Pipan! Tinapay ng Bayan

Kabanata 3

Sa Daang Papuntang Maynila [ T ]

"Ate… sawa na ako sa kakaupo dito…" sabi ko sa ate ko na katabi ko sa isang bus papuntang Maynila, "Ilang oras na ba tayo di gumagalaw ditto sa SLEX? Nakakainis na…"

Pagkatapos ng mga pangyayari sa ZM ng munting bayan ng Sala sa dako paroon, agad-agarang lumisan ako papuntang Maynila kasama ang ate ko. Sinabi ko sa kanyang kaya ko namang alagaan ang sarili ko pero mapilit talaga si ate. Tuloy, narito kami sa isang bus sa gitna ng traffic ng SLEX.

"Hay nako Tino…" sagot ni ate, "Kolehiyano ka na nga, pero para ka paring bata. Alam mo naman na ma-traffic talaga papuntang Maynila. Tingnan mo oh, yung limousine ng judge na hapon, kasabay din natin, napapaligiran nang mga dyip."

"Oo nga, inis na inis na nga yung manong na iyon eh." Sabi ko, "Tatanda siya nang maaga."

Bigla na lang may nag-text saakin – galing sa isang number na di ko kilala.

"SINONG TATANDA NANG MAAGA!"

Ngek, paano niya narinig iyon? Naisip kong sagutin ang text ni manong noong gumalaw-galaw na rin ang traffic sa SLEX. Ngunit, papalubog na ang araw noon. Aabutin na kami ng gabi.

"Hay nako, mukhang di tayo makakaabot ng Maynila ngayon." Sabi ni ate, "Stopover na ito. Bukas na itutuloy ang biyahe."

"Ganoon ba?" Tanong ko, pawang ayaw maniwala, "Eh… saan naman tayo maglilipas ng gabi? Sa bus depot na lang?"

"Kailangang mag-tipid tayo ng pera, Tino." Sabi ni ate, "Di naman tayo kasing-yaman ng manong hapon na iyon."

May nag-text nanaman saakin bigla.s

"SABIHIN MO SA ATE MO NA HINDI AKO MANONG!"

Hay nako…

"Muntinlupa City." Sabi ni ate, binabasa ang mga senyas sa daanan, "Oist, Tino. Hindi ba narito ang New Bilibid Prison?"

"Oo yata…" Sagot ko, "Pero bakit ka naman sobrang interesado sa isang preso, ate?"

"Tingnan mo ito sa dyaryo, oh. Mayroong registration event para sa Team Philippines doon!"

"Huh? Sa Bilibid? Bakit doon?"

"Malay ko ba." Sagot ni ate, "Gusto mo bang daanan. Narito na rin tayo hanggang bukas eh. Lubusin na natin ang oras natin dito.

Nakarating na rin kami sa wakas sa isang bus depot sa Muntinlupa at nakababa na rin sa bus. Nakita namin na dumaan ang kotse ni Kuro sa siyudad; papunta rin yata siya sa Bilibid para mag-judge. Dala-dala ang mga gamit naming, sinundan naming ang daan ng kotse at napadpad sa gate ng Bilibid Prison.

Ilang beses ko lang namasdan ang New Bilibid Prison sa TV pero sobrang laki pala ng compound pag naroon ka na't kaharap mo mismo ang mga gusali. Pero, hindi ko parin maintindihan kung bakit may gaganapin ditong registration event ng Team Philippines. Kailangan kong malaman kung bakit.

Pagpasok pa lang namin sa complex, nakita na namin ang setup ng preliminary round na katulad sa nakita ko sa ZM Sala; mga ilang-daang monobloc na upuan na nakaharap sa isang stage na itinayo mismo ng mga preso para sa event. Tapos, naroon nanaman si manong Kuro, suot nanaman ang kanyang baker's coat na may tatak na 'The Head Pantasia'. Sa unang tingin pa lang, mukhang mga preso ang mga kasapi sa event na ito.

"Hoy Kuro!" Sigaw ko mula sa kinatatayuan naming ni ate, "Bakit may event kayo dito?"

"Ikaw nanaman!" Sagot niya, "Pinapahirapan mo talaga ang trabaho ko ditto sa Philippines ah. Nasa gitna ako ng pag-hohost ng event tapos palagi ka na lang tumatawag. Ako ka? Professional heckler?"

"Hmm? Nakita mo na ba ang taong iyon dati, ginoong judge?" Tanong ng isang warden ng Bilibid, "Nais mo bang tawagin ko ang mga guards?"

"Wag na ho, warden." Sagot ni Kuro, "Isa siya sa mga pumasa sa preliminary round sa probinsiya. Isang baguhan na nais gumawa ng tinapay na mas masarap sa dayuhan…"

"Ganoon ba?" Sabi ng warden na pawang interesado, "Edi bakit hindi mo siya palahukin muli sa round. Mukhang magiging masaya siyang kalaban sa round na ito. Parang nais kong makita ang kakayahan ng binatang ito."

"Ah, pwede, pwede." Sabi ni Kuro. Tinitigan niya muli ako at sumigaw, "Hoy ikaw, Tino! Pumarito ka nga sandali!"

"Ano ho iyon man… este… Kuro?" Tanong ko

"Dahil narito ka na rin naman, hinahamon muli kitang makisapi sa isang labanan!" Sabi ni Kuro.

"Bakit naman! Dahil lang ba tinatawag kitang manong paminsan-minsan?" Sagot ko, "Na-hurt ka siguro, no?"

"Hindi, Tino." Sabi ng warden, "Ang hamong iyon ay dahil sa sinabi saakin ng ginoong judge saakin – isang bagay tungkol sa tinapay na mas masarap kaysasa tinapay ng mga dayuhan."

"Ah, ang mga Pipan!"

"Pipan pala ang tawag mo doon." Sabin g warden, "Puwes, nais kong makita para sa aking sarili ang kakayahan mong gumawa ng Pipan."

"Ayon lang ho ba ang dahilan? Edi sasali ako Humanda kayo, warden! Ipapakita ko sa inyong lahat ang aking Pipan!"

"Tawagin mo na lang akong Jose. Jose Sabayton – warden ng New Bilibid Prison at head chef ng cafeteria ditto."

"H… head chef?"

"Oo, Tino. Ako ang head chef dito sa Bilibid. Nais mo parin bang tanggapin ang hamon?"

"Malamang!" Sagot ko, "Isa itong pagkakataong magpagaling bago ang main round, bakit ko naman iiwasan ito?"

"Sige," sabi ni Kuro, "ibabahagi ko na ang theme ng round na ito. Ang theme ay tinapay na magugustohan ng preso gamit ang munggo! Kinakailangan ding marami-rami ang tinapay na magawa para makakain ang lahat. Klaro na ba iyon? Edi simula na!"

Munggo... ano kaya ang magagawa ko gamit ang munggo? Ah! Alam ko na! Magagawa ko na ang Pipan #2!

Ipagpapatuloy