Prologo

Tinapay…

Ano ang iyong naiisip kapag nabanggit ang salitang 'tinapay'?

Ang amoy ng bagong lutong tinapay sa pugon

Ang nakakabighaning lasa sa unang kagat, kapag gutom.

Ayon ang napaparating ng salitang 'tinapay' saakin.

Sa katotohanan, ang bayan natin ay nagugutom.

Maraming tao ang naghihirap.

Walang pagkain sa plato, walang pag-asang hinaharap.

Mayroon akong panaginip

Panaginip na gumawa ng tinapay

Tinapay na makakasagot sa gutom ng taumbayan

Tinapay na makakbagbigay nang dignidad sa sambayanan.

Ayun ang aking pangarap


Silid-tulugan [ Omnipresent - O ]

"Oy. Tino," Tawag ng isang boses, medyo nag-aalala, medyo naiinis

"Mm…" sagot ng inaantok na lalaking nakabalot parin sa kanyang kumot, "ano…?"

"Tino," sabi muli ng boses, "gising na!"

"Eh…" sagot ni Tino, "Sabado ngayon… ba't mo ako ginigising?"

"Tino! Ikaw talagang lalaki ka…" sigaw ng boses, "Kinulit mo akong magdamag na gisingin ka kagabe, tapos heto ka ngayon, tulog parin!"

"Hindi naman ako nagpa- teka… ONGA NO!"

Agad-agad, tumayo ang lalaki sa kanyang kama, mukha niya'y agresibo't pawang handang mangiyera pero mata'y nakapikit parin.

"Sori ate ah!" paumanhin ni Tino, "Mahirap ako gisingin, pero pag gising na, UWAH!!!"

"Hay nako Tino," sabi ng kanyang ate, kalahating na-weweirdohan at kalahating natutuwa, "anyways, maligo ka na't kumain. Baka ma-late ka sa pupuntahan mo."

"Okey. Heto na ako!" sigaw ni Tino, mata niya'y nakadilat na sa wakas. Lumabas ang bata sa kanyang kwarto at dumeretso sa banyo para maligo't magbihis.


[ Tino - T ]

Oy, kamusta. Ako si Tino, Tino Magsilbi at iyon ay ang aking ate. Maniwala man kayo o hindi, pareho kaming bente-dos anyos (ilang minuto lang ang pagitan namin, pero hindi obvious no?) Tapos na kami sa aming mga pag-aaral at naninirahan kami isang maliit na bahay sa may probinsya. Noong namatay ang aming mga magulang ilang taon nang nakalipas, inalagaan namin ang isa't-isa. Ayun nga lang, habang lumipas ang panahon, mas madalas na ang ate ko ang nag-aalaga saakin, lalo na pagdating sa paggising.

Pero hindi ako taong walang bisa ah! Culinary arts ang natapos ko sa college at paggawa ng tinapay ang aking pinagtutuunan ng pansin. Sa ibang salita, isa akong panadero.

English Bread, French Bread at German Bread (may Japanese Bread na rin yata - nabasa ko sa diyaro kamakailan lang...), ayun ang mga tinapay na aking pinag-aralan at masasabi kong maayus-ayos naman ang aking paggawa ng mga tinapay na iyon. Pero, ang tinapay na pinakamalapit saakin ay ang sarili nating Philippine Bread na tinatawag kong 'Pipan'. Ang Pipan ay ang tinapay na dumadalaw sa aking mga panaginip. Ito ang tinapay na nais kong palaguin, pagandahin, pasarapin... lahat ng ito para makatulong sa mga kababayan nating nagugutom sa mga lansangan.

Ang paggawa ng Pipan ang aking hangarin.

Ngayon, dumating ang aking pagkakataong marating ang hangarin na to'. Mayroong isang paligsahan sa ZM (ZapatosMart) sa bayan kung saan pipiliin ang mga pinakamahusay na panadero sa mga probinsya. Nagpagising ako sa ate ko nang maaga para makahabol ako sa registration sa mall.

Makakaluwas sa Maynila ang mga mananalo sa round na iyon para sa makisapi sa isang huling pagsubok. Tapos, ang siyang makakalagpas sa huling pagsubok at makakasali sa Team Philippines na magiging kinatawan ng Pinas sa Monaco Cup, isang internasyonal na kumpetisyon ng mga panadero.

Sabi saakin ng aking mga magulang na kahit mahirap ang panahon, maabot mo parin ang iyong mga panaginip kapag ika'y nagsikap. Gamit ang Pipan, nais kong makasali sa mga kinatawanan ng Pinas, at sa Monaco, sisikapin kong mapabagon ang ating bansa at ipakita sa mundo na mayroon paring pagasa ang sambayanang pilipino.


Ipagpapatuloy