-12/?

"Tangina…." angal ni Haruhi.

Sino ba naman ang di aangal 'pag wala pang isang araw sa trabaho e gusto na niyang sabihing quits?

Nung dumating siya sa condo ni Kyoya kagabi, akala niya kuku in siya ng binata mula sa bahay. Kaso nga lang, nag-overtime ang gago sa trabaho at sabi na di niya kayang umalis at merong emergency yata sa opisina. Kaya napilitan si Haruhi na umarkila ng taxi at magbayad ng malaki dahil na-okupa niya ang buong kotse.

"Kung di ako babayaran dito ni Kyoya ay langya, maghahalo ang balat sa tinalupan…" pangako niya.

Hindi pwedeng pumasok sa eksklusibong villa kung saan nakatirik ang oh-so eksklusibong condo ng mayamang snabero kaya napilitan ulit ang dalaga na ikaladkad ang kanyang maleta na pagkabigat-bigat papunta sa milaking building. Merong gulong nga ang maleta niya, kaso, maliit na nga siya, ang laki-laki pa ng maleta na napili niya kaya nahirapan siyang ibalanse ito.

At dahil meron yatang isang milaking kasalanan si Haruhi kaya biglang umulan at nagmukha siyang basang sisiw ng macerating siya sa building ni Kyoya. Buti na lang at namukaan siya ng guard at reception (hanep talaga at may receptionist pa, parang hotel) kaya madali siyang nakapasok. Meron na ring palang bilin na iniwan si Kyoya na papasukin siya kapag nakarating na.

Naawa yata ang isang katulong na lalaki sa kanya kaya ito ang nagprisinta na magdala ng maleta niya pataas sa elevator.

Isang maasim na mukha ang sumalubong sa kanya 'pag bukas ng elevator doors. May katandaan na ito, at parang living relic mula sa WWII. Ito yata ang sinabi ni Kyoya na isa pang katulong niya. Saan kaya napulot ng binata ito? Sa isang museum?

"At sino ka? Di kami tumatanggap ng palimos," sabi ng supladang katulong.

Pinuwersa ni Haruhi na ngumiti na lang. "Pasensya na po. Umulan po kasi kanina at nakalimutan ko po ang paying ko. Ako po ang bagong yaya sa alago po ni Sir Kyoya. Nabanggit na po ba niya ako sa inyo…po?" Sir Kyoya, my ass.

Mas lalo yatang kumunot ang noo nito bao in-up and down ang dalaga.

Umingos ito. "Hmph. Akala mo na maloloko mo ang aking boss? Hoy, babae ka, hindi uubra ang iyong binabalak! Di mapapasa'yo si Sir Kyoya! Di siya papatol sa isang katulad mo. Kaya, alis at huwang ka nang babalik dito!"

Biglang dumilim ang tingin ni Haruhi. Aba, antipatika! Kahit na mas matanda ito sa kanya, di mapapayagan ni Haruhi na tapakan na lang siya basta nito. Por que mas matagal na ang serbisyo nito sa binata, di ibig sabihin na pwede siyang itapon nito na di nalalaman ng kanyang future amo. At ang di matanggap ni Haruhi ay pinagkamalan siyang gold digger na gagamitin ang guture alaga niya para makuha si Kyoya! Mahirap lang sila pero di siya ganoon kadesperado ano!

"Pasensya na po," sabi ni Haruhi pero malamig ang kanyang tono at paningin. "Pero di po ganyan ang gusto kong mangyari. Wala po akong interes kay Kyoya, at hanggang kaibigan lang po ang tingin ko sa kanya. Siguro po ay sanay na kayo sa mga babaeng ganyan ang asta sa inyong amo pero ibahin ninyo po sana ako. Ang interes ko lang talaga ay alagaan ang bata. 'Yan lang po. Kung di po katangang-tanggap ang pagiging empleyado ko sa inyong amo, kausapin ninyo po si Sir Kyoya bago kaya magsalita ng ganyan.

"Kaya please lang po, papasok ako at umuulan sa labas. Naubos na ang pera ko at wala na akong pambayad sa taxi."

