PRINCESS IDOL

Ni: BEAFSTAKES

(PASAKALYE: I don't own POT. And oh—OOC ALERT!)

Stanza Three:

KAORU AND KAORU

BS's POV

At nang naglapat ang kanilang mga labi sa unang pagkakataon, kapwa tumigil ang kanilang mundo. Ang kanilang pag-unawa sa oras ay pansamantalang nawala. Wala silang ibang maramdaman kundi ang init na gumagapang mula sa pagdikit ng kanilang mga labi hanggang sa kanilang mga kaloob-looban. Brrrr....!

Gustuhin man nilang makawala agad sa isa't isa, ngunit parang may malakas na dagbalani [1] ang mga labi nila. Hindi nila maikilos ang kanilang mga katawan ng kusa.

Nang magkasalubong ang kanilang mga mata sa unang pagkakataon, wari bang kilala na nila ang isa't isa noon pa. Pero kung kailan, saan, at paano, hindi na nila maalala, habang tumutugtog ang kanta ni Julie Vega [2] sa isip nila.

Ang utak ng pobreng binata, kanina pa mura ng mura. Huminga ka, Kaoru! Hinga! HINGA!

Ang puso ng kawawang dalaga, umiiyak na sa hiya. Oh no, hindi ako makagalaw...! Lagot naaah...

Hanggang sa nanaig din ang kanilang sariling pag-iisip, sabay din nilang itinulak ang isa't isa. Napatunganga. Lumayo sa isa't isa. Kapwa tinakpan ang kanilang mga bibig, kapwa hindi makapaniwala sa nangyari. Kapwa inosente. Kapwa pulampula ang pisngi. Kapwa nagulo ang pag-uutak sa isang mabilis, matamis, at walang kaparis na...

"Oh no!"

Napatingin pala si Kaya sa clock tower ng campus, kaya ganoon na lang ang gulat niya sa oras. Labinlimang minuto na pala ang lumipas pagka-alas-otso, super late na silang pareho sa kani-kanilang mga klase. Tatayo na sana siya, ngunit pinigilan siya ng mga nakakalat na papel sa paligid niyang paniguradong marumi't gusot na, lalo na 'yung isang tinapakan ng kupal na julalay ng Presidente ng Student Council. Kung kailan pa naman nagmamadali. Eeskapo na sana—Pfrrrrt!

Nanginginig pang pinupulot ng pobreng newbie ang mga papel na halos hindi na niya mapulot-pulot sa sobrang taranta. At eto namang Bipura, sa halip na tumunganga't panoorin ang dalagitang mataranta, minabuti na rin niyang tumulong sa pagpupulot ng mga papel. Ngunit sa pagtayo niya, aksidente naman niyang natapakan ang salamin ng dalagita! Sa gulat niya, inangat niya agad ang paang maysala. Subalit huli na...

Wasak na.

Ang munting Bipura naman ngayon ang nataranta sa kanyang ginawa. "Nakup--! Sorry! Sorry!" panay ang dispensa niya.

Pinahinahon siya ng mang-aawit. "N-no, it's okay, it's okay," pigil niya. "Kasalanan ko rin, eh..."

Kahit papaano'y naisalba pa ni Kaidoh ang mga papeles—maliban sa kawawang salamin. Napaungol na lang ito sa kanyang ginawa, sabay pulot din sa nawasak na salamin at inabot ang mga pinulot na papeles at hindi na nagsalita pa.

Kinuha naman ni Kaya ang mga pinulot na papel. "T-thank you," ngumiti ng bahagya. "Um..."

Hindi na naituloy pa ng dilag ang kanyang sasabihin (kung ano man iyon) nang biglang tumili ang kanyang tagapagligtas nang napansin nito ang suot niyang relo. Lalo na, kung anong oras na...

"LAGOT!" sabay angat sa kanyang bag. "Late na 'koh! Agh, hindi pa 'ko nakakapgbihis--!" at tumakbo na ito palayo papunta sa kanyang klase.

Kikindat-kindat pa si Kaya sa pagmamadali ng kanyang savior—hanggang sa napagtanto na rin niyang kailangan din niyang magmadali. Dalawang minuto na ang dumagdag sa oras. Agad na rin siyang tumayo, pinagpag ang sarili, inayos ang gamit, ipinaso na ang mga dokumento sa bag dahil mahirap na't baka may makabangga na naman siya, at tutungo na sana sa kanyang destinasyon nang mapagtanto din niyang buwiset, kailangan pa pala niyang pumunta sa Principal's Office dahil hindi pa niya alam kung saang klase siya iaassign, pero sa dami na rin ng nangyari sa loob lang bente minutos ay nawala pa sa isip niyang tanungin ang nagligtas sa kanya. Pinakawalan pa niya ang kanyang pagkakataon...

Kaya bago pa ito tuluyang makalayo, "Wait!" tawag niya. "Sorry ulet, pero puwede mo bang ituro sa 'kin kung nasaan 'yung Principal's Office?"

At mabuti na lang narinig pa siya ng nagmamadaling nakabandanna. "Main building! Ground floor! Room 101! Pagpasok mo, kumanan ka! Hanapin mo na lang du'n!" at tuluyan na itong nawala sa kanyang paningin.

Huli man ang lahat, nagawa pa rin niyang magpasalamat. At agad din niyang sinunod ang instructions na iniwan sa kanya't nagpunta na agad ng main building. Habang tinatahak niya ang pasilyo, hindi na naalis sa inosenteng isipan ni Kaya hindi ang nangyari sa kanya sa kamay ng dalawang kupal na iyon, kundi ang mahiwagang binatilyong nakabandanna't naka-official jersey ng isang sportsclub. Hindi na nawala ang kabog ng kanyang dibdib at pamumula ng kanyang pisngi dahil sa sumunod na nangyaring hindi nila parehong inasahan. At marahil, habambuhay na niya iyong dadalhin hanggang sa kanyang pagtanda.

My first kiss ever...from my weird knight-in-shining-armor...

-*_*-

Kaidoh's POV

Sa sobrang pagmamadali ko, hindi ko tuloy naalalang naka-jersey pa ako. Kaya nang nagbihis ako sa CR ng lalaki (hindi na ako nakadiretso sa clubroom dahil na kay Sempai Oishi ang susi), halos nagkamali-mali pa ako sa pagsuot man lang ng T-shirt o pantalon. Dahil bukod sa late na ako noon dahil sa pambubwisit ng mga kasama ko, hindi na naalis sa utak ko...

Ang first kiss ko.

Pakiramdam ko na-harass ako. O higit pa doon. Nanginginig pa ako noon sa nangyari. Lahat ng nahahawakan ko, nahuhulog ko. Nalasahan pa rin noon ng labi ko ang labi niya. Gusto ko na noong hugasan ang bibig ko, pero hindi ako makalapit sa lababo sa sobrang panginginig. Pakiramdam ko tinurukan ako ng libu-libong anaesthesia sa katawan ko't hindi na nawala-wala ang pamamanhid ko.

Napansin ko na lang ang sarili ko sa salamin. Hindi na nawala ang pamumula ng pisngi ko. Para akong me lagnat sa itsura ko. Gusto ko na noog sugurin ang opisina ng Student Council para resbakin ang bakulaw na 'yon dahil sa ginawa nila sa aki't sa babae, ayos lang kung magkakaso man ako.

Kung bakit pa kase nag-resign si Captain Tezuka sa pagka-President noon, eh... [3]

Pero hindi ko maintindihan kung bakit pagkatapos noon, hindi ako nakaramdam ng pandidiri sa sarili ko. Teka, baligtad yata. Yung babae dapat ang nag-iisip nuon. Tiyak hindi na ako patatahimikin ng konsensya ko. Mukhang hindi pa nakatikim ng halik 'yung babaeng tinulungan ko. Mukhang inosente. Cute pa. Ngayon ko lang siya noong nakita sa school. Hindi naman ako 'yung tipong me photographic memory, pero sigurado akong hindi ko pa siya nakita kung saan.

