Anak ng escabeche.

BAKET ANG LAKI-LAKI NG MAYNILA?

Whatsoever, Yaya

by crystalline'maia

Kaichou wa Maid-sama © Hiro Fujiwara

. . . 2 . . .

. . . m3H N4anGhyAreE sA n8khlub . . .

(translation: may nangyari sa nightclub)

Kaninang umaga sa tapat ng Maharlika highway . . .

"MANONG! PASAKAY!" sigaw ko sa isang dumadaang trak na may dalang mga mababahong manok sa likod. At kapag sinabi ng isang pobreng katulad ko na mabaho ang isang bagay, 'wag na 'wag ka nang magdududa. Yown.

Hininto ng matandang drayber na may yosi na nakaipit sa kanyang kadiring mga labi ang kanyang trak. "Saan man ka tungo, inday?"

Waray-waray si manong drayber? Naks. "Maynila ho."

"Maghahanap ka ng trabaho hano?"

PASAKAYIN NIYO NA PO AKUUU. Pero syempre, 'di ko yun dapat sabihin kay manong drayber. Tinango ko na lang ang ulo ko wid a smayl.

"O hala sige, sakay ka na."

Pagkatapos ng ilang oras . . .

Ibinaba ako ni manong drayber sa tapat ng EDSA. 'Di ko lang alam, pero tingin ko pa lang sa mga titig ng matabang pulis na yun sa may kanto, para atang bawal mag-unload dito. BA'LA NA, WA. HA. HA.

Linakad ko ang kahabaan ng EDSA na dala-dala ang isang maliit na lumang bayong na pinaglagyan ko ng aking mga personal na gamit. Oo, ganyan ako kahirap, 'wag ka nang magtanong. At bakit ako napaluwas sa Maynila? 'Di ba halata?

Para mag-prosti!

Juk, hinde noh.

Lumingon ako to da rait, at meron akong nakitang karinderya na may katamtaman na tao. Purpek! Mag-a-apply ako dun! Kahit anong trabaho, ok na sa 'kin! Eksep sa magluto, syempre.

"Magandang araw po," sabi ko sa lola nagbabantay sa karinderya. May hawak-hawak siyang metal na sandok, at bigla na lang tumama sa isipan ko ang isang nakakatuwa at da seym taym nakakatakot na ideya.

Pppppppasok sa isipan ni Misaki

"UMALIS KA DITO, BRUHA KA! AHAS KA SA SWERTE NG PAMILYA NA 'TO!" sigaw ni lola, dala-dala ang metal na sandok at hinahabol ako palabas ng karinderya.

Napaisip ako: ano ba'ng kinalaman ng ahas sa swerte ng pamilya niya? Tsk, delit, delit, delit.

Lllllllllabas sa isipan ni Misaki

Anexpektedli, tumingin lang siya sa 'kin, yung para bang ine-x-ray ang buo kong kaluluwa't isipan, gets mo?

"Ano 'yon, iha?" tanong niya habang lugod na tinitingnan ang mukha kong siguro nga parang bruha na ngayon. Pano kasi minsan lang ako magsuklay ng buhok. Kapagod kaya mag-antanggol ng tanggols.

"Lola, ako po si Misaki Ayuzawa. Ah, kasi po . . . pwede po bang magtrabaho rito?"

Tumingin lang siya. Ganon.

"Kahit lang naman po tagahugas, tagawalis, tagalagay ng pagkain sa plato ng kustomer, taga–"

"Tagasaan ka ba?"

Lunok ng laway.

"Sa maliit na bayan po ng San Isidro, Pampanga," sagot ko.

At bigla akong nangilabot sa tingin ng kanyang mga mata. Gusto ko tuloy itanong kung meron siyang lahing aswang. Pramis, parang hindi ata ako makakatulog mamaya.

Anexpektedli agen, napatawa siya.

Yung tawa ng matandang aswang.

"Iba na talaga ang panahon ngayon! Wakekekeke! Akalain mo'ng mga Hapon na ngayon ang gustong mamasukan sa Pilipinas? Wakekekekeke – huk!"

