-11/?

Maraming mga instances sa buhay ni Haruhi na feeling niya ay mas maganda na lang kung siguro ay bigla na lang siyang mahimatay, mapunta sa coma, at mamatay ng bigla. At least, di niya mafe-feel na namatay na siya or anything.

At minsan din, yun ang pr-in-ay-pray niya sa lahat na yata ng diyos na makikilala sa buong daigdig na mangyari sa mga tao na ang tanging misyon sa buhay ay para gawing miserable ang buhay niya.

Ngayong umaga na ito pero mas ipinagdadasal niya na mangyari ang pangalawa.

Mas lalo na sa kanyang ama na ubod ng kabaklaan at kaibigang mukhang hinayupak na lamang-lupa.

"Ano nanamang katanganhan iyan…" angal ni Haruhi, trying desperately to get back to her Math homework.

"Hindi mo ba alam, aking pinakamamahal na anak na ubod ng ganda!" sigaw ni Ranka, sabay flourish of his folded fan. "Na ito na yata ang magiging pinaka-importanteng moment sa iyong short life!"

"Oo nga, korek ka diyan, Ranka!" sabi ni Mei. Idinuro niya ang kaibigan na nagmumuni kung mas magandang sakalin sila o saksakin na lang ng kutsilyo. Pwede siyang maghalo ng pampatulog sa inumin nila at pagsila ay bumagsak na…

Mwahahahahah!

"Bakit ako?" inangal na lang ni Haruhi. Masyadong makalat kung mananaksak siya. Ayaw niyang maglinis ng dugo. Masyadong mahal ang Domex at Zonrox. Besides, saan niya itatago ang mga bangkay?

Hmm…merong lupa sa likod nila. Pero mahirap maghukay.

Feh.

Okay, back to square one. How to kill them without any effort on my part.

She made a mental list while the two blubbered on.

Sa sobrang inis na di siya makaisip ng viable na method para patahimikin ang dalawa, tumayo siyang bigla.

"Pupunta ako sa tindahan ni aling Nena," sabi niya. "Kailangang kong bumili ng…suka. Naubusan tayo at gusto ko ng adobo para ulam natin mamaya."

Biglang naiba tuloy ang usapan. Siyempre, 'pag adobo na ang topic, lahat ay dun pipiling ang atensyon. Mas lalo na sa adobong baboy at manok with freshly boiled white rice.

"Uy! Sarap niyan!" ani ni Mei. "Dagdagan mo yung baboy. Eto pera. Bili ka rin ng bay leaves. Pampasarap. Natikman ko yan sa Ilocos noon at tangina, naubos koy yata ang isang bandehado. Ang tagal kong nag-exercise at di kumain para mabalik ko ang figure ko."

"Pumunta ako sa Vigan noon at doon ko natikman yung chocolate," sabi ni Ranka. "Sarap nun kasama ang sinangag at tuyo o daing."

"Hindi ah! Mas masarap ang champorado with Carnation Evap and daing! Forever paborito ko iyon!"

"Hah! Kaya ka pala tumataba!"

"Anong sabi mong bakla ka? At least tunay ito noh!"

"Hmph! Tunay nga, di mo naman alam gamitin! At least ako alam ko kung paano magpasaya ng isang lalaki."

"Di ba lalaki ka? If you can satisfy yourself, it's easy to satisfy yung ibang lalaki, di ba? Ah, basta, ako happy ako sa pagiging babae ko at di ko pinangrap na maging lalake katulad moh!"

"Aba, bruha ka…!"

Sa pagaaway ng dalawa, di nila napansin na nakaalis na si Haruhi.

"Uy, nasan na si Haruhi? Kelan siya umalis?"

"Palagay ko nung nasa champorado tayo…."

--

Bumuntung-hininga si Haruhi ng malalim. Inisip niya na siguro ay may malaking kasalanan siya sa past life kaya ganito ang buhay niya. Amang mas babae pa sa kaniya, best friend na walang inatupag kundi magpaganda, at pinakamamahal na ina na sumakabilang buhay na.