Pakiramdam ko, natulad ako sa Papa ko. Pinagsamantalahan ko siya.

Alam kong parang masyadong mabigat ang term na iyon, pero ano naman ang magagawa mo kung ganun nga ang palagay ko? Hindi naman sa takot ako sa mga babae't lumalayo ako sa tao (kase 'yun ang tingin nila sa 'kin, eh), kahit papa'no me paggalang naman ako sa kanila. Naniniwala akong nilikha ang babae para manatiling buhay ang mundo natin kaya dapat igalang at mahalin. Pero pagkatapos ng nangyari, tiyak susumpain na ako noon ng lahat ng babae, ng mga feminista't human rights activists sa buong mundo.

Iyon ang first kiss ko—mula sa isang babaeng hindi ko kilala. Parang hinigop niya ang lahat ng lakas ko kaya hindi ko na rin namalayang bumabagal na din ang kilos ko. Dahil doon, inisip ko na lang na walang dapat makaalam tungkol doon. Lalo na ni Momoshiro! Ang Seigaku pa naman, naging epicenter na ng tsismis mula nang kusang bumaba si Captain Tezuka sa puwesto't naging EIC ang kulot na 'yon. Mabuti na lang at wala nang masyadong tao sa grounds nung mga oras na iyon.

Marami nang kamalasan ang nangyari sa akin. Nadapa na ako. Nahulog sa imburnal. Nalason. Naligaw. Pinagkamalang ibang tao. Na-harass ng kung sino. Nagkaamnesia pa. Pero ang nangyari sa amin noong araw na iyon, a-tres ng Pebrero...kahit na sabihin pa ng ibang taong naka-jackpot ako dahil isang cute na babae ang nakahalik sa akin, para sa akin kamalasan pa rin 'yon. Lalaki ako, pero pinahahalagahan ko rin ang magiging first kiss ko. Ang gusto ko sana sa isang first kiss, 'yung nasa tabing-dagat ako habang lumulubog ang araw kasama ang taong mahal ko. Gusto ko ako ang mauna. Gusto ko rin makasigurong malinis ako, maayos ang damit at buhok ko, at mabango ang hininga ko. Pero alam kong imposible 'yong mangyari dahil na rin sa estado ng buhay ko't iniingatan kong reputasyon sa school. At tsaka...

Ang first kiss ko...para sana sa taong nagmamay-ari ng kuwintas na suot ko.

Wala na. Dahil sa halik na iyon, wala na akong mukhang ihaharap pa. Gusto ko sana noong mag-cutting class muna sa sobrang hiya, pero walanghiya, Math ang first period. May graded recitation. At alam na alam ni Darbus kung sino ang tumatakas sa klase niya't sinong hindi. Fsssssh...!

-*_*-

BS's POV

Wala na ngang masyadong estudyante sa quadrangle at sa iba pang bahagi ng campus—lahat nasa kani-kanilang classroom na. Puro kalat na lang ang makikita mo. Speaking of kalat, parang walang naganap sa pinangyarihan ng krimen—este, ng first kiss incident, ngunit...

Tila ba hindi lahat ng gamit ni Kaya'y napulot ni Kaidoh.

May nakapulot sa natitirang papel. Isang babaeng estudyante. Ang napulot niya'y litrato ni Kaya na tadtad ng kulad-pink na pusu-puso na yari sa art paper. Sinilip niya ang likod ng litrato: isang maikli pero maruming sulat. Puro bura na nga, mali-mali pa. Para pang kinahig ng lasing na manok ang pirma.

Napangiti ang babae sa kanyang nadiskubre. Agad niyang binulsa ang litrato. Kung anuman ang gagawin niya sa kanyang napulot ay ewan na lang natin.

-*_*-

"I'm really sorry, sir," dispensa ni Kaya nang nakarating na siya sa wakas sa Principal's Office. "Naligaw po kasi ako. Tsaka ho...hinarang po ako ng...president ng Student Council..."

"Si Nishidata ba?" hula ng Principal ng Seigaku, matanda na ngunit hindi naman mukhang terror. "Pagpasensyahan mo na siya. Anak kasi siya ng aming Vice-Chairman kaya ganoon ang ugali. Don't worry, pagsasabihan ko 'yon."

"Salamat po," yuko niya. "Tsaka sorry po ulit. Inagahan ko na lang po sana ang pasok ko..."

"It's okay, iha. Tutal naman, bago ka pa lang dito. Pero of course, the next time na maulit pa ito hindi ko na 'yan mato-tolerate..."

"Thank you, Sir!" bow ulit. "Pero...kahit na bago lang ako dito, hindi naman po tamang palagpasin n'yo ang ginawa ko—ah, I mean... officially student na ako ng Seigaku, right?"

Ang modest ng lolah!

"Uh...O-oo, tama ka--T-teka nga, ba't mo sinasabi 'yan? Pinapangunahan mo ba ako?"

"H-ho? H-hindi ho! Hindi 'yun ang--"

"Ah, anyway, anyway," pinakalma ang bata, "mukhang nakatutuwa ka namang bata. Sa nakikita ko, mae-enjoy mo ang pag-stay dito sa Seigaku."

"T-thank you po! Pagbubutihan ko po!"

"Mr. Hanaguchi," maya-maya'y may tinawag na tauhan ang Principal. Agad na lumapit ang matangkad na nakasalamin na medyo guwapo in fairview, "ikaw na'ng bahala kay Miss Yamamoto..."

"Opo, Mr. Principal," sagot ng assistant.

"Iha, ang ating Vice-Principal na si Mr. Hanaguchi na ang maghahatid sa 'yo sa klase mo dahil sa ngayon nagsisimula na ang klase. Sige na..."

"Opo! Maraming salamat po ulit!" at lumabas na ang dalawa.

Dalawang floors ang kanilang inakyat bago nila marating ang teritoryo ng mga Second Year. Tatlong pinto naman ang kanilang nilagpasan bago nila marating ang classroom na nakaassigned sa kanya. Ngunit tila hindi halata sa kanya ang nerbyos, dahil busy ito sa pagsa-sightseeing sa may veranda ng third floor kung saan tanaw niya kahit papaano ang isang bahagi ng mga tennis courts sa may kaliwang bahagi ng kanyang kinatatanawan.

Nasulit kahit papaano ang pagpasok niya.

"Excited ka na ba, Miss Yamamoto?" tinanong siya ng Vice-Principal.

"Ho? Opo!"

"Glad to hear that," at sa wakas ay huminto din sila sa ikaapat na pinto. Tinignan ni Kaya ang sign na nakabitin sa pinto ng classroom, sabay check sa kanyang class card...

Year 2, Class 7. Ito na nga iyon.

Maya-maya pa'y kumatok na si Mr. Hanaguchi sa pinto. Matapos ang apat na katok, pinagbuksan din sila ng teacher-in-charge sa period na iyon: naka-amerikanang gray, PINK ang necktie, puti ang loob, deformed ang mukha, uberly planchado ang buhok pero may sabay na hiblang ayaw ma-flat, at kahit bihisan mo pa siya ng tuxedo litaw na litaw pa rin sa kanyang tilamsik ng daliri't arko ng kanyang kilay ang pagiging miyembro niya ng Federacion.

At ang first impresson ni Kaya sa kanya...blink-blink. Wala lang.

"Yes, Mr. Hanaguchi?" anang baklang teacher. Pati boses, bading na nga, antaray pa.

"Pasensya na kung inistorbo namin ang klase mo," dispensa ng Vice-Principal.

