Awtor's Nowt (Bago ang lahat):

Matagal na panahon din ang nakaraan nang isinulat ko ang istoryang ito. Isang taon na, nung nagbalak akong sumali sa band competition sa school namin. At pagkalipas ng isang taon, eto na naman uli ako, hindi na nagbabalak sumali, kasali na! yey! Kaya nga gusto ko nang ituloy ang istoryang ito habang hindi pa ko tinatamad. Ahaha.

Ito nga palang istoryang ito ay matagal ko nang isinulat ngunit ngayon ko lang idaragdag. Ito'y sinulat last year nung kasikatan ng narda by kamikaze, mang jose by pne, etc, etc…At nung kapanahunan ng naruto season 3 (ata) …sana magustuhan ninyo

Attention: para sa mga nagbabasa, bibigyan ko kayo ng trabaho, ang pinakamaraming makitang typo dito sa dokumentong ito ay makikibahagi sa pagbuo ng istorya …yey!

Disclaimer:

Hindi ko pag-aari ang lahat ng proper noun dito sa istroyang ito, hiniram ko lang sila gaya ng ibang fan fiction writers.

xxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx

BATTLE OF SHINOBI BANDS

by sgraffy

CHAPTER I: Statement Of The Problem

This study aimed to make a band of shinobi in konoha a legend. Specifically it aimed to answer the following questions:

1. What songs will naruto's band sing for the competition?

2. What is the level of acceptance of naruto's band and the commercial bands in terms of:

a.

b.

c.

3. Is there a significant difference between the level of acceptability of naruto's band and the commercial bands in terms of:

a.

b.

c.

(ahaha bat merong ganito?)

------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Ang nakaraan…

Nagtagpo na ng landas ang mga susunod na alamat sa industriya ng musika ng bayan ng konoha. Pero, magaganap lamang ito kung malalagpasan nila ang napakaraming pagsubok sa music industry at kung hindi sila malalalos (ouch!). Ang mga miyembro: Naruto (Voclaist, guitarist), Sakura (bassist, co-vocalist), Hinata (lead guitarist), Ino (keyboardist, co-co-vocalist) at Sasuke (Drummist)…

Iniwan natin silang papunta sa bahay ni sasuke…

------------------------------------------------------------------------------------------------------------

"tayo na sa bahay ni sasuke!"

"tara!"

nilakbay nila ang daan papunta kina sasuke samantalang kinukuha ni hinata ang kanyang gitara sa mansyon ng mga hyuuga…

Malaki ang bahay nila sasuke(people, let us now use our imagination…)

"wow ang ganda naman ng bahay mo sasuke!" paghanga ni sakura

"oo nga, para ka tuloy prinsipe dito!" panghanga ni ino

"hmpf!," pagsusungit ni naruto, "eh sa sobrang laki ng bahay na ito, kung magisa lang ang titira, ubos ang chakra sa pagnaglinis! sa sala palang susuko na!"

hindi siya napansin ng mga kasama. Malamang ay hindi rin siya narinig dahil masyadong malaki ang bahay at naiwan na si naruto sa may pinto.

"hoy teka!" napansin ni naruto na napagiwanan na siya, "hintayin nyo naman ako!"

" dito ang music room ko," ani sasuke

pagbukas ng pinto bumulaga ang state of the art high tech instruments ni sasuke: dalawang drum set , grand piano, trombone, violin, saxophone, batiwtiw, kutintang, gong ageng, stradivarious, nose flute, cielo, lyre, maracas, kulintang….import pa iyan galing sa pinakamahusay na bansa pagdating sa pagmamanupaktura ng mga instrumentong pangmusika

"huwaw!" binasag ni naruto ang katahimikan na puno ng paghanga, "kumpleto ang gamit dito a! Ahahaha! Siguro nagkakanda sabit sabit ka na sa mga kurdong nagkalat diyan! ahahaha! marunong ka bang tugtugin ang lahat ng iyan?"

hindi nakaimik si sasuke "nag-aaral pa lang ako…" ani sasuke

"aba! Dalawang drum set!" ani naruto sabay kalampag sa mga cymbals, clapper, at tambol, "ang pangit naman ng tunog ng drums mo! Wahahaha!" sige lang sa pagwawala si naruto

"Hoy kulugo! Lumayo ka sa drums ko! Waaaah!" naglevel 2 sharinggan si sasuke at halos lumabas na ang cursed seal sa buong katawan niya

Nagulat si naruto. At dahil peace lover siya tinigil na niya ang kanyang pagwawala, ayaw na niyang magalit pa sa kanya pati si miss sakura

