Isang umaga sa isang mala-palasyong bahay..

"Tita, sinabi ko nang ayokong mag-aral dun eh! Bakit ba ayaw mong makinig?", sigaw ng 17 year old na si Haruno Sakura.

"Sakura! Ang mommy at daddy mo ang pumili ng university na yan! Wala kang karapatang umangal!", sagot naman ng kanyang tita.

"Arrrgghh!", padabog na umalis si Sakura at nagtungo sa kanyang kwarto.

"Hayyy.. ano bang gagawin ko sa batang 'to..", bulong ng kanyang tita, habang pinagmamasdan ang kanyang pamangking nagdadabog paakyat.


"Madam, may tawag po kayo..", wika ng isang katulong sa tita ni Sakura.

Kinuha niya ang telepono..

"Hello."

"Hello, Shizune.."

"Oh, Ate, musta naman dyan sa London?"

"Shizune, wala akong panahon makipagkwentuhan.."

"..."

"Napapayag mo na ba si Sakura na doon nalang mag-aral?"

"Ahh.. tungkol doon.."

"Wag mong sabihing hindi mo parin siya napapayag? Ano ba kasi nangyari.. akala ko pa naman pumayag na siya nung una?"

"Ah, kasi, Ate, noon sinabi ko sa kanyang sa UK siya mag-aaral, na-excite siya.. at yun nga yung kinuwento ko sa'yo noon.."

"Kaso?"

"Kaso, akala pala niya.. yung UK, sa United Kingdom.. alam mo na, abroad.. hindi pala niya na-gets na.. University of Konoha yun..."

"ANO?"

"Ate.. wag ka naman sumigaw.."

"Pano naman ako hindi sisigaw.. hayyy.. basta kailangan mapapayag mo si Sakura na sa Konoha nalang mag-aral."

"Opo Ate."

"-dut-dut-dut-"

Binaba ni Shizune ang telepono.

"Pano na 'to..", isip niya.


sa kwarto ni Sakura.

"Ino, I can't believe na doon ako pag-aaralin ni mommy, I mean, hello, ang yaman yaman namin, tapos sa Konoha U lang ako mag-aaral, Oh my God, I'm gonna be sick..", sabi ni Sakura habang nakahiga sa kanyang mamahaling sofa, kausap ang bestfriend niyang si Yamanaka Ino sa telepono.

"Girl, what's wrong ba kung sa Konoha U ka mag-aral?"

"Helooo, Konoha U is only for those interested in studying.."

"Helllooooo ka din, Konoha U is for those who are capable of handling an advance curriculum. Ang tali-talino mo, sinsayang mo lang sa kalandian.. "

"I don't care about curriculums! Mas gusto ko sa school nyo, sa Suna Academy. I'm sure na my mommy can afford the tuition there, bakit kasi sa Konoha pa.. nung una, akala ko sa UK, as in, UK, abroad, eh University of Konoha naman pala yung napasok ko."

"Sabagay, kasalanan mo rin yan girl, payag ka kasi ng payag, nakarinig ka lang ng UK, abroad ka agad."

"Ino, kanino ka ba kampi?"

"Hayy.. sige na Sakura, mali na ang mommy mo sa pilit sa'yong pumasok sa isang school na hindi mo gusto, okay?"

"Finally!"

"Pero mali ka rin, kasi sasayangin mo lang ang talino mo. Kung yung grades ko nga umabot sa requirement ng UK, dun na ko mag-aaral..."

"Hayy.. sige na nga, later nalang, bye."

at ibinaba ni Sakura ang telepono.

Tama nga naman si Sakura, afford naman nila ang Academy, saksakan yata ng yaman ang pamilya nila, pero sayang naman yung opportunity sa sa Konoha University mag-aral. Yan si Sakura, mayaman, maganda, matalino, pero maarte, maingay, mareklamo, at laging inuuna ang kung anu-anong kalandian, bago ang pag-aaral. Mababaw lang ang kaligayahan, at napakaVAIN.