"Which you already did," with matching taas-kilay pa. Boses pa lang at ere, nahahalataan na ni Kaya na isa siyang terror teacher. Brrr....

"Anyway, meron akong bagong ipapaalaga sa 'yo," sabay pakita kay Kaya.

"Who is she?"

At habang nagkakaroon ng interrogation sa may unahang pintuan, doon na nagkaroon si Kaidoh ng pagkakataong makapasok sa classroom na hindi napapansin ng kanyang teacher. Sa sobrang pagmamadali niya (buti na lang nakapagbihis pa siya dahil siguradong hindi siya papapasukin ng classroom na naka-jersey siya) ay hindi niya napansin kung sino ang kausap ng teacher niya.

Maging si Kaya'y bigo ding mapansin ang latecomer. Indoor shoes lang nito ang kanyang nakita.

Anyway, "This is Kaoru Yamamoto," pakilala ng Vice-Principal sa bagong-salta. "Nagho-homeschool siya bago siya pinasok dito. Her grades has reached the standards to continue her second year."

"Magtatapos na ang schoolyear," anang teacher. "Bakit ngayon lang siya nag-enrol? Mabuti na lang pala pinayagan siya ng Principal. Anyway," sinilip ang klase, "for a while. Iko-confirm ko muna 'to sa mga bata."

"Ikaw na'ng bahala sa kanya," paalam ni Mr. Hanaguchi. "Sige... Miss Yamamoto, good luck sa first day mo."

"Thank you, Sir!" sabay bow ng newbie, at iniwan na siya ng Vice-Principal sa kamay ng kanyang magiging adviser.

--*_*--

Kaidoh's POV

"It seems that you're twenty minutes late, Mr. Kaidoh," sabi ko na nga ba. "Pero tama pa rin kahit papaano ang dating mo, so be seated for a while. Mamaya ko na lang ibibigay ang parusa mo pagka-introduce ko sa magiging n'yong bagong classmate..."

Nagulat ako sa sinabi ni Darbus. Bago daw classmate. Nakakagulat dahil may humabol pa kahit na patapos na noon ang schoolyear, o siguro napaaga lang siya ng pag-enrol. Umupo rin ako sa desk ko na medyo nahihiwagaan pa rin, kahit na alam kong pansamantala lang ang pagpapapasok sa akin ni Darbus, palalabasin pa rin niya ako maya-maya lang (dahil pa rin sa kanila! Fssssh...!), ipapakilala lang niya ang magiging bagong classmate namin.

Speaking of bagong classmate, hindi ko tuloy maiwasang maalala ang babaeng iniligtas ko ng umagang iyon—at aksidenteng humalik sa akin. Pati 'yung nangyaring iyon, naalala ko pa. Inalog ko ang ulo ko't inisip na sana hindi siya 'yung tinutukoy ni Darbus. Dahil kung nagkataon...

"Halika, iha..."

Katapusan ko na nga.

Hindi nagkatotoo ang gusto kong mangyari. Siya nga, wala nang iba, ang naging bagong classmate namin. Parang tumigil sa pagkilos ang katawan ko. Nanigas akong parang bato—dahil hindi ko pa rin makalimutan ang nangyari sa amin ng umagang iyon.

Ni hindi ko rin alam kung matutuwa ako o hindi.

Yung mga reaksyon naman ng mga kaklase kong lalaki...heh. Me mga tulala. Me mga namumula. Yung iba, naglalaway na, peksman, andudumi ng isip. Yung iba, sinasampal-sampal o kanukurot-kurot ang sarili, sa pag-aakalang isang anghel, isang diyosa, o isang prinsesa ang nasa harap nila—exaggeration lang 'yon kase hindi naman maipagkakailang maganda siya. Panay naman ang bulungan ng mga babae sa klase namin. Wala akong kakayahang basahin ang isip ng isang babae, pero sigurado akong kung anu-ano na ang binubulong nila sa isa't isa tungkol sa babae. Wala na akong pakealam.

Sinulat ni Darbus 'yung pangalan ng babae sa blackboard. Ganoon na lang ang pagkatulala ko nang nabasa ko ang pangalan niya.

"Ok, class... Siya ang magiging classmate ninyo until the end of schoolyear. I would like to introduce to you...

Miss Kaoru Yamamoto."

Pagkabanggit sa pangalan niya, para akong na-warp pabalik sa panahong iyon...kung saan una kong nakilala ang babaeng nagmamay-ari sa kuwintas na suot ko. Pero nakabalik ako agad. Inisip kong napaka-pathetic ko naman para iugnay siya sa isang taong kilala ko noon, dahil sa totoo lang...

Maraming may pangalang 'Kaoru' sa bansang ito. Isa na ako doon.

--*_*--

"Sige na, iha, magpakilala ka na sa kanila..."

"Opo!"

Para na talaga akong lalagnatin noon. Hindi na nawala sa utak at labi ko ang nangyari sa amin ng umagang iyon. Sigurado akong pati siya, hiyang-hiya rin. Pero nang humarap siya sa amin, parang wala lang sa kanya 'yung nangyari. Masayang-masaya siya. Pero paniguradong sa loob-loob niya itinatago lang niya ang takot at hiya niya. Magaling siyang magkubli ng totoo niyang nararamdaman.

Ang problema, lalabas din 'yon oras na makita niya ako't makilala, kahit na nakapagpalit na ako noon ng school uniform. Tiyak titili 'yo't susumpain ako sa harap ng klase. Kung bakit pa kase sa lahat pa naman ng puwede niyang pasukan, sa Seigaku pa, at sa klase pa namin siya napadpad...

"I'm Kaoru Yamamoto. Nice to meet you!"

Dinig ko ang mga nagbubulungan sa paligid ko. Ano naman ang kakaiba sa pangalan niya maliban sa magkapareho kami ng first name?

"Just call me Kaoru. I'm 14 and my birthday's on June 30. Under ako ng isang private tutor bago ako nag-decide na pumasok rito..."

Maya-maya nagtaas ng kamay ang isa kong classmate na lalaki. "Teka," sabi niya, "ka-birthday mo pala si Kaya! June 30 din birthday niya eh!"

"Ah, Kaoru", babae naman, "kilala mo ba si Kaya? Fan ka rin ba niya?"

Parang initiation sa isang frat ang interview nila kay Yamamoto. Palibhasa, buong klase namin—puwera lang siguro ako—solid fans ni Kaya, 'yung singer. Papa'no pala kung sinabi pala ni Yamamoto na hindi?

"Ah...oo naman! In fact I'm a HUGE fan of Kaya!"

Nabawasan pa ako ng kakampi...

"Kung gusto n'yo papahiram ko sa inyo 'yung collection ko ng CD niya plus I can give you the latest updates tungkol sa kanya! Ok ba 'yun sa inyo?"

Sigawan ang buong klase namin, nakarinig lang sila ng pahiram ng CD at free access na parang dahil lang doon kaibigan na nila 'yung newbie. Mga balimbing. Sinuway man sila ni Darbus noon, parang wala lang silang narinig. Nakalimutan na nilang hindi pa tapos ang period...

Samantalang si Yamamoto, kanina pa tingin ng tingin noon sa akin. Iwas naman ako ng tingin. Dalawang bagay lang 'yan: puwedeng napansin niyang ako lang ang nag-iisang tahimik sa klase, o kaya nakilala na niya ako sa mukha't pilit niyang inaalala kung kelan at saan kami nagkita noon, bagay na hangga't maaari, iniiwasan ko noon.

Pero may isang nagpahamak sa akin.

"Tignan mo naman ang pagkakataon!" 'yung nasa likod ko pa ang nagturo, "Kase Miss Kaoru, me isa dito lucky winner sa pa-raffle ni Kaya! The BIG fan of all BIG fans! Eto siya, o! Uy, bati ka naman d'yan!"

