, sige salamat po mama!" sabi ni Sakura sabay bagtas sa direksyong sinabi ng mama. Nang di na niya maaninagan ang mamang may aso, napabulong ang dalaga. "E tarantado pala yung mamang yun, didiretso lang pala ang dami pang cheche-bureche!" tumigil siya sa paglalakad when the apartment was right in front of her eyes. Dagli niyang kinuha sa bulsa ang susing naka-enclose sa sulat na natanggap niya. Binuksan niya ang pintuan, mejo nanginginig pa ang kamay. 'Wow! First time kong nagkaroon ng matitirahang may doorknob! Sa probinsya kasi 'di uso yon!' she thought habang binubuksan niya ang pinto. Bumulaga sa kanya ang isang well-furnished apartment.

"Waw! Sosyal!" tili ng dalaga. In-explore nya ang buong apartment at pumili ng isang room para sa sarili. "Hay! Grabe sa sobrang tuwa ko di ko napansin na umaalingasaw na ako! Makapaligo nga muna!" sabi nya at dumiretso sa banyo at gumamit ng shower for the first time. De-tabo lang kasi sila sa probinsya e.

After a few minutes, tapos nang mag-shower ang dalaga ngunit nang hanapin niya ang kanyang towel ay… wala siyang nakita! Di pa pala niya nabubuksan yung tampipi niya kaya andun pa yun pihado.

Sumilip palabas ng banyo ang dalaga. Linga sa kaliwa, linga sa kanan ala secret agent ang dating. "The coast is clear." Bulong sa make-believe walkie-talkie niya. She tiptoed, soaking wet towards her tampipi lying atop the sofa. Dali-dali niyang binuksan ang tampipi at naghalukay hanggang may mahawakan syang soft and fluffy. Yung towel!

……….minwayl……..

May isang nilalang na pumasok sa gate ng apartment. Kung sino siya, dehins ko alam, basta may dala siyang balutan. Hinugot niya mula sa kanya bulsa ang isang susi at binuksan ang pinto. Nang masilayan ng liwanag ang kanyang features, makikitang he possesses raven hair and a pair of beautiful onyx eyes. Naka-silid sa bulsa ng jeans nya ang kanyang magkabilang kamay at nakatingin sa lupa habang naglalakad. Baka daw may maapakang ebak.

'Yess! towel!' isip ni Sakura. Nang mahugot niya ito mula sa tampipi, biglang bumukas ang pinto revealing the raven-haired lad. Nanlaki ang mata ng dalaga seeing that it is a man. Wala siyang nagawa kungdi ang mapatili while clutching the towel around her, trying as hard to cover up everything. The young man looked startled at napatingala mula sa pagkakatungo niya, confused sa biglang narinig na tili, only to see a pink-haired lady wrapped in a towel madly dashing towards a room.

After nya magbihis, galit na lumabas ng silid si Sakura at hinarap ang umano'y manyakis na ngayo'y naka-upo sa sofa at nakataas pa ang paa sa center table. 'Kapal talaga ng apog! Feel at home ba daw?' isip-isip nya. "Ang kapal mo din talaga ano! Nanilip ka na nga iistambay ka pa sa apartment ko! Lumayas ka nga sa paningin ko! Tsaka pa'no ka nakapasok! Akyat-bahay ka noh! Kala mo may mananakaw ka sakin? Pwes, por yor impormasyon wala kang makukuha sakin! Wala! WALA! WALAAAAAA!" walang prenong sabi ng dalaga kaya ngayo'y hihinga-hinga sya.

Dahan-dahang luminga at her direction ang binata. "Dito kasi ako titira. I suppose ikaw yung makaka-share ko ng apartment. Ako si Uchiha Sasuke." Wika ng binata habang iwinawagayway mistulang bandila ang letter mula sa university. Doon na-digest ni Sakura na talagang hindi isang manyakis na akyat-bahay ang binatang ito, kungdi ang kanyang makakasama sa buong buhay niya sa kolehiyo.

