"Will you, Ayuzawa Misaki, take Usui Takumi as your lawfully wedded husband, in sickness and in health, until death does you apart?"

I took a swift, yet meaningful glance at the blond man beside me. He smiled softly, and then, turning back to the priest, I said . . .

Whatsoever, Yaya

by crystalline'maia

Kaichou wa Maid-sama © Hiro Fujiwara

"PAKSYET!" I swore at the break of dawn.

Tumilaok ang mga tandang at manok ng mga kapitbahay namin. Umagang-umaga, nagpapaksyet na kaagad ako. Alangan naman hindi! Managinip ka kaya ng kinakasal sa taong hindi mo kilala, pero gwapo pa naman!

"Ui, ate, muntik nang maatake si nanay."

Lumingon ako sa pintuan. Si Suzuna lang pala, nakababata kong kapatid, kasalukuyang 16 years of age, at ang source ng karamihan ng mga gamit sa bahay namin.

Kinamot ko ang aking ulo. Oi! Wala 'kong kuto ha, expression lang 'yun. "Ah, sori! Magandang umaga nga pala, Suzuna."

"Sem to yu, ate." At umexit siya mula sa kwarto ko.

Ako nga pala si Misaki Ayuzawa, labing-siyam na taong gulang, nakaupo sa maliit na kama sa maliit na kwarto sa maliit na kubo sa maliit na bayan ng Konoha, este, bayan ng San Isidro, Pampanga.

Ito ang simula ng nakakalokang kwento ng buhay ko. Abangan n'yo lang, dahil kasalukuyang maraming nakapilang isusulat ang writer ninyo, o simpleng tinatamad lang siyang ikwento ang aking buhay.

Itutuloy . . . kung matutuloy man ito.