Buwisit.

Sira na ang cover ko. Gusto ko na noong upakan 'yung tao sa likod ko. Ang tanging pag-asa ko na lang noon ay 'yung jersey ko. Dahil nakabandanna ko ng umagang iyon, sapat na siguro 'yon para hindi niya ako mamukhaan.

Pero kung makatingin si Yamamoto sa akin noon, gulat na gulat. Parang unti-unti na niya ako nakikilala. Ako naman, iwas ng iwas, pero sa totoo lang, wala nang kuwenta ang umiwas sa kung ano ang totoo.

--*_*--

BS's POV

At kung si Kaoru Yamamoto (or in this case tawagin na lang nating Kaya para mas maikli) ang tatanungin, hindi siya makapaniwala sa sarili. Posible ngang 'it's a small world after all' dahil hindi niya inakalang nasa klase ding iyon ang itinadhana sa kanyang lucky fan. At hindi rin niya akalaing magiging magkaklase sila.

Siya pala 'yon...!

Pasalamat na lang ang kanyang Lucky Fan at hindi pa (naman) siya namumukhaan ng idol.

"At ano'ng tinuturo-turo mo d'yan!?" bulyaw ni Kaidoh sa nagpahamak sa kanya. "Wag mo nga 'kong idamay???"

Nang mga oras na iyon, hindi malaman ni Kaya kung ano ang mararamdaman niya ngayong nakilala na niya ang kanyang Lucky fan. Hindi niya alam kung pagsisisihan niya ang pagbunot sa pangalan niya o matatawa na lang sa kanyang kamangmangan o maaawa sa naging kapalaran niya. Bukod kasi sa mukha niyang parang minu-minuto tumutungga ng suka, madali rin siyang mairita't sumabog sa isang kalabit lang na parang armalite—mas pipiliin na lang niya tuloy na piliting paniwalaan ang sariling isa lang siya sa libu-libong fans na nagpadala ng homemade hinayupak na postcard na puro ng bura't mali-maling grammar sa kanyang sulat. Sa isip-isip niya, puwedeng sa hiya din niya maaaring nagpagawa na lang siya sa friend niya o maaari ding may sira-ulong nag-setup sa kanya't wala siyang kamalay-malay doon.

Pero ganoon na lang siguro ang kamot ng ulo niya't bakit bumalik ang pamumula ng kanyang pisngi nang makita ang kanyang tulirong lucky fan na namumula din. Hindi kaya...

"Eh...Kaoru, ano ba'ng mga paborito mo bukod ke Kaya?"

"Naglalaro ka ba ng kahit ano'ng sport?"

"Ano nama'ng type mo sa isang lalaki?"

"Class, settle down!" suway ng adviser, "Isa-isa lang!"

Demanding ang mga tanong. Daig pa nila ang mga makukulit sa reporter sa isang presscon. Pero tulad ng isang in-demand teen idol, game na game namang sumagot si Kaya. Tutal naman, puros interesante ang mga tanong:

"Uh...mahilig ako sa blueberries. Sanay akong kumain sa mga fastfood pero allergic ako sa pork. Aside from Kaya, mahilig din ako sa pop, hiphop and RnB and alternative rock din. In fact I'm also a fan of the Rockafellers [4]. Gusto ko sanang mag-alaga ng cat or dog...kung wala lang akong asthma, bawal kase sa 'kin 'yung may balahibo, eh. Pero may alaga kaming aso dati, isang St. Bernard puppy...kaso nalason siya (aww...). About 'yung kung meron akong nilalarong sport," at saglit na nag-isip...

"I'm once in a tennis team noong nasa dating school pa lang ako..."

Buong klase ang nagulat. "Naglalaro ka ng tennis!?"

"Aba, girl," sabat ng isang girl, "you've come to the right school!"

"Tamang-tama," anang kalikod ni Kaidoh, "dito ka ke Kaidoh magtanong kung gusto mong sumali sa tennis club! Di ba, 'tsong?"

Strike two.

"At ako pa'ng tinuro mo!" bulyaw ng Bipura. "Kasali ba ako sa Girls' Team!?"

"Pakipot pa 'toh... Eh sino si Sohma, kung ganu'n? Tsaka si Lili Chuu? Mga kasama mo 'yun, di ba?"

"Taga-kabilang section kaya mga 'yun!?"

"He-he... Censya na dito sa classmate namin, ha? Hindi naman siya isang shy-type guy, nagkataon lang na..."

"Sino'ng shy!?"

"Hindi lang shy, denial mode pa! Pero marami 'yung kilalang taga-Girls' Team kaya no problem--"

"Magsama kayo ni Momoshiro!"

Buking na nga siya. Salamat talaga sa pahamak niyang anino sa likuran at ibinunyag niya sa neophyte ang pagiging niyang member ng prestighyosong tennis club. Pero ang dahilan pa rin ay ang nangyari sa kanila ng umagang iyon. Naka-regular's jersey siya noon. Naka-bandanna pa. Ok sana kung magkakandahirap pang manghula si Kaya kung saang sportsclub may ganoong uri ng jersey para at least ligtas pa si Kaidoh sa kahihiyan. Pero ngayong alam na niya ang lahat, lalo pa't napansin na nitong namumula ulit to the highest level ang dilag...

Paalam, dangal.

"O, class," tingin na ng tingin sa relo ang bading na adviser, "ano'ng petsa na, kinakain n'yo na ang buong period sa kai-interview--!"

"Last na lang, Sir!" may nagtaas ng kamay na isang girl, "Hindi pa niya sinasagot 'yung last question!"

...Oo nga, no?

"Kaoru...ano ba'ng type mo sa isang lalaki?"

Ooh, showbiz ang tanong. Hindi tuloy maiwasan ni Kaya ang mamula lalo (na ikinabuntonghininga ng mga kalalakihan sa klase, minus Kaidoh, dahil oh come on, sadya namang napaka-cute niya lalo na pag nahihiya) dahil sa tanong na iyon. Tuloy, hindi na rin niya maiwasang maalala...

Ang kauna-unahang kaibigan niya noong bata pa siya.

"Hmm...type ko sa isang lalaki...?" sige, showbiz din ang sagot, "Yung maprinsipyo. Masipag. Totoo sa sarili. Kaya akong ipagtanggol. Kayang harapin ang lahat...At lalo na, 'yung may never-say-die attitude!"

Bulungan ang mga bubuyog. Hindi naman ganoong ka-showbiz ang kanyang sagot. Kahit papaano pinakuntento ni Kaya ang kanyang mga fans. Pero nang napansin niya ang nangangamatis-pa-ring Bipura, hindi niya maiwasang magtaka (dahil akala naman ng lolo mo siya ang pinaparinggan dahil sa mga obvious na sagot ng idol) at mag-alala (dahil ilang beses na rin siyang nangamatis ngayong araw na puwedeng ikasama pa sa sobrang blood rush).

At ang badaf nilang adviser, inip na inip na sa tagal ng mini-presscon. "Ano na? Anything else? Tignan n'yo, thirty minutes na lang ang natira sa period natin at naghahabol pa tayo sa lesson!"

Oo nga naman. Sampung minuto din ang kinain ni Kaya sa introduction pa lang, nakalimutan na niyang nasa kalagitnaan pa sila ng klase nang dumating siya. Kaya nagpaubaya na rin siya. Baka may isugod pa sa clinic ng di oras.

"None? Good," yehey, natapos din. Kaso, "Ah—bago tayo magsimula," sabay lingon sa newbie, "Miss Yamamoto, since you came in TWENTY minutes late, I'm afraid yon cannot join in my class yet. You have to stay outside till the first period is over."