"hindi na sasuke,' ani naruto, "masyado kang mainit eh"

"naruto, kanina ka pa!" ani ino

'lagi mo na lang inaaway si sasuke!' ani sakura

'hindi na! Ang mabuti pa, ipakita mo na sakin ung gitara ni itachi, sasuke' ani naruto kay sasuke

'o sige,' sagot ni sasuke

lumapit si sasuke sa isang kabinet na may 3 kandado. Agad niyang binuksan isa-sa ang mga lock. Sa loob ay may isang kahong bakal na hugis gitara. May nakapulupot ditong mahaba at makapal na kadena at 10 malalaking kandado.

Seryoso ang lahat, walang humihinga. Kalansing lamang ng mga kadena at kandadong bakal ang maririnig kasama ang mga kabadong pintig ng puso. Walo, pito, anim, lima, apat, tatlo, dalawa, hanggang isa na lang ang natirang kandado.

'bubuksan na……' bulong ni sakura sa sarili

'malapit na….' isip ni ino

'heto na ang huling kandado…' sabi ni sasuke sa sarili

"AYAN NA! MAKIKITA KO NA ANG GITARA NI ITACHI!" sigaw ni naruto

"TUMAHIMIK KA NGA!" saway nung tatlo kay naruto

dahandahang ibinukas ni sasuke ang kahon

'WALA?' pagtataka ni naruto, 'nge! Bat wala ung gitara ni itachi dyan?'

'bakit wala dito?' tanong ni sasuke sa sarili, 'dito ko lang iyon inilagay! Hindi ako dapat magkamali!'

'sasuke…' pag-aalala ni saskura, 'ang kapatid mo…hindi kaya…?'

'naku sasuke!' reklamo ni naruto, 'ulyanin ka na! isipin mong mabuti kung saan mo itinabi!'

'baka inilipat mo lang iyon ng lalagyan, sasuke…' suhestyon ni ino

'wala ka bang matandaan?' usisa ni sakura

tahimik ang lahat, nag-iisip ng posibleng kinahinatnan ng gitarang iyon nang biglang may narinig silang mahinang yabag na papalapit sa kanila…

si itachi nga! Ang nasa isip nila… unti unting bumukas ang pinto at---

'a—an..andi-…andi-to na…a-ko!'

'hinata!' ani nilang apat. napabuntong hininga sila. Napansin ni sasuke na dalawa ang hawak na gitara ni hinata

'teka, saan mo nakuha ang gitarang iyan? Paano? Saan? Bakit? Sino? Kailan?' sunudsunod na tanong ni sasuke

'e-eto ba…?' sagot ni hinata, 'na…pulot ko 'to …dyan sa-…sa-may basurahan…maayos pa naman e…'

'gabun ba?' ani sasuke, 'mabut naman at nakita mo'ng gitara ni itachi. Makakapag-umpisa na tayong mamili ng mga kakantahin natin ngayon meron nang gagamitin si naruto pansamantala…'

'naku saskue,' sabat ni naruto, 'iniba mo lang ang usapan para hindi mahalatang nakalimutan mong tinapon mo na pala ang gitara ni itachi!'

'naruto, hindi na mahalaga iyon,' pagtatanggol ni sakura, 'mabuti pang gawin na lang natin ang sinasabi ni sasuke.'

'pasalamat ka kay hinata, nahanap niya ang gitara,' ani ino

'ay oo nga pala!' bumaling si naruto kay hinata, ' hinata salamat nga pala sayo, ngaun may gagamitin na ko…'

'wala …walang…a-ano…man yon…' mahinang sagot ni hinata

'yan sakura, turuan mo na kong mag-gitara! Isang buwan na lang at araw na nang paligsahan!' excited si naruto

'pero naruto,' si ino, 'kailangn muna nating isipin kung anong tutugtugin natin para makapagsimula na tayong mag-ensayo'

'isang revival song, isang christmas song at isang kahit ano ang dapat nating kantahin. Tatlo lang ang pedeng kantahin dahil masyadong marami ang kasali.' Paliwanang ni sakura

'no prolemo!,'confident si naruto, 'haruka kanata by kung fu generation ang isa sa tatlong kanta natin! Napaka astig ng kantang 'to bagay na bagay sakin! Nyahahaha!'