Sa laking gulat ni Haruhi, biglang ngumiti ang matanda.

"Kyoya, narinig mo iyon?" sabi nito.

Bago mkapag-react ng tama si Haruhi, lumabas si Kyoya mula sa isang kwarto malapit sa kinatatayuan nila.

Malaki ang ngiti nito.

"Rinig na rinig ko," sabi nito at sobrang nakakaloko ang ngiti nito.

Biglang gusto ni Haruhi na umatake.

"Walanghiya ka!" sigaw ni Haruhi, punong-puno na. Kung balde siya, overflowing with water, men, na siya! "Sabi mo nasa trabaho ka at di mo ako makuha sa bahay, kaya kumuha pa ako ng taxi na pagkamahal-mahal, feeling ko parang hinoldap ako. At ngayon, umulan pa."

Di mapigil ni Kyoya ang ngiti sa kanyang labi. Grabe palang magalit ang dalaga. Ayos, mabuti pala ang desisyon niya na kunin ito bilang yaya.

"Relax ka nga, ang tense mo, sobra," ani Kyoya at hinila siya papasok sa unit. "Si Marta na ang bahala sa bagahe mo." As if on cue, kinuha ng matanda ang maleta sa kanya at walang kahirap-hirap na hinila ito siguro sa kwarto na gagamitin yata ni Haruhi. Napamulagat si Haruhi. Dapat di nito kayang gawin iyon! Ampeyr sa mundo!

Tinulak ni Kyoya si Haruhi sa isang napakalaking kwarto--ang Master Bedroom ng penthouse. Simple lang ang design dito, di kagaya ng sheer opulence na naka-display sa ibang parte ng penthouse. Ang colour theme ng kwarto ay black, navy blue, and silver. Pati furniture nito ay itim ang kulay.

Binuksan ni Kyoya ang isang pinto. Haruhi took a peek inside the en suite, completely boggled at the sheer minimalism. Naptingin ang dalaga sa binata. Kahit siguro mayaman ito at extravagant sa karamihan, simple lang talaga ang tastes nito at ang pruweba ay ang kwarto nito.

"Maligo ka muna, Haruhi," sabi ni Kyoya. "Gamitin mo muna ang banyo ko at ang tatlong banyo dito ay di magamit. Meron kasi akong bisita kahapon at may fl-in-ush ito na di nakaya ng pipes ko. Bukas pa aayusin nga eh."

"Pero mga damit ko…"

"Kukunin ni Marta ang mga kailangan mo at ilalagay niya sa kama. Feel free to use the towels and everything here except my razor and toothbrush. Ayoko mag-share ng germs." Haruhi shot him a glare. "Ilagay mo lang ang twalya sa hamper sa ilalim ng sink."

"Dali na at para Makita mo na ang alaga mo. Gigising na ito mamaya at para makapag-hapunan na tayo."

Biglang nag-agree ng napakalakas ang tiyan ni Haruhi sa 'hapunan'. Mas lalong ngumiti si Kyoya.

"See?"

At bago pa makapag-react si Haruhi, umalis na itong bigla.

Nakita ng dalaga ang isang bote ng mukhang mama haling body gel. Ang lapad ng ngisi ni Haruhi.

--

By sheer willpower, nahanap at last ni Haruhi ang kitchen. Suot niya ang isang napakalaking t-shirt at jogging pants na tinali niyang mabuti sa kanyang maliit na balakang at tinupi ng ilang beses ang dulo nito para makita lang niya ang kanyang paa. Salamat na lang at suot niya ang kanyang sariling underwear.

"Nasaan ang damit ko?" tanong niya sa binata na nakaupo sa mesa at absorbed na absorbed sa laptop nito.

"Basa karamihan ang mga damit mo kaya nilagay ni Marta sa dryer. Kunin mo mamaya at plantsahin pagkatapos mong mapakain si baby," sabi ni Kyoya. "Kaya pin Hiram muna kita ng mga damit ko. Meron nai-salba na underwear mo."

"Ah, okay. So…care to explain why I was grilled so horribly back then?"

Sinara ni Kyoya ang laptop nito at tinignan ang dalaga.

