INIHAHANDOG NG

The Prince of Tennis Fanfictions

Sa Pakikipagtulungan Ng

Studio Cabrera

Ang...

Princess Idol

(formerly Kaoru and Kaoru's Circumstances)

Ni: BEAFSTAKES

Disclaimer: Hindi akin ang PoT. At hindi rin ako nang-aangkin ng kanta ng iba. Asa na lang kayo kung marunong akong mag-Nihongo para gumawa ng Japanese song. Wish! Kung meron mang original rito na ngayon n'yo lang nabasa sa buong talambuhay ninyo, yon, akin 'yon. Wala rin kaming relasyon ni Bob Ong.

Siyanga Pala: Dahil sa KareKano, Wedding Peach, Macross, Hanna Montana at High School Musical kaya inatake na naman ako ng 'creative juice syndrome'. Kasama ang Wedding Peach dahil sa awitin nilang "Virgin Love" at Macross, inspired by Lynn Minmay (nacka naman!) Alamin n'yo na lang ang dahilan. Iba ang bersyong ito sa original, iniba ko ang kuwento makaraang makapanood ng Zaido at pagtatapos ng Marimar. At muli, ito ay hango sa QTV dub. Me mga isinali akong original characters na maaaring itambal sa ating mga mahal na Seigaku Regulars since ang inyong lingkod ay hindi nagpo-promote ng YAOI sa lahat ng mga likha ko. Plus, ni-rewirte ko, entirely, binigyan ko ng panibagong timpla para swak na. And whatdahel, ME ENGLISH VERSION NA 'TOH! Ito ang aking kauna-unahang love story con MUSICALE fanfic (palakpakan naman d'yan, people!) subalit parating pa lang ang Valentayms Day at parating pa lang ang kaarawan ng Bipura mo (May 11) pero hindi pa rin pahuhuli ang kathang ito. Nga pala—I-EDIT KO ANG BUONG KUWENTO sa kadahilanang sobrang pag-eedit ng ibang chapters at kasalanan kase nina Ondoy at Pepeng kaya ngayon lang ako nagparamdam pagkatapos ng 100 taon—charing. Ewan, gawin na natin toh! GO!

Prelude:

THE PROMISE IN A NECKLACE

...Bakit ka umiiyak?

Hindi maiwasan ng batang lalaki ang kabahan sa ikinikilos ng kanyang kaibigang babae. Sa murang edad na apat na taon, nakakagulat na nauunawaan na niya ang konsepto ng kaba. Bagamat natatakot na niyang malaman ang dahilan, gusto pa rin niyang malaman dahil normal lang sa isang paslit ang maging mausisa sa mga bagay-bagay.

...Aalis na kami mamaya...

...Saan?

...Sabi daw ni Daddy...sa Shinjuku daw...

...Shinjuku...? Malayo ba 'yun dito...?

...Ewan ko... Basta, ang alam ko...hindi na raw kami babalik dito...

Bahagyang napabalikwas ang batang lalaki. Ano ang ibig sabihin ng sinasabi niyang 'hindi na raw sila babalik'?

...Pero bakit?

...Sa work daw ni Daddy...para raw hindi na raw niya ako pabayaan...

...Ibig sabihin...hindi ka na...hindi ka na...babalik...?

...Ayokong umalis... Ikaw lang...ang naging friend ko dito...

Unti-unti na rin niyang nauunawaan. Nararamdaman. Paunti-unti ang sakit na dumampi sa kanyang inosenteng kalooban. Tiyak nauunawaan niyang ayaw niyang mangyari kung anuman ang sinasabi sa kanya ng kanyang kalaro. Ayaw niyang mangyari iyon.

At doon...ayaw na ring magpaawat ang kanyang mga mata.

...Wag kang umalis... Ayokong maiwan dito...ayoko...ayokong magkahiwalay tayo... Baka kase...kase...kapag malaki na tayo...baka... baka wala na tayong maalala... Ayaw mo ng ganun, di ba...?

...Ayoko! Ayoko nu'n! Nakakatakot!

...Sabihan mo ang Daddy mo... Pilitin mong 'wag na lang kayong umalis...

...Hindi ko kaya... Bad 'yun...bawal sumuway...

...Huwag ka nang umalis...!

Hindi na nga nakayanan ng batang lalaki ang kanyang nararamdaman. Suko na ang kanyang puso. Umiyak na lang siya na parang may nanigaw sa kanya o kaya'y may masakit sa kanya. Sa pagkakataong iyon, sakit sa kalooban ang kanyang nararamdaman. Sa murang edad, malaking dagok na iyon sa kanya.

Kaya para maibsan lang ang maaga nitong pinapasan, tinanggal ng batang babae ang kanyang gintong kuwintas at isinuot ito sa leeg ng batang lalaki.

...Eto...

...H-huh? Kuwintas mo 'to, di ba...?

...Hm! Para hindi mo ako makalimutan... Isuot mo 'yan palagi... Para pag nagkita tayo ulit...makikilala pa rin kita...

...At kahit na...magkahiwalay tayo...friends pa rin ba tayo?

...Oo! Friends pa rin tayo! Friends forever!

Maya-maya pa'y agad bumalik ang batang lalaki sa kanilang bahay, pinapahintay ang batang babae at meron lang daw itong kukunin. Pagkabalik niya, may hawak na itong kulay-ginto din, pero bilog at bahagyang mas malaki ito sa kanyang mga palad. Agad niya itong ibinigay sa batang babae.

Ano 'to?

Buksan mo...

Binuksan ng batang babae ang nasabing bilog. Ganoon na lang ang kanyang tuwa lalo na nang tumugtog ito. Isang nakapanghahalina't magaan na tunog ng karilyon ang tumambad sa kanyang mumunting tenga.

Ang ganda...!

Ingatan mo 'yan. Sa Lolo ko kase 'yan...

...Sa lolo mo?

...Mangako ka. Lagi mo 'yang dalhin. Pag nalulungkot ka, buksan mo lang 'yan. At pag nagkita tayo ulit, ilabas mo lang 'yan...

...Hm! Sige! Sumumpa rin tayo sa kuwintas ko!

Agad inangat ng batang lalaki ang kanyang kanang kamay bilang tanda ng kanyang panunumpa.

...Sumusumpa ako! Hangga't suot ko ang kuwintas mo, hinding-hindi kita kakalimutan!

...Promise?

...Promise!

Maya-maya pa'y may tumawag na sa batang babae. Muli na namang nanligid ang kanyang mga luha, gayumpaman di tulad ng kanina'y magaan na ang loob niya ngayon. Dahil sa bigay sa kanya ng batang lalaki, kalakip din doon ang isang pangakong sinisiguro niyang dadalhin niya sa kanyang puso hanggang sa lumipas ang panahon. Kasabay ng kanyang unti-unting paglayo't pagkaway sa kanyang tanging kaibigan, isang panata ang kanyang huling iniabot...

...Magkikita rin tayo... Iyon ang promise ko sa 'yo...

-*00_00*-

(BEAFSTAKES: Sowee kung ngayon lang ako nagparamdam... :'( Banas kasi, hanggang ngayon naghahanap pa rin ako ng trabaho, sumakabilang-buhay pa ang computer namin ng wala sa oras... Sorry talaga, people... :'( Anywayz, ENGLISH VERSION is also edited, puwede n'yo 'yong basahin kasama nito or as it is, bahala na kayo. Just read and review after that, kei? Salamat sa pag-unawa! ^_^ )