Pero naisip din niya na dapat pa rin siyang magpasalamat. Lower middle class lang sila pero naigapang ng ama niya ang pag-aaral niya. Katatapos lang niya sa third-year ng studies niya at magiging senior na siya sa unibersidad. At pangako niya, 'pag naka-graduate na siya at nakahanap ng magandang trabaho ay aalis sila sa kanilang maliit na tinitirahan at siya na lang ang magtratrabaho para sa kanilang dalawa.

Yun lang naman ang pangarap niya.

Pumunta siya kila aling Nena, at bumili ng malaking bote ng Datu Puti. Naalala niya yung perang binigay sa kanya ni Mei kaya naisipan niyang pumunta sa palengke at bumili kahit kalahating kilong pandagdag. Maaga pa naman kaya baka meron pa siyang maabutan sa suki niya.

Nang paalis na siya sa maliit na groserya, nakita niya na may kausap ang anak ni aling Nena sa may lanai. Namukhaan niya yung lalake as Ootori Kyoya. Sikat yun sa Universidad nila, at bise-presidente ng Student Union nila. Gwapo, mayaman, at matalino. Lahat na yata ng babae (at ibang lalake) ay nagkakandarapa na maging girlfriend niya pero hanggang kaibigan lang ang mahahanap nila sa kanya.

Kagra-graduate lang nito at ang huling balita niya ay nagtratrabaho na para sa kanyang ama na isang mayamang negosyante.

Kaya ano ang ginagawa nito sa kanilang neighbourhood at kinakausap pa ang anak ni Aling Nena?

There was something fishy going on here at hindi yun ang BO ni Aling Nena. Biglang napangiwi si Haruhi. Langya, ang dami nitong tindang Rexona at Secret pero di man lang maisip na gumamit nito. Baka di rin nito alam gumamit ng sabon. Inimbento ang Safeguard antibacterial soap for a reason!

Napakibit-balikat na lang si Haruhi. Wala naman siyang talagang pake-alam sa true lang. Mind your own business, scratch your own galis and all that.

Napatigil si Haruhi sa paglalakad ng napuwing siya. She rubbed her eyes, willing the sting to go away. Bigla niyang na-feel na may ibang tao at tumingin siya, only to find Ootori Kyoya in front of her, eyeing her thoughtfully.

"Ootori!" bati ni Haruhi, unfazed. "Musta na? Ba't ka naparito?" In a way komportable siya with him as he used to be the President of the university's debate club that she was secretary of.

"Fujioka," sabi ni Kyoya. "Magandang umaga. Mabuti naman ako. Ikaw?"

"Okay rin lang," sagot ni Haruhi.

"Haruhi…gusto mo bang magkatrabaho?"

"Huh? Teka, rewind nga tayo ulit," sabi ni Haruhi, shocked na shocked sa sinabi ng kanyang senpai.

"Pasensya ka na, pagod lang ako ngayon." Tumingin si Kyoya sa paligid. "Mahirap mag-usap dito. Meron bang parke na malapit?"

Tumango si Haruhi. "Oo. Halika nga at i-explain mo sa akin kung bakit mo ako biglang in-offer ng trabaho out of the blue."

Kyoya could only smile weakly in apology.

--

"O, ready ka nang mag-explain?" tanong ni Haruhi habang hinahalo ang kanyang milkshake. May nakitang maliit na café si Kyoya sa may dulo ng parke, at syempre not being a person to pass up anything free, nag-agree na lang siya ng sinabi ng binata na mas maganda na doon na lang sila mag-usap.

"Kanina alam ko na nakita mo akong kinakausap yung anak ni Aling Nena, di ba?" began Kyoya. "Ang nangyari kasi ay dati siyang nagtratrabaho sa akin bilang yaya. Pero bigla na lang siyang nag-resign nang nakahanap siya ng bagong trabaho sa Canada. Kaya ngayon kailangan ko ng bagong magtratrabaho para sa akin."

"Kailangan mo ng yaya?" tanong ni Haruhi, sindak na sindak. Sa laki nitong tao, kailangang niya ng taga-alaga sa kanya? Ay, tangina, por que mayaman siya sobra na yata ito. Di ba 22 na ito? Pwede nang magka-anak at mag-asawa pero may nagpupunas pa rin sa pwet niya? Kamangha-mangha! Biglang nagpasalamat si Haruhi na di siya pinanganak na mayaman.