Nag-sigh si Sakura at tumayo.

"Yaya! Pakihanda naman yung pampaligo ko!", sigaw niya.

"Opo senorita", mahinang sagot naman ng katulong nila Sakura.

Buhay mayaman nga naman.


Sa isang malayong mansion naman...

"Nakapasa ka pala sa Konoha U.", sabi ng isang Uchiha Itachi sa kanyang nakababatang kapatid.

"Hn.", iyon lamang ang sagot ng kausap ni Itachi.

"Alam kong hindi mo gusto ang pagpasok sa university.."

"Hn. si dad lang naman may gusto nito diba?"

"Anong ako?", sagot ng isang boses na hamak mas mababa sa boses ng dalawang Uchiha.

"Dad, alam mo namang ikaw lang ang may gustong sa Konoha U ako diba?", malamig na sabi ng nakababatang Uchiha.

"Kasi walang mangyayari sa'yo kung ikaw ang papipiliin ng school." naiiritang sabi ng kanilang ama.

"Hn.", tanging sagot ng kanyang kausap.

"Sasuke, sumagot ka nga ng maayos.", utos ng kanilang ama, sa isang kalamdong tono.

"Ewan ko sa'yo.", iyon na ang mga huling salita ng nakababatang binata bago ito lumabas ng Uchiha Mansion.

Eto naman si Uchiha Sasuke, gwapo, matalino rin, kilalang varsity player ng basketball noon, mayaman, kaso nga lang, masungit, snob, tahimik, at bihirang maglabas ng kanyang mga nararamdaman. Bihirang ngumiti at lalong bihirang tumawa.

Naglakad si Sasuke patungo sa garden ng kanilang mansion, ang kanyang mga kamay ay nasa loob ng kanyang mga bulsa. Tumingin siya sa kalangitan.

"alam niyo naman kung saan ko gustong mag-aral.", isip ni Sasuke.

-flashback-

"Okay, guys! Next year, sa Kiri Academy tayo, ang number one sa college basketball ngayon, at ang pinakamagandang chance nating maging mga professionals.. walang babagsak sa exams ha!", sigaw ni Uzumaki Naruto sa kanyang mga kabarkada.

"Oo ba!", sigaw ng lahat, maliban kay Uchiha Sasuke.

"Oh, Sasuke, parang ang tahimik mo...", sabi ni Neji.

"Hindi ako... sa Kiri mag-aaral..", bulong ni Uchiha.

"Ano?", sigaw ng lahat.

"Akala ko ba sa Kiri tayo? HIndi ba ikaw na ang nagsabi, basketball ang buhay natin.. diba?", tanong ni Kiba, nagsimula nang maglakad papalayo si Sasuke.

"Hoy, Uchiha! Hindi mo kami pwedeng iwanan ng ganito lang! Ikaw ang nag-inspire samin na sa Kiri nalang mag-aral.. mali.. ikaw pala ang dahilan kung bakit sa Kiri kami mag-aaral, tapos iiwan mo kami.. Akala ko ba magiging buo parin ang team natin, Captain?", sigaw ni Naruto.

"Akala ko rin..", sagot ni Sasuke, at tinuloy na ang paglalakad.

-end of flash back-

"Guys... sorry..", bulong ni Sasuke.


-sa loob ng Uchiha mansion-

"Itachi, kausapin mo yung kapatid mo ha.", utos ni Uchiha Fugaku sa kanyang panganay na anak.

"Dad, alam naman natin na basketball talaga ang gusto ni Sasuke diba?", sagot ni Itachi.

"Walang mangyayari sa kinabukasan niya kung magiging varsity player nalang siya! Pano niya patatakbuhin ang kompanya?"

"So ano, itutulad nyo siya sa kin? Pag-aaralin sa university, Pipilitin siyang bitawan ang mga hilig niya para sa pera nyo?", galit na tanong ni Itachi.

"Itachi."

"Sorry dad, pero hindi ko hahayaang magaya sa kin ang kapatid ko."