Napakurap ako – anak ng butiki, tanong ko lang sa 'yo: BAKIT KA TUMALON SA LALAMUNAN NI LOLA NANG HINDI ORAS!

"LOLA! UI, LOLA! HINGA! HINGA!"

Panay kong kinalog-kalog si lola na parang Cokenkan (na una kong natikman nang dumaan ang Cok sa barrio namin para mag-ads).

"BEH–BIEH–BITAWAN MO 'KO! MAMAMATAY ATA AKO SA KAKAKALOG MO!"

Binitawan ko nga si lola, at agad-adad, pinalayas niya 'ko. Bolsyet, sa'n na ko pupunta ngayon?

Karinderya – X

Napilitan akong lakarin ang kahabaan ng EDSA sa ilalim ng araw. Tiningnan ko yung aspalto ng kalsada, at komon sens na lang! Pwede ka nang magprito dito! Gets mo?

Sumilong muna ako sa isang sari-sari istor, at napaisip ako – dito na lang ako magtatrabaho! At kung karmahin aketch ulit, well, bahala na si Kaptin Barbel!

"Ate, ate," sabi ko dun sa nagbabantay na dalagitang panay ang pindot sa selpon niya. Sa totoo lang, nagdududa na 'ko sa sinabi ni Rizal tungkol sa kabataan, tsk.

Isang minuto.

Hindi kumibo ang batang echosera.

Dalawang minuto.

"Ate! Ui, ate! Haler?"

Tatlong minuto.

Anak ng galunggong, DEDMA?

Apat na minuto.

)&*((*$%() lang. Pramis.

Limang minuto.

"ATE, BINGI KAYO?"

Yown.

Lumingon na si Selponerang Ate, at nakayanan pa niyang tumingin sa 'kin nang masama. ECHOS MO, 'TE.

"Potek na man oh, ano ba? Nakikitang mong nagtetext ritong tao, mandidisturbo ka?"

Kung pwede lang masapak ang batang ito, kanina ko pa yun ginawa. Kaso, dalagang Pilipina ako, HINDI KATULAD NIYA. Walang morals! Walang etiket! Walang valyus! Walang gud manersh and rait kandak! Que barbaridad!

Kaya 'wag na, jeje.

"'Lah," sambit ko. "'La kong sinabeh."

At umeksit ako. Palpak? Oo. Kaya syet na lang.

Sari-sari Istor – X

At dahil sa dami kong inaplayan at sinubukang maaplayang mga trabaho, i.e.

Pagtitinda ng barbecue sa tabi ng kalsada – X

Konduktor ng bus – X

Pagtitinda ng derti ays krim sa tabi ng kalsada – X

Sa tindahan ng letchon – X

Pagtitinda ng dyaryo sa tabi ng kalsada – X

Sa maliit na pagawaan ng chichirya – X

Pagtitinda ng ano pa mang echos sa tabi ng kalsada – X

inabutan na ako ng gabi.

At ulan.

At kidlat.

Karma nga naman oh.

Napaupo ako sa tabi ng makipot at madilim-dilim na kalsada. Hindi ko na alam kung nasaan ako o saan man lang ako pupunta. Nawalan na lamang ako ng ganang mamasukan sa Maynila. Pagod na 'ko, basang-basa pa at gutom na gutom. At sa kasalukuyan kong pag-upo, para akong batang gusgusin na pumo-poopoo sa tabi ng kalsada.

Tinitigan ko na lang ang pagbuhos ng mga patak ng ulan sa basang-basang kalsada. Sigurado kinabukasan nito babahain na ang kantong ito. At pa'no na lang kung magkasakit ako? At walang tumulong sa 'kin? At mamamatay ako dito sa tabi lang ng kalsada?

Bakit ganito ang buhay? Bakit ang hirap? Ito ba talaga ang pyutyur ng isang balediktoryan mula sa isang bonggang-bonggang pribadong pansekandaryang paaralan na katulad ko?