"HINDEEE! Hindi ito totoo! Hindi pwedeng ikaw ang makakasama ko! Mas nanaisin ko pang tumira sa iskwater kesa makasama ang isang manyak na gaya mo!" palahaw niya.

Nagtaka ang binata. Nababaliw na ba itong babaeng ito at bigla na lang siyang tatawaging manyak? Wala naman siyang nakita o nasilip man lang dahil nga sa siya ay nakatungo. "Teka nga." He said. "For your information, hindi kita sinilipan. Tsaka wala akong nakita dahil nakatungo ako." He explained. "Tsaka sino ba naman kasing nagsabi sayo na mag-parampa-rampa parang model dito sa living room in only a towel?" tanong niya mockingly.

"Tarantado! Di ako nagmomodel!" sigaw ni Sakura sa binata. "Tsaka bakit ba pinakekealaman mo ako! Lumayas ka na kasi dito!" at ipinagtulakan ni Sakura ang binatang kausap. Aba! Syempre di pumayag ang binata na basta na lang ipagtulakan! So tinulak nya din ang dalaga, kaya hayun! Nagtutulakan sila. Pero unexpectedly, napalakas ang tulak ng binata kaya napatihaya sa sahig ang dalaga.

"Aruy! Arowts! Ang sama mo!" she cried as she tried to stand up but to no avail. Sumasakit ng matindi ang ankle niya every time she tried to. "Aah! Ang sama mo! Kriminal ka! Sa probinsya naming munti 'di pwede yan!" she said again, tears now flowing from her eyes, making the lad glance at her direction.

"Ang arte mo naman, para napa-upo lang." Sabi ni Sasuke. "Tsaka kung ayaw mong kasama ako, mas ayaw kong kasama ka! Isang utlig na probinsyanang amoy tinapa!"

"Baliw ka talaga!" sigaw ni Sakura. Tawagin ba siyang amoy tinapa! Makikita nitong mayabang na 'to ang hinahanap nya. "Hindi ako yung naamoy mo, yung baon ko yun!" sabay turo sa plastic bag ng tinapa with matching daing. Nilapitan naman ng binata ng plastic bag at binulatlat ito. 'Eto pala yun' sa isip-isip niya. Sakura, on the other hand ay nagpumilit tumayo ay naupo sa couch. "Nakakaasar talaga." Bulong niya.

Naupo din si Sasuke at inilibot ang mata sa apartment then finally, landing his eyes at Sakura. Aware si Sakura na tinitingnan siya ng undeniably handsome na housemate nya. 'Nakakabad-trip kung tumingin 'tong hinayupak na ito ah!' pakiwari ni Sakura at inambahan ng suntok ang binata. "Anong tinitingin-tingin mo ha!"

"Brusko kang babae ka ha!" bulalas ni Sasuke. Ngayon lang sya naka-encounter ng babaeng ganito. Ang mga klase kasi ng mga babaeng na-eencounter nya dito sa city ay mga tipong maarte, sophisticated at mahiyain. Never pa siyang nakakita ng babaeng balahura gaya ni Sakura.

Napakunot ang noo ng dalaga. Brusko? Siya? Talagang pinapainit ng nilalang na ito ang ulo nya! Napasigaw siya out of frustration. "AAH! Tama nga si inay! Maraming masasama ang ugali dito sa syudad! Mga walang galang sa mga babae!" sabay poke sa balikat ng binata. "Mga manyak!" turo ulit. "Mga halang ang kaluluwa! AAAAAAAAAHH!" at hinila niya ang kanyang buhok then she collapsed on the couch.

'Pambihira. Baliw na ata 'to e.' isip ni Sasuke habang dahan-dahang nilapitan ang nag-outburst na babae. Walang imik ito, nakatulala lang sa hangin. He was hovering above her nang biglang in-extend ng dalaga ang kanyang braso upwards. Muntik nang masuntok si Sasuke. "Nagugutom ako." Wika ng dalaga.