"Pasensya ka na doon. Matagal ko na kasing employed si Marta. Siya ang nag-alaga sa akin nung bata pa ako at nung lumipat na ako mula sa ancestral home namin ay siya ang pumilit na maging kasambahay ko ngayon. Kaya pamilyar siya sa mga babae na dumaan sa buhay ko. Sad to say but most of them are just as what she described." Walang saya ang ngiti nito. "At di siya bilib sa sinabi ko na ang intensyon ko lang ay ang maging yaya ka ng alaga ko. Kaya ini-stage naming yun kanina."

Tumango si Haruhi. "Fair enough. Pero napabilib ko ba siya?"

Dinabog ni Marta ang plato pritong daing na bangus sa harap ni Haruhi.

"Di pa ko sure, pero kung nakita ko na ang atensyon mo ay ang sa bata at di kay Sir Kyoya, baka tumagal ka pa," ingos nito at bumalik sa kusina.

"Wow, overprotective much," sabi ni Haruhi. Tumaas ang respeto ni Haruhi para sa matanda.

Tumawa si Kyoya. "Sabi ko sa iyo. Tatlo ang anak niya, at si ama ang nagpa-aral sa kanila kaya mahal na mahal niya ang pamilya ko."

"Nga pala, Haruhi," sabi ni Kyoya bigla, at naglabas ng calculator. "You owe me five thousand yen for the use of my toiletries, add to that rental for the use of my clothes, but since it wasn't really your fault, may discount ka, kaya ang total mo ay…six thousand, five hundred yen. Kung wala kang pambayad ngayon, kuku in ko na lang sa sweldo mo ngayong buwan."

"Aba…!" walang masabi si Haruhi. "Hoy, di naman 'yan tama ano! Limang libo para lang sa shampoo at shower gel? Anong klaseng kalokohan iyan?"

Ngumisi si Kyoya. "ClarinsMen iyon, syempre mahal. Di mo ba nakita ang label?"

Stupid narcissistic idiot! Sigaw ni Haruhi sa loob-loob niya. Mas babae pa yata ang gagong ito sa akin…. Bakla kaya? Explains a lot. Kaya siguro walang girlfriend.

Nag-iba ang tingin ni Haruhi, from angry to questioning.

Merong isang malakas na iyak ang bumasag sa katahimikan at tumalon si Haruhi. Saan iyon galing?

Kinuha ni Kyoya ang baby monitor sa tabi ng laptop nito. "Gising na si baby Kyo. Kunin mo na siya para makakain na tayo."

Without another word, tumayo si Haruhi at pinuntahan ang nursery. Alam na niya kung saan ito at binuksan ang pinto.

Kinuha niya ang bata sa crib nito at inalo, Sumas yaw-sayaw at naghu-hum.

"Shh…tahan na…."

Sa gulat ni Haruhi, tumahimik ang bata. Usually 'pag bago ang tao na nagkakarga sa bata ay di ito titigil sa pag-iyak hanggang nahawakan ulit ng kilala nito.

"Well-behaved baby ka pala, Kyo." She held him at arm's length and snuggled her face in his sweet neck when he blew a raspberry at her. "Nice to meet you, Kyo. Ako ang bago mong yaya, si Ate Haruhi! Pray lang natin na tumagal ako sa trabaho ko, okay?"

Kyo gurgled cutely, cooing, "Haru…"

Haruhi laughed in delight. "Ang talino mong bata ka! Tama ka! Gutom ka ba? Ako gutom na gutom na. at kakain ako ng malaki dahil bwisit ang guardian mo at wala pa akong isang oras sa trabaho ay anlaki na ng bawas sa sweldo ko."

Parang tumawa si Kyo.

"Ay dyaske kang bata ka…tawanan ba naman ako…."

--

Sa tabi ng nursery ang kwarto ni Haruhi. Kalahati lang ito sa laki ng nursery pero okay lang ito sa dalaga. Komportable ang kama, may desk siya at cabinet. Ang tanging pinto nito ay nasa nursery.

