Pagtatapos.


"Oh, ano pang tinatayo-tayo niyo diyan? Nandito na sila Neji, Antagal niyo mga pre!", naiiritang tawag ng isang blondie sa dalawang taong tulala sa pinto ng kanilang dorm.

"Oy, Sasuke. Antagal.", mas mahinang sabi naman ng isang binatang mala-pinya ang buhok na si Shikamaru, pero mukhang kahit anong pagtawag pa nila, hindi din mapapaaga ang paggalaw ng mga batang tulala.

Binuksan ng blondie ang likod ng itim na sportscar sa driveway at inilagay ang 3 bagahe na may iba't-ibang kulay. "Tignan mo tong mga to, gawin ba naman akong katulong. Nako, kung hindi ko lang talaga mahal tong si Sasuke eh.", pabulong niyang reklamo.

"Easy lang Naruto, nagpapakasenti pa yung dalawa eh. Bayaan mo na muna.", nakangiting sagot naman ng kasamahan nilang may maikling buhok na kulay tsokolate.

"Kiba naman, antagal na oh. 8 minutes and 35 seconds na silang tulala.", sagot naman ng tinatawag nilang si Naruto.

"Aba, marunong ka pala magbilang ng ganun.", pang-aasar naman ng kadarating lang na si Hyuga Neji.

"Weh Neji, naiinip na ko eh!", reklamo pa ni Naruto.

"Mabuti pa eh maglaro muna tayo.", at out of nowhere, naglanding sa mga kamay ni Naruto ang isang silver na PSP. Lumingon siya sa pinanggalingan ng laruan, at ayun, nakita niya si Tenten, na nakaupo sa loob ng convertible ni Neji. As usual, nakatali nanaman sa dalawang pusod ang mahabang buhok ni Tenten.

"Sus, talo ka naman eh.", nakangising sabi ni Naruto.

"Pinagbibigyan lang kita Uzumaki.", at nagsimula nang maglaro ang dalawa. Panandaliang natahimik si Naruto.

Pagkatapos ng ilang minuto, dumating naman ang isa pang sports car na kulay asul, sakay-sakay ang dalawang dalaga. Isang blondie na may mahabang buhok at isang may kulay asul na buhok. Si Ino at si Hinata.

"Uhm, sina Sakura-chan?", tanong ng dalagang blondie kay Shikamaru na ngayo'y abala sa panonood ng mga ulap.

"Andun. Nagpapaka-senti pa.", malamyang sagot naman ni Shika.

"Kanina pa ba sila?"

"Oo eh."

"Ay ganun. Sige po Kuya.", at tinuon na ni Ino ang pansin niya sa cellphone niya. Si Hinata naman, busy sa pakikinig sa iPod niya.

Doon naman sa dalawang bata.

"Mamimiss ko talaga tong dorm natin..", bulong ni Sakura katabi niya.

"Ako din naman eh.", sagot naman ni Sasuke.

"Kahit na alam kong babalik pa tayo dito, eh parang ayokong iwan eh."

"Bakit naman?"

"Eto kasi yung bahay namin ni Sasuke ko.", nang marinig ni Uchiha yun, kinurot niya agad ang pisngi ni Sakura.

"Oh bakit?", pag-angal naman ng dalaga.

"Ang landi mo kasi. Dami mong alam.", Naka-smirk na sagot ni Sasuke.

"Aba, mas malandi ka kaya! Sino ba yung may pakwintas-kwintas pang nalalaman?", at kinurot din ni Sakura ang mukha ni Sasuke.

"Hn."

"Ay nako. Ito talagang boypren ko. Ano kayang regalo mo sa 1st anniversary naten? Malapit na oh.."

"Kotse gusto mo?", tanong ni Sasuke nang bigla siyang sinugod ng kung anu mang nilalang.

"AKO TALAGA NAIINIP NA!", at bigla nalang sumingit ang boses ni Naruto sa moment ng dalawa. Dinakma ni Uzumaki ang kawawang si Sasuke at bumagsak sila sa lapag.

"ANO BA NARUTO! ANO BAAA?", sigaw ni Sasuke.