At teka lang. Gusto niyang si Haruhi ang pumalit na yaya niya? Ew lang naman.

Napansin yata ni Kyoya ang surprise at takbo ng utak niya ng biglang kumunot ang noo nito. "Fujioka, itigil mo nga 'yan. Di ako ang may kailangan ng yaya. As in personally speaking. Para sa alaga ko ito. One year old lang siya at di ko maibaling ang tamang atensyon para sa kanya ngayong nagtratrabaho na ako."

"Pero bakit ako? Mukha ba akong yaya material sa iyo? Nakainsulto yata 'yan eh. Por que mahirap kami di 'yan rason para tratuhin ako ng ganito…."

"Like I said, iba ang takbo ng utak mo sa akin. I didn't necessarily mean to offend when I offered you the job. Pagod nga ako; nasa trabaho ako until five this morning at pagka-uwi ko, sabi na lang ng isa naming maid e umalis na yung yaya nung baby kaya pumunta ako kaagad dito." Kyoya gave her a slightly withering look. "At kung ayaw mo ng trabaho, baka meron kang alam na may gusto noon."

Napa-isip si Haruhi. Mayaman ito, kaya baka malaki ang sweldo. Baka makatulong ito sa pag-aaral niya sa susunod na taon. Pero meron siyang summer classes, and she can't take care of child while learning at the same time.

"Magkano ang sweldo?" tanong na lang niya.

Binigay ni Kyoya ang rate ng dating yaya at napamulagat si Haruhi. It was more than what many professionals earned.

"Pag-usapan nga muna natin ito, Ootori," ani ni Haruhi. "Meron kasi akong klase ngayong summer kaya mahihirapan akong alagaan ang bata."

"Ano bang schedule mo?"

"Monday, Wednesday at Friday ay ten-thirty to twelve ako. Tuesday and Thursday, seven-thirty to twelve. After that, free ako. Hindi ako nag-sign up kasi for other modules at ayaw ko ng weekend classes."

"That should work for us, then. Merong ibang katulong na pwedeng mag-alaga kay baby while you're away but the rest of the time, ikaw ang responsible sa kanya. Meron pa naming isang week bago mag-start ang summer classes mo kaya gamitin natin ito para maging komportable ka in taking care of him. Pero kung di mo talagang kaya na mag-alaga while learning, well, we'll just call it quits, okay?"

Tumango si Haruhi. "Pero bago ko tanggapin ang trabaho, I have one condition."

Kumunot uli ang noo ni Kyoya. "Ano yon?" Diyos ko, sana di siya fan girl ko o baka mamaya ang kondisyon nito ay maging boyfriend niya. Pero di ganoong tao si Haruhi, alam niya. Siya lang yata ang babaeng kilala niya na di na-impress sa good looks, pera, o talino niya. Kaya siguro ay madali niya itong naging kaibigan kahit na mas matanda siya dito.

"Gusto kong makita ang magiging alaga ko."

Napahinga ng malalim si Kyoya sa relief. Yun lang pala eh.

Tumayo si Kyoya sa upuan niya. "Sige. I'll drive you home so you can meet your future ward."

Ngumiti si Haruhi at madaliang inubos ang milkshake niya bago tumayo din. "I can't wait."

--

Kyoya drove them to one of the most expensive residential parts of the city and into a tall ornate building where his condo was. Di makapaniwala na dito nakatira ang binata, but she should have known better. Elevator pa lang ay gold-plated na and the back wall was actually a huge mirror.

Baka para makita ng mayayamang ito kung gaano sila kayaman araw-araw, Haruhi thought snidely.

Napatigil sila sa top most floor ng building and the elevator doors opened to a hallway made of marble and gold. Napatanga si Haruhi sa sheer opulence ng lugar. Kahit na ang init-inti sa labas, maginaw doon dahil sa lakas ng air con.

"Sa aking ang penthouse na ito," sabi ni Kyoya at nagpatiuna sa paglalakad patungo sa isang kwarto. "My father owns the building and he gave me this unit as a graduation gift. At ito ang kwarto ng iyong alaga."