Negative at violent reactions tulad ng "BOO!" ang narinig niya mula sa klase, dahil para sa kanila it's so unfair naman para sa isang kabagu-bagong estudyante ang maparusahan agad dahil lang sa na-late siya. Pero...

"—This is to show everyone that in this class we don't tolerate latecomers, maski bagong-salta pa lang sila dito or 'institusyon' na sa klaseng ito. Alam mo kase, iha, pantay-pantay ang tingin ko sa mga estudyante ko so hindi umuubra sa akin kahit anak pa sila ng principal o ng prime minister. And you should know that since from this day forward, estudyante na kita't ng Seishun Gakuen so you have to fit yourself in the rules implementing here. Do I make myself clear?"

"Y-yes...Sir..."

Natahimik na rin ang klase. Eh wala rin silang magawa kahit buong araw pa silang magngawa. Oras na magsalita kasi ang kanilang terror teacher, nagiging batas agad iyon, bawal magrebelde o grades nila ang magiging kapalit. Wala silang laban.

Ngunit kung meron mang malapit nang magpasiklab ng himagsikan sa loob ng Class 2-7, ayun at masama ang tingin sa adelantadong prof. Nagtitimpi na lang.

"But don't worry, hindi ka nag-iisa," sabay tawag kay, "Mr. Kaidoh!"

"S-Sir...?"

"It seems that you're comfortable sitting there na parang nakalimutan mo na yatang may atraso ka pa sa akin. Akala mo lusot ka na, no...?"

Strike three! And OUT!

Kaya sa bandang huli, sa kabila ng kanilang pagdating, nanaig pa rin ang batas ni Mr. Darbus, at kapwa napalabas ng classroom ang pobreng neophyte at ang kanyang tagapagligtas—na isa palang member ng tennis club, kaklase niya, Lucky Fan...at ang kanyang first kiss. Ang classmate niyang kapareho rin niya ng pangalan, na tinawag niya sa una na 'weird knight-in-shining-armor'. Doon na rin unti-unting napagtanto ni Kaya na simula pa lang ito ng kanyang kumplikadong buhay bilang estudyante ng Seishun Gakuen Middle School.

--*_*--

Kaidoh's POV

Pareho kami ni Yamamoto na napalabas ng classroom dahil bente minutos kaming na-late. Pareho pa kaming pinagbuhat ng baldeng puno ng tubig. Mga sampung minuto pa noon bago matapos ang period namin. Rakenrol.

Kung sa akin lang, walang problema. Ngayon man ako na-late ng sobra (salamat talaga ke Momoshiro't sa mga pahamak kong teammates!), ayos lang sa akin ang magbuhat ng mabigat at manatili sa labas ng classroom. At least hindi ko masisilayan ng sampu pang minuto ang mukha ng baklang iyon. Tama lang 'yon sa akin dahil nagpaapekto pa kasi ako sa tsismis.

Pero si Yamamoto... Kabagu-bago pa lang niya noon, minalas na siya agad. Kasalanan kase ng tabachoy na anak ng Vice-Chairman na 'yon kung bakit siya nahuli sa first day niya. Hindi ko alam noon kung ano ang ginawa ni Yamamoto para pagtripan siya ng ganoon. Bukod doon...

Kasalanan ko rin kung bakit siya nadamay sa parusa. Kung iniwasan ko lang ng kahit konti ang bibig niya, wala sanang naganap na eskandalo.

Nang napansin ko si Yamamoto, para bang hirap na hirap na siya sa isang balde pa lang ng tubig. Ang sabi niya member siya noon ng tennis club nila sa dati niyang school. Siguro matagal din siyang hindi sumasabak sa training kaya ganoon na lang siguro ang reklamo ng katawan niya.

Ayos ang first day niya. Hindi bagay sa kanya ang mga ganoong parusa.

Doon ko rin napansing kami lang dalawa ang nasa corridor. Hindi ako tuloy makaporma sa kung ano ang sasabihin ko sa kanya. Pero nakalimutan kong bawal pala mag-usap habang nasa gitna ng parusa. Boring. Hindi ko tuloy masabi sa kanya ang tungkol sa nangyari ng umagang 'yon. Katapusan ko na pag binuksan ko pa ang isyung 'yon. Isa pa, ang tanging pag-asa ko lang noon, sana'y nakalimutan na niya ang tungkol doon.

"I'm sorry..."

Nauna siyang nagsalita. Ganoon na lang ang gulat ko kung bakit siya humingi ng sorry samantalang sa kabuuan, wala siyang ginawang mali.

"Nang dahil sa akin, na late ka. At tsaka..."

Nakakaawa talaga siya. Naiinis ako sa mga taong nagsosorry kahit na wala naman talaga silang kasalanan. Hindi ko kase maintindihan kung ano ang gustong palabasin ng mga ganoong klaseng tao.

"Wala rin kahit hindi pa kita nakita," sagot ko na lang. "Late pa rin ako ng mga pitong minuto. Yung adviser namin, walang patawad sa mga nale-late sa klase niya. Ma-late ka lang ng isang segundo, palalabasin ka pa rin niya."

"No way! Ganun siya kahigpit sa inyo?"

"Malas mo lang at napadpad ka pa sa klase namin."

Tumahimik muli ang paligid namin. Wala na kasing dahilan para magdaldalan pa kami sa gitna ng parusa namin dahil me mga bagay na sa sobrang selan hindi na puwedeng pag-usapan pa. Pero hindi ko na namalayang unti-unti din akong naawa ke Yamamoto, lalo na nang sinubukan niyang magsalita tungkol sa nangyari sa amin ng umagang iyon. Nahalataan nga niyang ako ang nakahalikan niya. Pakiramdam ko tuloy gusto ko nang magpagawa ke Sempai Inui ng vegetable juice dahil sa mga pagkakamali ko ng araw na iyon. Kasalanan talaga ng tabachoy na 'yon!

"Wala kang kasalanan," sabi ko.

"Huh?"

"Kung dumating lang ako ng maaga-aga, baka matulungan pa kita kahit papa'no. Tsaka..."

"Yung time na...aksidente tayong nagkahalikan..."

Para akong binato ng bola sa likuran sa sinabi niyang iyon. Nalintikan na nga. Naalala nga niya.

"Don't worry. Isipin na lang natin, hindi 'yon nangyari."

"Madaling sabihin."

"Bakit naman? Don't tell me...first kiss mo 'yon?"

Ngayon naman para akong binato ng racket sa ulo. Hindi ko alam kung paano niya nahulaan iyon, pero hindi ko nagustuhan ang pagkakatanong niya. Masyado siyang prangka para sa isang baguhan.

"Hindi mo pa ako kilala," tinitigan ko siya. "Kung gusto mong magkasundo tayo, iwasan mo nang magtanong sa 'kin ng mga bagay na wala kang karapatang alamin."

Ni nakalimutan kong babae pala ang kausap ko. Tinakot ko pa ng di oras. Sa inis ko na rin noon sa mga nangyari kaya pati walang kamalay-malay dinamay ko na sa galit ko. Tuloy...

"S...s-so...sorry...ang daldal ko talaga..." napaurong siya sa takot. "Hindi na lang ako magsasalita..."

Nag-sorry na naman siya. Hindi ko alam kung nagpapaawa-epek siya o talagang natural na sa kanya ang pagiging nakakaawa. Parang takot na takot siyang magkamali kaya panay na lang ang sorry niya. Inisip ko tuloy kung me trauma siya sa mga lalaki't ganun na lang siya kumilos.

Nagmukha pa akong kontrabida sa ginawa ko. "Sorry rin. Hindi tamang takutin ka ng ganun..."

"Pero...may point ka rin doon. Hindi pa nga tayo ganun ka-close. Kakikilala pa lang natin sa isa't isa. Sino naman ako para alamin pa kung first kiss mo nga 'yon o hindi..."