"ANTAGAAAAAL NIYOOOO!", mas malakas na sigaw naman ni Naruto. Natawa si Sakura sa dalawa.

"Pasensya na ah? Wala lang, ayoko lang iwan tong bahay eh.", natatawang sabi ni Sakura sa dalawang magkapatong sa simento ngayon.

"Ayun lang ba Sakura? May solusyon na ako dyan!", at ngumiti ng pagka-laki-laki si Naruto. Tumayo siya agad at dinukot ang cellphone niya mula sa bulsa ng maong niyang kupas.

CLICK.

At kinuhanan niya ng picture ang dorm nila Sakura.

"Ayan, parang kasama mo na palagi yang dorm niyo.", sabi ni Naruto habang pinapakita kay Sakura ang cute niyang picture.

"Loko ka talaga.", natatawang sabi ni Sakura. "Tara na nga."

At tinulungan ni Sakura na bumangon si Sasuke.

"OLRAYTT! TARA NAA!", sigaw ni Naruto habang tumatakbo papunta sa mga kotseng nakaparada sa drive way.

"Crush mo ba talaga tong si Naruto?", bulong ni Ino kay Hinata. Naging kulay kamatis ang dalaga.

"A-ah e-eh Ino.. shhh...", mahina niyang sagot pagkatapos ay tinakpan niya ang kanyang mukha.

"Hinata naman eh. Biro lang. Cute siya, aminin ko yun. May taste ka ate."

"Sinong cute?", biglang sabi naman ni Tenten at agad na sumakay na sa kotse nila Hinata.

"Ah, w-wala..", bulong ni Hinata.

"Ano ba yan Hinata, bat si Ino alam niya, may pinagsamahan din naman tayo ah?", sabi naman ni Tenten with matching puppy dog eyes.

"Si Naruto.", natatawang sabi ni Ino at lalo pang nagblush si Hinata.

Ayos diba? Magkaka-school mate pala itong tatlong to. Dahil kay Sakura, nagkakilala sina Ino at Hinata, pati si Tenten na bestfriend noon niHinata, kaclose na nila.

"SHIKAMARUUU! AALIS NA TAYOO! WAG KA NA MATULOG!", sigaw naman ni Kiba mula sa kabilang sportscar.

"SHIKAMARUU!", dagdag pa ni Naruto, pero hindi man lang natinag si boy pinya na mahimbing na ang tulog.

"Shikamaru. Gising na.", mahinang sabi naman ni Neji sabay buhos ng tubig.

"AAAAAAAAAAAHHHHHHHHH!", at nagising na din si Shikamaru.

"Sasuke, dun na ko kanila Hinata, okay lang?", pagpapaalam ni Sakura sa boypren niyang kapapasok lang sa kotse niya.

"Dito ka.", sagot naman ni Sasuke in monotone.

"Sige na?"

"Dito ka nga."

"Please?"

"Hindi."

"Sige naa."

"Hindi nga."

"Bakit ba?"

"Gusto ko katabi kita."

"Sasuke naman eh. Araw-araw mo naman akong katabi ah? Kulang nalang pati sa cr tabihan kita. Eto nalang dalawang to oh. Magbonding kayo.", at hinila ni Sakura sina Kiba at Naruto papasok sa kotse ni Sasuke. Sinara niya ang mga pinto at tumakbo papunta sa kotse nila HInata.

"Oy, SASUKE! ROAD TRIP PARE, MASAYA TO!", sigaw ni Naruto in happiness.

"OO NGAA! WOOOOO.", sigaw pa ni KIba.

"Hn. Ingay niyo.", naka-smirk na sabi ni Sasuke at nagsimula nang ilabas ang kotse niya mula sa pagkakagarahe.

"Sakura.", tawag ni Shikamaru sa dalagang kasasakay lang sa violet na convertible ni Hyuga.

"Hm?"

"Salamat, tahimik kami ngayon dito.", nakangiting sagot ni Shika at nagtawanan ang mga babae.

"Ang cute niya no, Ino?", pang-aasar ni Tenten nang mapansin niya na grabe makatingin si Ino.

"Che. Neji ka lang eh.", at nagtawanan uli sila.

At doon, isa-isa nang naglabasan ang mga naggagandahang kotse mula sa grounds ng Konoha University.