"E di kainin mo yung baon mong tinapa at daing." Sabi ni Sasuke. Kinabahan siya dun ah! Kala niya masusuntok ng babaeng ito ang kanyang pagka-gwapo-gwapong pagmumukha. He stared at the girl before him, now devouring her tinapa like there is no tomorrow. 'Ang malas ko naman.' Sabi ni Sasuke.

Napatingin si Sakura kay Sasuke. "Gusto mo?" alok niya sa binata.

Umiling ang binata. "Hindi ako kumakain ng ganyang klaseng pagkain." Sabi nya. Syempre naman no, masyado syang sosyal para dun.

"Di wag. Ikaw na nga ang binibigyan 'kaw pa ang maarte! Bahala ka dyang mamilipit sa gutom." Sabi ni Sakura. "Gutom na gutom na kasi talaga ako. Shing-aling lang yung kinain ko kanina sa bus e! Bibili pa sana ako ng itlog ng pugo kaso baka kako kulangin yung pera ko." Kwento nya. "Di mo lang alam sikat na sikat itong tinapa tsaka daing namin sa probinsya namin!"

"Saan ba probinsya nyo?" tanong ni Sasuke out of pure curiosity.

"Dun sa Utligin." Sakura proudly declared.

Muntik nang mapahalakhak ang binata. 'Grabe naman yung pangalan ng probinsya ng babaeng to. Kaya siguro may pagka-utlig sya.' Isip-isip nya. 'Pero ngayon ko lang narinig yung lugar na yun ah.'

"Utligin. Dun ka pala galing." He said, nag-iisip kung anong pwedeng masabi. "Jan ba yung may mga negrong tao na kulot-kulot yung buhok na makapal yung labi?" he asked.

Muntik nang mailuwa ni Sakura ang daing na kinakain nya sa sinabi ng binata. "Hinayupak ka! Sa Zambales yung mga taong yun! Mga ita yun e!" bulalas nya. Pahiya ang binata. "Saang kabundukan ka ba nanggaling at hindi mo alam na ang mga ita ay naninirahan sa Zambales?"

"Shaddap." Sabi ni Sasuke. Dapat di na lang sya nagsalita, naaway tuloy sya. Tumayo ang binata at binitbit ang mga gamit nya. ""Matutulog na ako." Sabi nya.

"Edi matulog ka." Sabi ni Sakura na lumalapang pa rin ng daing. "Bakit? Gusto mo basahan kita ng fairy tales? O baka naman gusto mong uminom ng Alactagrow at pagtitimplahin mo ako!"

"Fairy tales ka jan." sabi ni Sasuke. "San ba dito kwarto ko?" tanong nya sa dalagang obvious na obvious na nagbabasa ng fairy tales at nainom ng Alactagrow bago matulog.

"Yung kulay white." Sabi ni Sakura. "Akin yung pink kasi peborit color ko yun e. Pero kung gusto mo dun sa kulay pink okey lang." Sabi ni Sakura sa binata.

"Pink? Ok ka lang? Shempre dun ako sa puti." Sabi ni Sasuke sabay punta sa kwartong may pinturang puti. "Oy, anong pangalan mo na pala?" tanong nya.

"Salamat naman at nagka-interes kang alamin ang pangalan ko." Sabi ng babaeng ngumangasab ng tinapa. "Haruno Sakura is may neym." Wika niya in a fake American accent with matching ngiting abot tenga.

"Nakakatakot ka." Wika ni Sasuke bago pumasok sa silid nya at natulog. Kakaiba talaga ang babaeng ito.

tu bi kontinyud

A/n: Isang tanong, isang sagot. Natawa ba kayo? Ako… Ewan ko! HAHAHA! Oo nga pala, noong summer 2005 ko pa naisulat ang fic na 'to kaya medyo outdated na yung ilang imposmasyon! Haahaha!

Antabayan sa next chapter!

Paggising ni Sakura kinabukasan… napagtanto nya na first day of school na pala! Sa sobrang panic nya, sa halip na banyo ang mabuksan, ang kwarto ni Sasuke ang napagdiskitahan nya! At nahuli nya ang binata na naglalagay ng Rexona at nagso-song ang dance number. 'Let's do the funk, let's do the first day funk!'