"First kiss ko nga 'yon," inamin ko rin.

"Oh..."

Matapos kong aminin sa kanya ng katakut-katakot ang tungkol doon, hindi ko alam kung nabunutan na ako ng tinik sa dibdib ko o lalo lang bumaon, o kaya matanggal man ang tinik, hindi na mawala ang sakit. Ang weird. Para akong ini-interview ng isang reporter sa isang showbiz show.

"Eh ikaw?" gumanti ako ng tanong.

Parang nag-alangan pa siyang sagutin ako, pero sumagot din siya. "Ako din. First kiss ko rin 'yon." Namula pa. Fssssh.....

"Eh ba't parang balewala lang 'yon sa 'yo?"

"Hindi naman sa ganoon. Siyempre, importante para sa babae ang first kiss niya. Para na iyong initiation para maging siyang ganap na babae. Pero useless din ang magngawa kung manakaw man 'yon sa 'yo ng hindi mo ini-expect kahit ano pang iwas mo. It's useless to cry over a spilled milk, sabi nga nila."

May punto siya doon. Ako 'tong lalaki, ako pa 'tong reklamo ng reklamo nang manakawan ako ng halik. Daig ko pa ang ni-rape na babae. Nakakahiya ako sa harap niya. Hanga ako sa kung papa'no niya nasikmura 'yon. Ang weird niya talaga.

"Hindi pa rin tama 'yon," sabi ko. "Kasalanan ni Nishidata ang nangyari sa atin."

"Nishidata?"

"Yung matabang ewan na humarass sa 'yo kanina. Anak ng Vice-Chairman namin, kaya nagagawa ang gusto. Presidente din siya ng Student Body mula pa November. Nagtatapang-tapangan, pero ang totoo ni manuntok hindi marunong."

"Kaya naman pala... Pero ano'ng nangyari sa dati n'yong President?"

"Nag-resign siya. Hindi pa niya binabanggit sa amin ang dahilan. Pero hindi ko maiwasang suspetyahang me kinalaman doon ang erpats ni Nishidata pero wala akong ebidensya para patunayan 'yon."

"I see..."

Dahil nandoon na rin lang siya, naisip kong mas mabuting maaga pa lang, ipamulat ko na kay Yamamoto ang problema noon sa Seigaku.

Tatlong buwan na noon mula nang napilitang mag-resign si Captain Tezuka sa dahilang hanggang noong Pebrerong iyon hindi niya sinasabi. Malakas talaga ang hinala ko noon na may kinalaman doon ang Vice-Chairman. November din ng taong iyon nang nag-maternity leave ang dati naming adviser kaya si Darbus ang pumalit—at hindi na siya bumalik simula nga noon. Mula nang naging adviser namin siya, hindi na ganoong kalaya ang mga kilos namin. Lahat idinidikta. Bawal sumuway. Konting reklamo lang namin, puwedeng maapektuhan ang grades namin o puwede kaming mapunta sa blacklist ng admi. Sabi mismo ni Sempai Oishi na member din ng Student Body, malaki ang kuneksyon ni Darbus sa Vice-Chairman kaya hindi ko talaga naiwasang maghinala.

Nagsimula lang akong maghinala ng husto nang hindi na nagpakita ang dati naming adviser, si Mrs. Odagiri [5]. Ang alam lang namin, nag-maternity leave siya, pero matapos ang dalawang buwan bigla na lang sinabi ng Principal na si Darbus na ang magiging adviser namin hanggang sa matapos ang schoolyear. Kilala pa naman siyang kritiko ni Nishidata. Umpisa pa lang, hindi na siya sang-ayon sa tradisyunal na paraan ng pagtuturo na sinusulong noon ni Nishidata dahil nalilimitahan ang nalalaman naming mga estudyante sa libro't apat na sulok ng classroom. Pero hindi lang si Ma'am Odagiri ang sinampulan. May mga teacher ding tulad niyang nilalabanan ang mga pamamalakad niya, pero tulad ni Ma'am Odagiri, pagkawala niya nawala ding parang bula ang mga pinakamatitinong teacher.

Sabi din ni Sempai Oishi, mabibilang na lang sa daliri ko ang mga natirang lumalaban kay Nishidata. Dalawa daw sa kanila, sina Principal Ishikawa't Coach Ryuzaki. Pero hindi na ako umaasa sa Principal dahil maging siya naging puppet na rin ng baboy na 'yon. Tungkol na man ke Coach, Natakot din ako para sa kanya, baka kasi anumang oras magpapractice na lang kami na wala siya.

Hindi naman nag-iisa si Nishidata. Bukod ke Darbus, malakas din noon ang kutob kong tuta din niya ang Vice-Principal, ilang teachers, at kinakampihan siya ng lang miyembro ng admi. Lalo na ng Chairman. Noong panahong iyon wala siya sa Japan. Nasa serye siya noon ng mga business trips abroad na nagsimula pa nung October. Apo niya 'yung editor-in-chief ng school organ namin. Classmate ko. Dahil wala nang senior na puwedeng humalili sa posisyon, siya na ang nagprisinta dahil na rin sa pagiging niyang active—at pagiging sipsip. Kaya lumabas din na may ilan ding estudyanteng nagpapasipsip para lang maproteksyunan ng mga maka-tradisyon. Suwerte ang mga may kamag-anak, tulad niya, na may kuneksyon.

Kaya nang panahong iyon, tatlong buwan ding nagtiis ang Seigaku sa pagsasamantala ng Vice-Chairman at ng mga kampon niya. Pagdating sa kung ano ang pinakapakay nila, doon na ako walang ideya. Pero doon pa lang, masama na ang kutob ko.

Hindi lahat ng tungkol sa lagay noon ng Seigaku kinuwento ko kay Yamamoto. Sa isip-isip ko, kabagu-bago pa lang niya para ngayon pa lang, mabiktima na siya ng kawalang-hustisya sa school. Isa pa, ayoko siyang biglain o baka magbago siya bigla ng isip at lumipat na agad siya ng school. Ayokong mawalan ng pag-asa ang isang tulad niyang mukha pa lang, positibo nang mag-isip, tsaka nakita ko din sa kanyang gustung-gusto niyang pumasok sa Seigaku, bagay na gusto ko noong malaman.

"Uh...Kaidoh, right?" tinanong ako.

"Oo."

"Thanks nga pala sa kanina, ha?"

Lalo lang ako hindi makatingin sa kanya. Pinasalamatan pa niya ako sa kabila ng mga nangyari. "Ginawa ko lang naman ang dapat."

Bigla na lang siya napabungisngis.

"Bakit?"

"Wala lang," palusot pa niya. "Ang dali mo kasing mamula. Ang cute mo pala kapag nahihiya ka!"

Tama ba namang sabihing cute ako dahil lang namula ako? Ang totoo, wala pang nangahas na nagsabing cute ako maliban noong me iniligtas akong matanda mula sa magnanakaw. Ni hindi ko na rin maalala kung minsan ba tinawag ako ng nanay ko na cute. Hindi ko na 'yon inisip at ayoko nang isipin pa.

"Anyway," sabi niya ulit, "ikaw...bukod sa kanina, papa'no ka na-late?"

"...Ang totoo...kanina pa ako nandito ng mga quarter to eight...kundi lang sa taong 'yon at sa mga kasama niya, sinira nila ang araw ko dahil lang...nanalo daw ako sa raffle. Yung ke Kaya daw?"

"D-daw?" parang nagulat pa siya sa sinabi ko. "You mean, totally hindi mo kilala si Kaya?"

"Hindi."

"Pero papa'nong..."

"Hindi ako sumasali sa mga ganoong contest lalo na't kung hindi ko alam ang background nu'n. Hindi naman ako ganung ka-desperado para magpapansin. Hindi ako katulad ng taong 'yon..."