'marunong palang kumanta ang isang kulugo,' pangaasar ni sasuke

'naku wala na tayong pag-asang manalo niyan T.T' reklamo ni ino

'ah basta! Gusto kong kantahin ang nee kikoe masuka!' pilit ni sakura

'gusto ko ring kantahin yan!' sangayon ni ino

'ano ba kayo? Sabing haruka kanata nga e!' pagpilit ni naruto

'nee kikoe masuka!' ani ino't sakura

'HARUKA KANATA!' sigaw ni naruto

'NEE KIKOE MASUKA!' sigaw ni ino at sakura

'wag…kayog…mag…mag-a…mag-awa…y…' mahinang awat ni hinata

'….' Ani sasuke

'teka may bigla akong naa-lalang magandang kanta!' bulalas ni naruto, 'siguradong magugustuhan nyo rin iyon!'

'talaga?!' tanong ni ino

'anong kanta ba yon?' tanng ni sakura

………………………………………………………………………………………………

flashback: naruto's pov

………………………………………………………………………………………………

kagabi habang nagpapahinga sa damuhan, bigla akong may nasulyapang kalapati na lumilipad. Tapos narinig ko

tila ibon kung lumipad

bigla kong na-alala ang pinakamagandang babae sa buhay ko

sumabay sa hangin akoy napatingin

sa dalagang nababalot ng hiwaga

naalala ko na lagi na niya akong iniisnab! Puro na lang sasuke! Sasuke! Sasuke! Argggggh!

Mapapansin kaya

Sa dami ng yong ginagawa

Kung kaagaw ko lahat

Ang karibal kong si sasuk! Gggggrrr!

May pag-asa bang makilala ka?

Awit na nananawagan

Oh sakura bakit hindi mo ko mapansin?

Baka sakaling napakikinggan

Pansinin mo naman ako…!

Pag-ibig na nananawagan

Earth calling sakura, naruto's here!

Sa kanta na lang idaraan

Nag-aabang sa langit

Sa mga ulap sumisilip

Sa likod ng mga tala

Kahit sulyap lang darna (sakura!)

naisip kong ang swerte ni sasuke

ang swerte nga naman ni ding

lagi siya ang iniisip ni sakura

lagi ka niyang kapiling

kung ako sa kanya

sana ako na lang

liligawan na kita

awit na nananawagan baka sakaling napakikinggan

pagibig na palaisipan sa kanta na lang idaraan

nag-aabang sa langit

sa mga ulap sumisilip

sa likod ng mga tala

kahit sulyap lang darna!

Oh sakura! I lab y----

"bat biglang nawala?' takang tanong ni naruto, 'hoy! Buksan mo nga ang radyo!' sigaw niya sa kapitbahay

'sensya na naruto,'sagot nung kapitbahay, 'pinutulan kami ng kuryente e, sa iba ka na lang makinig.'

'asar!,'inis na sabi ni naruto, 'ano bang title ng kantang iyon?'

………………………………………………………………………………………………

end of flashback: naruto's pov

………………………………………………………………………………………………

'narda? Narda ang gusto mong kantahin?' tanong ni sasuke, nag-isip siya ng malalim

'pero…' ani sakura

'kaya lang…'ani ino

'…' nagblush si hinata

'kailangan natin ng listahan!' naisip bigla ni sakura

'oo, ilista natin lahat ng kantang gusto nating kantahin tapos saka tayo mamili,' sangayon ni ino

'sige,' sangayon ni sasuke

at gumawa sila ng listahan

'isama mo rin ang order taker at mang jose,' ani naruto

'pede rin bang isama ang could have been at fast car,' ani hinata

'oo teka lang!' ani sakura

'sakura, idagdag mo rin dyan ang welcome to the black parade,' ani ino

'pati rin ung adventure at bitiw,' ani sasuke

'ok!'

at nagpatuloy na humaba ang mahabang listahan ng mga kanta

------------------------------------------------------------------------------------------------------------

kung akala ninyong tapos na ang chapter I, nagkakamali kayo meron pang significance of the study at scope and limitations…

abangan…

San sila kukuha ng napakaraming lyrics ng kanta, chords at tabs?

Sino ang dayuhang mangangahas na kalabanin si naruto?

May banda rin kaya si Kakashi?

Magkano ang talent fee ng Parokya ni Edgar?

Makaabot kaya sila naruto sa takdang oras ng registration?

Sinu-sino ang mga rival bands?

Sinu-sino ang mga judge?

Ano ang criteria for judgement?meron ba nun?

Lahat ng iyan sa susunod na kabanata: Chapter III: Methodology (Methods of Rehearsals).

Food for thought: Mas madaling makuryente ang mga babae kaysa lalaki.