CY: Hello! Ito ang first fanfic ko sa Filipino.. Sana ay masiyahan kayo .


Disclaimer: Ang Shaman King ay hindi ko pag-aari at hindi kailanman. -.-


Chapter 1: Ako ang may kasalanan!

Ilang buwan na ang nakakalipas ng matapos ang Shaman Fight. Sa kasamaang palad ay walang nanalo dahil kay Hao Asakura. Pero hindi tungkol doon ang ating kwento. Recap lang 'yon ng mga pangyayari.

Kakatapos lang ni Yoh sa kanyang jogging sa palibot ng Funbari Onsen at gaya ng dati, suot-suot niya ang weights na inilagay ni Anna sa kanyang paa at kamay. Sa tuwing inilalagay ni Anna ang weights ay hindi naman siya nagrereklamo kahit dinadagdagan pa nito ng kaunti pang bigat dahil pag nagreklamo siya ay siya rin mismo ang mapapahamak. Ngunit ngayong araw ay kakaiba si Yoh.

Humihingal siyang umupo sa kanilang bahay. Maya-maya ay lumabas si Amidamaru.

"Master Yoh!" tawag sa kanya ng espiritung kaibigan.

"Bakit?" pinong tanong ni Yoh.

Tiningnan siya ni Amidamaru. "May problema ba Master Yoh? Mukha kasing kakaiba ang aura ninyo ngayon." sabi ni Amidamaru "Hindi po ba kayo nakatulog ng maayos?"

Nang humarap si Yoh kay Amidamaru, nakita ng samurai ang naglalakihang eyebags ni Yoh. Dinaig pa ata ni Yoh ang batang babae sa "The Ring" sa lalim ng eyebags nito, na kahit ang espiritu niyang kaibigan ay natakot sa itsura niya.

"Palagay mo?" lulugu-lugong tanong ni Yoh. Maya-maya ay naghikab siya.

"Pwede ko bang malaman ang kung bakit hindi kayo nakatulog kagabi?" tanong ni Amidamaru.

Nagbutung-hininga si Yoh. Tumingin siya sa maaliwalas na kalangitan. "Kagabi kasi hindi ako tinantanan ng mga bangungot ko."

"Bangungot? Bakit?"

"Ewan ko ba. Lagi kong napapanaginipan si Anna at ang kanyang torture training para sa akin." Humikab uli si Yoh. "Grabe, nakakatakot ang mga bangungot ko."

"Ahm, Master Yoh,"

"Isipin ko lang ang mga bangungot ko na 'yon, parang wala na akong ganang matulog."

"Ahm, Master," pilit na tinatawag ni Amidamaru ang pansin ni Yoh ngunit hindi naman siya nito pinapansin at patuloy lang itong nagsasalita.

"Lalo na pag nakikita ko si Anna sa mga bangungot ko, grabe, tinalo pa niya ang mga kyonshi ni Jun Tao at ang Spirit of Fire ni Hao sa pagpapahirap sa akin."

"Master Yoh!" sigaw ni Amidamaru.

Lumingon si Yoh. "Bakit ka ba…" ng lumingon siya, nakita nila ang babaeng pinag-uusapan nilang magkaibigan. "Hi Anna!" ngumiti siya rito.

Tumaas ang kilay ni Anna. "Bangungot pala ako sa 'yo ha?" binatukan siya nito. "Mag-jogging ka ulit ng 150 beses."

"Anna, ayoko na. Pagod na ako. Puyat pa." Pagmamakaawa ni Yoh.

"Takbo."

"Ayoko" suway ni Yoh. Nagulat si Amidamaru ganon din si Anna pero hindi naman nito iyon pinahalata.

"At bakit naman?"

"Anna, wala ako sa mood ngayon." mahinahong sabi ni Yoh. "Pagod na ako. Hindi pa ba sapat ang tumakbo ako ng 200 beses!"

"Ngayon nagrereklamo ka na?" nakataas pa rin ang kilay ni Anna.

Tumayo si Yoh. "Hindi ako nagrereklamo. Pagod lang ako."

"Pagod? 'Di ba sabi ko sa'yo matulog ka ng maaga!"

Mukhang kakaiba nga si Yoh ngayon…

"Kasalanan ko ba kung binabangungot ako ha!" Okay… mukhang maikli lang ang pasensiya ni Yoh ngayon ah. Dahil nga kaya yun sa hindi siya makatulog?

Ngayon lang pinagtaasan ng boses ni Yoh si Anna. Amidamaru's jaw dropped. Hindi niya inaasahang sasagot ng ganoon ang kanyang Master Yoh kay Anna.

"Kasalanan ko ba kung gabi-gabi na lang eh binabangungot ako ha!"

Hindi pa rin nagsasalita si Anna. Mukhang speechless. Pati na si Amidamaru.

"Kasalanan ko ba kung gabi-gabi eh binabangungot ako ng dahil sa 'yo!" sigaw ni Yoh kay Anna.

Hindi na maganda sa pandinig ni Anna ang mga sinasabi ni Yoh. Nasasaktan na siya.

"Kasalanan ko ba kung lagi akong binabangungot ng dahil sa----"

Bago pa natapos ni Yoh ang sasabihin, lumapat sa kanyang mukha ang matinding sampal ni Anna.

"Kung ayaw mo sa training na ginagawa ko para sa 'yo, sana sinabi mo agad!" natatagis ang mga bagang ni Anna. 'Pag talikod ni Anna ay lumandas sa kanyang mukha ang isang patak ng luha. Lumabas si Anna ng bahay. Si Yoh ay naiwang nakatulala sa ginawa. Si Amidamaru naman ay nagulat sa mga kagulat-gulat na pangyayari.

To be continued…


Authoress' Notes:

Ayan! Ito ang una kong fanfic na nakasulat sa Filipino kaya medyo naninibago po ako. Sana po ay may magcomment sa aking ginawang kwento.. Nga pala medyo OOC ang dalawang characters kung napansin niyo… Hehehehe La lang…. Please comment po kayo tungkol dito… Salamat!