Maraming nakain si Haruhi sa hapunan while alternating on feeding Kyo his Cerelac. Enjoy na enjoy ng bata ang atensyon sa bagong kasama at tuwang-tuwa naman si Kyoya sa interaksyon ng dalawa.

Nang napaliguan na niya at napalitan ng damit at lampin ang bata ay natulog na ito kasama ang musical mobile na naka-hang sa taas ng crib nito.

Naplantsa na ni Haruhi ang mga damit niyang nabasa at naitago na kasama ng iba niyang gamit sa cabinet. Nasa laundry room pa rin ang maleta niya at basing-basa pa rin ito.

Ngayon, dahil sa pagod, gusto na ni Haruhi na walng gawin kungdi ang matulog ng matagal.

After making sure that she had the baby monitor on at her bedside, ready na siya na matulog ng may kumatok ng mahina sa pintuan niya.

Si Kyoya ang pinagbuksan niya.

"Kyoya…."

"Shh…pumunta lang ako dito para magsabi ng goodnight kay baby." Pumasok ito sa kwarto niya at sinara ang pinto. "Madaling magising ang bata," explanation nito. "So, ano sa tingin mo? Kaya mo ba?"

"Well-behaved at matalino si Kyo. Sa tingin ko kaya ko naman." kumibit-balikat ang dalaga.

Tumango si Kyoya. "Okay, maaga akong aalis bukas sa opisina kaya ikaw ang bahala sa kanya. Tutulungan ka ni Marta bukas pero sa hapon ay kailangan niyang puntahan ang kanyang mga apo na may kalayuan dito."

"Okay lang. Nasa nursery lang naman ang lahat ng kailangang ng bata. Kung meron mang talagang problema ay tatawagan na lang kita sa opisina mo, okay lang ba iyon?"

"Oo, ibibilin ko sa secretarya ko na agad kang i-connect sa akin kung tumawag ka."

"Ano ang full name ni Kyo?"

"Kyosuke. Ina niya ang nagpangalan sa kanya."

"Ikaw ang ama?" Gulat na gulat na tanong ni Haruhi.

"Gaga. Di ako. Ama niya ang kaibigan ko. Patay na ang ina niya. Kaya habang nasa malayo ang ama, ako muna ang mag-aalaga."

"Pero di ba parang unfair sa iyo na ikaw ang nagsalo sa kanilang dalawa?"

Kyoya shook his head. "I don't mind. I love having Kyo around and having someone to come home to instead of just Marta or an empty apartment. Napamahal na sa akin ang bata at kung bumalik man ang ama niya at kunin siya, alam ko na baka di ko makaya. Parang anak ko na siya, eh."

Namula si Kyoya parang di nito in-expect na lalabas sa sarili niyang bunganga ang nasabi niya. He coughed to mask his discomfort. Pangiti-ngiti si Haruhi, masaya na may na-doscover siyang bagong side sa kanilang 'heartthrob' sa university. Sinong mag-aakala na may weakness pala ito sa mga bata?

Rich, handsome, intelligent, and father material. Hunted to extinction na ang type niya. Mas lalo siyang pagaagawan ng mga babae 'pag nalaman nila ang panghuling feature niya.

Binasag ni Kyoya ang pagmumuni-muni ni Haruhi.

"Besides, ngayon pati ikaw na ang nandito para i-welcome ako pag-uwi ko. Feeling ko complete na ang pamilya ko."

Grabeng namula si Haruhi.

--

Nasa eternal menopausal stage ba talaga si Yaya Marta? Bakla ba talaga si Kyoya? At sino ang kumain sa huling Oreo ko? Abangan ang susunod na kabanata ng…Mula sa Full House ng Puto Frog Prince Stairway to Meteor Garden.

--

A/N: An dami kong natanggap na request na I-translate ito, pero tinatamad ako, at cascading maraming Filipino references dito na di rin nila siguro maiintindihan, kaya…oh, well. Maraming salamat sa mga bumasa ang nag-review! Eto na ang susunod na kabanata! Inigihan ko ito. XD Haruhi's hell starts!

Disclaimer: Hinabol ako ni Marta ng bolo ni Bonifacio ng sinabi ko na sa akin si Kyoya.