"S-sino? Kaaway mo sa school?"

"Hindi. Masamang bangungot."

"ARAY! Sakit nu'n, ah!"

Speaking of bangungot, wala akong kamalay-malay na nagsisimula na naman akong bangungutin noon. Wala akong kamalay-malay na hindi lang pala kaming dalawa ang pinalabas ng teacher. At sa lahat pa naman ng puwede naming makasama sa parusa, siya pa. Pakiramdam ko talagang itinadhana na kami para maging magkaribal at sirain ang isa't isa. Buwisit.

At tama rin ang hula kong masama pa rin ang loob niya sa nangyari sa akin.

"Heh, ikaw rin pala," sabi ko.

"Magtigil ka," bulyaw niya. "Kasalanan mo 'to!"

"Ako dapat ang nagsasabi niyan. Kundi n'yo lang ginawang issue ang raffle malamang wala ako dito ngayon!"

"Anoh!? Kung tutuusin, ako dapat 'yun, eh. Pangalan ko dapat ang binanggit ni Kaya, hindi sa 'yo!"

"Sana nga ganun para ikaw na lang ang nandito..."

"At least suwerte pa rin ako! Pero hindi, eh!"

"Hn, pathetic ka na nga, makasarili ka pa..."

"Nahawa lang ako sa kamalasan mo."

"Kung araw-araw rin namang me umaaligid na malas sa akin, hindi na ako magtataka..."

"Nagpaparinig ka ba!?"

"Tingin mo?"

Napakakupal niya talaga. Hindi lang ako makatiis, kanina ko pa sana siya binuhusan ng tubig na buhat-buhat ko.

"S-sandali," si Yamamoto, "Kaidoh, siya ba 'yung sinasabi mong..."

"Iyon ang kinatatakutan ko noon: ang makilala niya si Momoshiro. Mahirap na pag nahawa siya sa kurimaw na iyon. "Wag mo na'ng alamin," sabi ko. "Para na rin sa ikabubuti mo..."

"Nakakahiya ka, tsong!" minura ako. "Pati ba naman sa babae, pagdadamutan mo pa ako? Bilib na talaga ako sa 'yo..."

"Kesa naman madamay pa siya sa kalokohan mo, mas mabuti na ring hindi niya malaman kahit pangalan mo man lang."

Pero ang kupal niya talaga nang binati niya si Yamamoto. "Hi!"

"H-hi..." bati din niya. Naloko na talaga.

"Parang ngayon lang kita nakita dito..."

"Ah, kapapasok ko lang kase dito. New student..."

"OH? Buti't pinayagan ka pang mag-enrol kahit last term na!"

"Nag-homeschool kase ako, eh. Bale tinatapos ko lang ang second year ko dito."

"Ah... Pero teka, kung bago ka lang dito, bakit kasama mo 'yan sa corridor?"

"He-he...na-late kasi ako, eh..."

"Ang malas mo naman! Naging classmate mo na nga'ng Bipurang 'yan, napadpad ka pa sa pinakaterror na teacher dito!"

"Sabi ko s a'yo, eh," binulungan ko si Yamamoto. "Walang sense kausapin ang isang 'yan..."

"Pero he seems to be nice naman, eh," sa sinabi niyang iyon, sinampal ko na lang ang sarili ko.

"Nga pala," nagpapresko pa ang kumag, "bestfriend slash rival ako ni Kaoru Kaidoh. Takeshi Momoshiro. Momo for short."

"At KELAN pa kita naging bestfriend!?" bulyaw ko.

"H-hi," kumagat pa siya. "Kaoru Yamamoto. Nice to meet you!"

"Ka-Kaoru!?" nagulat pa siya. "Steeg, magkapareho pa kayo ng pangalan, ah! Hmm...ano kaya'ng ibig sabihin niyan...?"

"Ano naman kung magkapareho kami ng pangalan?" katwiran ko. "Dalawang milyong tao sa Japan ang me ganyan ding pangalan, noh! [6]"

"Ang sabihin mo, KJ ka lang."

"Sinasabi ko lang ang stats, noh!"

"Stats? Samantalang sa Math, ambopols mo?"

"Eh ikaw? English mo nga, English Carabao!"

"Um...guys..." nakalimutan kong kasama pa pala namin noon si Yamamoto. "I think hindi naman yata tamang dito pa kayo magtalo. Pa'no na lang 'pag naabutan tayo ng teacher dito? Tsaka Kaidoh," hinarap niya ako, "I think wala namang masamang intensyon si Momoshiro (Momo na lang, pahabol pa niya)—I mean, Momo, kung gusto lang pala niyang makipagkaibigan sa akin. He's just exercising his rights."

"Oo nga!" sabat pa ni kumag.

Pero hindi naman 'yon ang ibig kong sabihin. "Nakita mo na'ng ginawa mo!?" sisi ko. "Iba na talaga'ng impluwensya mo, 'tsong! Di ko na ma-reach! Hindi ko na tuloy alam kung kelan mo pa ako balak tantanan o me balak mo pa nga 'kong tantanan pero kahapung-kahapon mo pa ako binubuwiset!"

"Pambubuwiset ba'ng pagsauli ko sa notebook mo!? Pati pa naman 'yon balak mo pang palakihin!? Ang sabihin mo, ingrata ka lang talaga!"

"Kase tama nga naman si Sempai Oishi! Magsasauli ka na nga lang, me halo pang dada! Puro ka kase reklamo!"

"AKO! AKO! Lagi na lang AKO!"

"Gaya-gaya ka ng linya!"

"HULI KAH! Sabi ko na nga ba't nanonood ka ng mga pelikula ni Juday, eh!"

"Sigurado ka ba'ng linya 'yon ni Juday!?"

"Ta mo? Inamin mo ren! Ayan, kung anu-ano nang linya'ng kinukuha mo sa pelikula para me masabe ka lang! Wala ka talagang originality!"

"Wala palang originality, ah... Eto! Tignan mo kung di pa dumugo ilong mo dito! Why don't you just mind your own business (nosebleed nga!) at si Echizen na lang ang buwisitin mo kesa lagi na lang ako!?"

"English-english pa toh...buwisitan pala, ah... Sigeh!" nilapag ni Momoshiro 'yung isa sa mga buhat-buhat niyang balde (dalawa kase ang bitbit niya, ang yabang talaga), doon ko na nahulaan ang balak niya noon. "Sa totoo lang kundi lang ako tinulak ni Sempai Eiji, baka wasak na 'yang pagmumukha mong matagal nang wasak! Tinitiis ko lang ang sakit na nararamdaman ko! Ganun ka na ba talaga kadesperado para sumulat ka ke Kaya? Bah, lumalabas na rin pala ang tunay mong kulay..."

"Siguro nga tama ka. Kundi lang dumating si Sempai Kikumaru, baka kanina ka pa me amnesia d'yan!"

"Try mo lang!"

"Gusto mo ngayon nah!?"

Tuluyan ko na nga noong nakalimutan si Yamamoto. Wala na kase akong ibang nasa isip kundi papaano patitikumin ang bibig ni Momoshiro. Masyado kaseng insecured ang loko, bukod doon, wala pang modo. Wala siyang hiyang ipakita ang kamangmangan niya sa mga taong kakikilala pa lang niya. Tuloy pati ibang tao nadadamay sa kanya. Lalo na ako. Nananahimik na nga 'yung tao, ginugulo pa rin niya. Saludo na nga ako sa kakupalan niya.

"T-teka..." ni hindi ko na rin siya pinansin nang sinubukan niya kaming awatin.

"Sigeh..." binuhat ni Momoshiro ang balde, sabi ko na nga ba. "Ngayon na, sabi mo...?"

Gumaya naman ako. "Pagsisisihan mo 'to..."

