Mula sa May-Akda:

Hindi ko pag-aari ang alin man sa mga tauhan ng Naruto, ito ay pag-aari ng henyong si Masashi Kishimoto... Ang kuwento lamang ang akin dito...

isang one-shot na isinalin ko sa wikang sariling atin... ang ingles nito ay nasa profile ko... isang malungkot na kwento batay sa pananaw ni Uchiha Sasuke. Sana ay magustuhan ninyo. :)

SANA...

"Uhhmmm...." mahinang ungol ni Naruto. Nanatili akong nakatitig sa lalaking nasa tabi ko. Mahimbing na mahimbing pa rin ang kanyang pagkakatulog. Napangiti ako sa aking sarili... 'Ano ba ang nagawa kong maganda sa buhay ko at biniyayaan ako ng isang anghel sa katauhan ni Naruto?' tanong ko sa aking sarili habang minamasdan ko ang kanyang katauhan na nakabalot sa puting kumot. Ang aming pinagsaluhan kanina ay mistulang katumbas ng langit dito sa mundo. Biglang inilapit ni Naruto sa akin ang kanyang katawan at niyakap ako ng mahigpit... Napangiti akong muli... kaysarap ng aking pakiramdam sa mga sandaling iyon.

Di ko mapigilan ang aking sarili... dahan-dahan kong hinaplos ang kanyang maamong mukha... idinaan ko ang aking hintuturo sa hulma ng kanyang labi. Napasinghap ako... napakaganda talaga niya sa aking mga mata. Hinimas ko ang kanyang ulo... alam kong nagpapa-relaks ang aking ginagawa kay Naruto. Tinitigan kong muli ang aking pinakamamahal... isang ngiti ang nasilayan ko sa kanyang mga labi... Niyakap ko siyang muli at huminga ako ng malalim. Kaybango niya... ang kanyang personal na halimuyak ay nakakasira ng aking pag-iisip. Para siyang isang droga na lumalason sa aking katinuan. Ipinikit ko ang aking mga mata at dinama ang init na dulot ng aming mga katawan... kay ganda ng pakiramdam na iyon... kasama mo ang iyong minamahal habang umuulan.

"...Sasuke..." mahinang sambit niya sa aking pangalan. Binuksan ko ang aking mga mata at tumitig sa anghel na nasa aking harapan "...hhmmm?" tanong ko sa kanya habang nginitian ko si Naruto. "Mahal kita, teme..." bulong niya s akin habang nilalaro ng kanyang mga daliri ang aking dibdib. Napaungol ako sa kanyang ginagawa... niyakap ko siya ng mahigpit sabay bulong ng "Mahal din kita, dobe..." at hinalaikan ko ang kanyang noo. Napasinghap si Naruto at yumakap na rin sa akin ng mahhigpit... Kaya kong manatili ng ganito habang buhay... ako at si Naruto... kaming dalawa lamang at punung-puno ng pagmamahal...

...limang taon na na ang nakalipas, sa mismong araw na ito... dama ko pa rin ang sakit na dumadaloy sa kaibuturan ng akong puso. Sinunod ng mga daliri ko ang mukha ni Naruto sa larawang hawak-hawak ko.... ang sakit na dinadama ko ay lalong lumalakas habang tumatagal. Pilit kong pinahihinto ang mga luhang nagnanais na tumakas sa aking mga mata. Gaya ng dati, napakasakait paring pagmasdan ang walang buhay na bagay hawak-hawak ko... kahit ilang bese ko ng pinagsabihan ang sarili ko na ito na ang huli... muli't muling binabalikan ko ang aking nakaraan... laging napapa-isip kung ano ang pwedeng nangyari sa amin... kung hindi ako namatay...


Sana po ay naiparating ko ang sakit na dama ni Sasuke sa pagkawala niya sa buhay ni Naruto... pasensya na sa tema at ako po ay mahilig sa YAOI...