Bakasyon na. Matagal-tagal din bago babalik sina Sakura at Sasuke dito.

"Waaa. Miss ko na agad K.U.", bulong ni Sakura habang nasa byahe na sila.

"Oh, akala ko ba ayaw mo dito sa Konoha U. Ba't naman feel na feel mo yung dorm niyo?", tanong ni Ino habang nagmamaneho.

"May sentimental value tong lugar na to no. Dami kayang nangyaring life-changing events dito.", natatawang sagot ni Sakura.

Nagtawanan ang lahat.

"Atsaka.. syempre.. ewan.. basta.. masaya ako at dito ako pinasok ni Mama. Masaya ako kasi sa Konoha U ako napunta.. natuto ako ng kung anu anong bagay. Tsaka dito ko nakilala ng sobra si Sasuke."

"OO NA! MAY SOBRANG HOT KANG BOYFRIEND HABANG AKO WALAAA!", sigaw ni Ino.

"Hot naman si Shika ah. Dun ka nalang.", bulong ni Tenten, at nagblush ang blondie.

"Loko talaga kayo.", sabi naman ni Hinata.

"Salamat talaga at sa Konoha University ako napunta. Salamat talaga.", isip naman ni Sakura sa sarili niya habang nakatitig sa itim na sportscar na tumatakbo sa tabi ng convertible nila.

Nagulat nalang si Sakura nang bumukas yung bintana ng kotse.

"SAKURAAAA! YUNG SYOTA MOO! PAPATAYIN DAW KAMI PAG DI KAMI TUMAHIMIK!", sigaw ni Naruto mula sa bintana.

"SAKURAAAA! AYOKO PANG MAMATAYYY!", sigaw naman ni Kiba na pinilit namang makisiksik sa bintana ng kotse.

"ISARA NIYO NGA YANG BINTANAA! IBABANGGA KO TO!", sigaw ni Sasuke mula din sa loob at biglang binilisan ang andar ng kotse. At sumunod naman si Naruto agad.

"Baliw netong mga to oh.", bulong ni Sakura.

Pagkatapos ng ilang oras na puno ng ingay, asaran, away, tulog, at pagkaen, dumating na din sila sa kanilang destination at isa-isa nang nagbabaan ang mga tao, maliban nalang sa isa.

"Si Sakura?", tanong ni Sasuke kay Tenten.

"Tulog pa.", sagot naman ni Tenten sabay turo sa kotse.

Sakura's POV

Ang ganda ng mga bulaklak... Ngayon lang ako nakakita ng gantong kulay ah.. Dark blue...

Parang yung buhok ni Sasuke...

Teka.. bakit parang lumulutang ako?

Hindi kaya...

Naaksidente kami at...

Patay na ko?

End POV

"PATAY NA BA KO!", biglang sigaw ni Sakura.

"Oy, wag kang sumigaw.", sagot naman ng binatang may buhat sa kanya.

"Nasan ba ko? Ba't buhat mo ko ha Uchiha? Close ba tayo?", sigaw pa ni Sakura.

"Oo na, I love you Sakura ko.", at natahimik si Sakura bigla.

"Tignan mo.. mas malandi ka talaga...", bulong ni Sakura habang nagba-blush.

"Tch. Nandito na tayo. Dun nalang tayo sa loob mag-away.", pabirong sabi ni Sasuke.

"Oh, Sasuke? Nandito na ba tayo?", gulat niyang tanong.

"Oo, dito na.", at ibinaba niya si Sakura para makita ang lugar.

Natulala si Sakura nang makita niya ang mala-mansyon na resthouse ng mga Uchiha.

"WOOOO. BAKASYON NAAA! WALANG NANG PASOK! WALANG NANG SCHOOOOOL! WALA NANG UNIVERSITY! WALA NA SI MAM ANKO-SUNGIT! WALA NA YUNG MAANGAS NA BABAE SA FIRST PERIOD KO! WALA NANG ASSIGNMENT! WALA NA YUNG MUKHANG EWAN NA JANITOR NAMIN! WALA NAA-"

"Naruto. Ingay mo.", sabay-sabay na pagputol naman ng lahat.

END.