"At kelan pa 'ko nagsisi sa mga ginawa ko sa 'yo...?"

"Utak at konsensya talaga ang wala sa 'yo..."

"Ikaw din...kasama na'ng pride mo...!"

"Ikaw...!"

"Please, guys," inaawat na kami noon ni Yamamoto, "itigil n'yo na 'yan!!!"

"Pasensya na," sinabihan ko siya, "pero sana 'wag ka nang makialam sa 'min. Problema namin 'to."

"Tama ng BF mo, Miss Yamamoto," kupal talaga! "Kaya please lang lumayu-layo ka na't baka mabasa ka pa..."

"BF pala, ah..."

"T-teka! Hindi ba kayo natatakot sa mga--"

SPLASH! SPLASH!

"...Teacher...nyo...?"

Fssssssh...!

In fairness, nagulat ako sa sarili ko. Hindi ako nabasa. Bulok talaga siyang umasinta. Pero si Momoshiro, ganun din. Pareho kaming hindi man lang natuluan ni konting tubig. Doon ko na naalala si Yamamoto—pero ok lang siya. Nakapikit, siguro akala niya pareho kaming nabasa. Speaking of basa, pare-pareho pa kaming nagtataka kung sino ang binasa namin, kung meron man.

Hanggang sa ganoon na lang ang putla namin pagkakita namin sa dalawa naming...biniktima.

"Kaoru Kaidoh..." si Darbus.

"Takeshi Momoshiro..." 'yung adviser niyang babae.

"I'LL SEE YOU AFTER CLASS!"

BANG!

Buo na talaga ang araw ko noon. Kaya pala ako pinipigilan noon ni Yamamoto ay dahil baka mabuhusan namin ang sarili naming mga teacher na saktong lumabas nang narinig kaming nag-aaway. Huli na ang lahat.

Pero sa inis ko na rin, imbis na tumigil ako, "Gunggong ka... kasalanan mo 'toh..."

"Ano na nama'ng ginawa ko...?"

"Denial ka pah... Sa simula pa lang, ikaw ang dahilan kung bakit ako na-late sa klase!"

"Bahket!? Ako lang bah!? Eh sino sina Sempai Eiji kanina!?"

"Hindi ako tulad mong nandadawit pa ng ibang tao sa kasalanan mo!"

"At hindi rin ako tulad mong madaling mapikon dahil lang ke Kaya!"

"Hindi ko nga siya kilala, pero 'wag mo siyang idamay dito!"

"The more you deny, the more you admit!"

"At saang pelikula mo naman pinulot 'yan!?"

"Um, guys..." binalewala na naman namin si Yamamoto, "kanina pa kayo--"

"ANOH!?"

"Kanina pa kame nakikinig sa mga bunganga ninyo!"

Doon ko lang napansin noon na kanina pa pala nakikinig sa amin ang mga teacher namin. Basambasa sila dahil sa amin (buti nga ke Darbus!), tuloy, naging sigurado na ang susunod naming parusa. Lalo lang ako napahiya sa sarili ko nang napansin kong tawa ng tawa si Yamamoto sa amin. Ewan...pero nakyutan ako sa kanya nung tumatawa siya. Gusto ko na noong itago ang mukha ko sa balde sa sobrang hiya ko. Kasalanan kase ni Momoshiro.

Sa kaso namin ni Yamamoto, hindi kami agad naka-attend ng next subject dahil sinermunan pa kami ni Darbus sa Faculty Room. Ganoon na lang ang inis ko sa binigay niyang parusa sa amin. Ayos lang sana kung ako lang, eh, dahil ako naman ang nagsimula ng gulo, pero pati si Yamamoto isinali na rin niya dahil lang sa naroon siya nang nagkagulo. Iyon ang isa pang ayoko sa kanya: wala na nga siyang sense of judgement, wala pa siyang kunsiderasyon.

Ang parusa lang naman niya sa amin: isang oras kaming pinaglinis ng classroom pagkatapos ng klase. Kaming dalawa lang.

-*00_00*-

NOTA BENE:

Meet the new characters:

[5] Hiromi Odagiri—unang adviser nina Kaidoh bago si Darbus, at tulad nga sa naging description ni Kaidoh tungkol sa kanya, isa siyang matapat na teacher na biglang nawala, na inasahan lang na nag-maternity leave. Malalaman n'yo rin ang dahilan ng kanyang pagkawala sa pag-usad ng kuwento.

FOOTNOTES:

[1} Ayon sa Makabagong Diksyunaryong Filipino ng Unibersidad ng Pilipinas, ito ay nangangahulugang 'electromagnet' sa ating wika. Ang 'dag—' ay mula sa 'dagitab' na hango sa ating sinaunang wika na nangangahulugang 'kuryente' sa ating bagong talasalitaan, at ginagamit ito upang tukuyin ang anumang bagay na may kinalaman sa kuryente. Kaya kung nabasa mo na ang 'Bakit Baligtad Magbasa ng Libro ang mga Pilipino' ni Bob Ong, malamang ganoon na lang ang pagtataka mo kung salita pa rin natin ang mga salitang 'dagbalani' (electromagnet), 'dagdaloy' (electric flow) at 'daglarangan' (electric field), kaya nga bago n'yo pa gamitin ang mga salitang ito, sabi nga ni Bob Ong, siguraduhin n'yo munang alam n'yo at ng mga kasambahay ninyo ang ibig sabihin ng mga salitang ito pag sumigaw ka ng "Saklolooh! NA-DAGITAB AKOOOH!!!"

[2] Julie Pearl Vega Postigo sa tunay na buhay, sikat na child wonder-turned-drama princess na kasabayan nina Janice de Belen. Maagang namatay sa edad na 16 noong 1985 dahil sa kumplikasyon sa baga't puso na nagresulta sa pulmonya, bagay na inilihim sa buong bansa hanggang sa ipalabas sa Maalaala Mo Kaya ang kuwento ng kanyang buhay na pinamagatang 'Unan' starring Angelica Panganiban as Julie Vega. Tuluyang naputol ang kanyang pinagbibidahang soap opera na 'Anna Liza' sa GMA mula nang siya'y mamatay. Gayumpaman, nag-iwan siya ng marka sa kamalayan ng mga Pilipinong movie fans dahil sa kanyang una't huling self-titled album kung saan naroon ang sikat niyang awiting 'Somewhere In My Past'.

[3] Sa maniwala ka o sa hindi, o siguro sure ka na, ayon sa Genius 40.5 si Kunimitsu Tezuka ang Presidente ng Seigaku Student Council—pero dito, I made him resign early for reasons that you will know sa pag-usad ng kuwento (babae sa likod ko: suspense!).

[4] Di ako sure kung totoo sila or it just popped out of my head, please let me know. Dito ginawa ko silang sikat na rockband na idol ni Kaya. Kaya nga sinasabi kong ang mga binabanggit kong mga tauhan dito, original man ng POT o original ko, hindi ko sinasadyang banggitin sakaling hindi ko sadyang banggitin dito na totoo pala sila.

[6] Huwag kayong maniwala sa stats ko, gawa-gawa ko lang 'yan, pero ang hindi maitatangging katotohanan, common na ang pangalang 'Kaoru' sa Japan, mapa-lalaki man o babae.

NEXT STANZA: Welcome to Seigaku, home of this year's National champions. Kilalanin ang Boys' and Girls' Team sa kauna-unahang pagkakataon! And whoe, ano ang alam ni Coach Ryuzaki tungkol kay Hiromi Odagiri na hindi na dapat iungkat pa?

(BS: ANG TAGAL KO, NOH!? Nilagnat kase ako, sowee po sa lahat ng mga naatraso! Hu-hu... :( Anyway, eto na ang Stanza Three. Need to be busy ulet! Wooh! :D )