Binuksan nito ang pinto sa isang nursery na ubod ng laki na parang d-in-ecorate ng isang designer. Parang dream nursery ito nga kahit na anong baby at mother. The wall was carefully painted in a soft, pale blue and the floor carpeted in a slightly darker hue. Toys were scattered nearly everywhere but Haruhi noticed that they were all baby-safe ones. There was a small bookshelf in the corner stuffed with baby books alongside a white rocking chair. In a corner lay a white changing table and she didn't doubt that it contained all the necessary baby items known to man. In another corner was a large white closet and drawers, presumably containing all of the baby's clothes.

In the middle of the room was a sweet, white crib with a colourful mobile twirling above while quietly tinkling soothing notes to the serenity of the room.

Nagaalanganing sinundan ni Haruhi si Kyoya sa crib at tumingin.

He was about the sweetest and cutest baby Haruhi had ever seen. Of course, all babies were cute by some natural law that makes pink, tiny wriggling things just about the sweetest creatures on the planet but this baby was more than that.

He had dark, wispy hair that framed its pale face. Suited in pale blue overalls with embroidered yellow ducks on the front, he was sleeping quietly with his mitten-ed hands raised beside his head.

"He's beautiful," Haruhi breathed.

Napangiti si Kyoya pero di bumaling ang tingin nito sa dalaga mula sa bata. Nakita ni Haruhi ang pure adoration na naipinta nito sa mukha. Mahal na mahal ng binata ang baby, that much Haruhi could tell.

"May I hold him?" she whispered. In reply, Kyoya picked the child up gently and laid him in Haruhi's arms. The baby opened one eye sleepily long enough for Haruhi to catch a hint of a sky blue before closing again. He whimpered before snuggling further in Haruhi's arms. She was enchanted and breathed in the baby's soft scent.

Binalik niya ang bata sa crib at hinaplos ang bumbunan nito. Di niya napansin ang tingin na ibinigay sa kanya ni Kyoya. It was thoughtful and silently amused at the same time.

Lumapad ang ngiti ni Haruhi. Nakapagdesisyon na siya.

Nang makalabas sila sa kwarto ng bata, ang unang nasabi ni Haruhi ay, "So, saan ako magpipirma ng kontrata?"

--

Sermon ang naabutan ni Haruhi ng maka-uwi siya noong hapong iyon. Galit na galit at alalang-alala si Ranka at Mei sa kanya buong araw daw at inakalang ni-rape o k-in-idnap na siya.

"Itay, Mei, pwede ninyo ba akong tulungan na mag-empake?" tanong niya, bingi sa mga sermon nila.

Biglang sumaya ang dalawa.

"Nagbago na ang isip mo at sasama ka nang magbakasyon sa amin sa bukid? Maraming papa daw doon!" sabi ni Mei.

"Hinde." Malaki ang ngiti ni Haruhi habang naghahanap ng maleta. "Meron na akong trabaho."

Pero di nakikinig si Ranka.

"Haruhi, nasaan ang suka? Binigyan ako kanina ng kapitbahay natin ng singkamas."

Napatigil si Haruhi. Naiwan niya ang kanyang isang litro ng Datu Puti sa kotse ni Kyoya.

Ay tanga.

--

Makukuha kaya ulit ni Haruhi ang kanyang suka? Madi-discover na kaya ni Aling Nena ang gamit ng Rexona? At bakit ang pangit ng Pilipino ng manunulat na ito? Iyan pa at maraming sagot na malalaman sa susunod na kabanata….

--

A/N: Hehehe. Ang pangit talaga ng Pilipino ko. Sensya na at ang huling time na nagsulat ako ng Pilipino ay yung essay ko sa Pilipino tungkol sa gamit ng ball pen yata tatlong taon na ang nakalilipas. Na-inspire lang ako kasi ng isang Pilipino writer na si syaoran no hime. Hehehe. So credit all goes to her! Go read her fics, stat! Ito sana yung pr-in-omise ko sa The Submission of Haruhi Fujioka pero nawala ko yung file at di ko na maisip ulit ang nasulat ko. Pasensya na talaga. Di sana ako itakwil at ikahiya ng mga Pilipino readers and other writers dito 'pag nabasa nila ito.

Disclaimer: Hinulog ako ni Haruhi sa Mt. Pinatubo nung sinabi ko na sa akin si Kyoya.