Disclaimer: Nope. Hindi ako si Alyson Noel, kaya hindi sa akin ang "Evermore".

Author's Note: My goodness! Mahirap mag-type sa Tagalog. =_= Haha. Sorry po ha, mahirap talagang mag-type sa lenguwahe natin, eh. LOL.


"Magpakailanman"


Magpakailanman.

Ang sarap pakinggan ng salitang iyon. Parang napaka-gandang isipin na matutupad ang pangako ni Damen sa akin.

Mahal ko siya; ayun ang alam ko. Importante sa buhay ko si Damen, dahil napaka-laki na ang kanyang impluwensya sa buhay ko. Kung bigla siyang mawawala sa akin, hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Iiyak? Hindi, hindi ako ganun kahina. Pero may posibilidad na mangyayari iyun. Makikiusap? Siguro . . . pero parang parehas lang sila.

O, baka naman gagawin ko silang parehas?

Ayaw ko nang mawala si Damen sa akin; gusto ko siyang yakapin magpakailanman.

Dahil mamahalin ko siya, hanggang sa mamatay ako.