Naalala ko tuloy ang buhay haiskul ko. Hindi naman masyadong masaya, dahil ang o-OA ng mga tao dun. Araw-araw, gabi-gabi, nakalubog ang ilong sa libro, kulang nalang imusmos ang mukha nila dun. Palibhasa hindi nila makayanan na matalo ng pobreng katulad ko na pumapasok na sira-sira ang damit at gamit.

Isa lang ang naging kaibigan ko dun. Ang pangalan niya ay Julietta. Sekreto lang ang pagkakaibigan namin, at naiintindihan ko naman siya. Minsan lang nga kaming mag-usap, dahil sa dami ng pag-aaralan namin araw-araw. Isa sa mga naalala kong sinabi niya sa 'kin ay huwag daw akong magpa-apekto sa mga tao. 'What matters most is what you are, not what people think you are,' naiwika niya sa 'kin.

Pero hinding-hindi ko talaga makalilimutan ang panunukso nila sa 'kin nun, at akala ko pa naman masayang-masaya ang pagiging haiskul na estudyante. pero in peyrnes, wala namang nanukso sa pes ko.

Wahaha.

Bakit ako tumatawa? Dahil naloloka na ako. Tama. Kung hindi ako mamamatay dahil sa lagnat, magdudusa ako bilang loka-lokang babae na palibot-libot sa Maynila.

Pero . . .

Paano na lang si inay? Si Suzuna? Ang barong-barong namin? Ang balut ko?

Tumingin ako sa itaas, at ang nakita ko lamang ang itim na itim na langit na patuloy na binubuhusan ang Maynila ng ulan.

At wag na kayong magtanong, pero di ko na kering ma-kip siya insayd, kaya napasigaw ako sa langit. "BAKET WALANG HIMALA?"

"Dahil nakaupo ka lang diyan."

Bongga, may reply kaagad!

Lumingin ako sa likod ko, at mayroong isang mala-kwarenta anyos na mataba-tabang lalaki na nakatayo sa harapan ng pinto ng bahay niya.

"Ho?" tanong ko kasi di ko siya gets, gets mo?

"Walang himala dahil nakaupo ka lang diyan," ulit ni manong. "Taga-probinsya ka no?"

"Opo. Paano niyo po nalaman?"

"Bayong mo."

"Ah, ok."

.

.

.

Ganun.

"Gusto mo ng trabaho?" biglang tanong ni manong, at agad-agad akong tumayo.

MAY NAG-ALOK NG TRABAHO SA AKIN! MAGSAYA! MAGDIWANG! MAGBUNYI! Ahem, ahem.

"Opo, manong!"

"Eh, tuloy ka na."

Wala nang tanong-tanong, basta sinundan ko na lang si manong sa loob ng bahay niya.

Teka.

Hindi 'to bahay ah.

Nanlaki ang mga mata ko. Syeeeet, ano 'tong napasukan ko? Nightclub?

"Mnnnhhh. Ahhhh. Ugghh. Nggghhhhhhh. Sige paahhhh . . ." ang mga boses sa kabilang kwarto, habang may tunog ng musika naman sa kabila ng isa pang pintuan.

Naw I no kung anong pinasukan ko.

Lumingon agad ako sa pintuan, pero nakakandado na ito. Bigla akong hinatak ni manong sa pintuan na may musika sa kabila, at doon ko na lang nakumpirma. Nightclub nga. Low klas na nightclub na may aircon.

Impresyon ko? Mabaho. Malaswa. Mabaho na malaswa na mabaho.

Hindi ko na alam ang gagawin.

Ang ginaw.

Ang manyak na manong.

Ang pagkabirhen ko.

Weht lang, bakit may parang tumusok na karayom sa braso ko? Ano yun?

Bakit unti-unting nanlalabo ang paningin ko . . .

Ang sakit-sakit na ng ulo ko . . .

Ang birjineti ko . . .

Ang ginaw-ginaw . . .

Himala . . .

Kahit ngayon lang, Bro . . .

"Hey, you," nangibabaw ang isang pamilyar na boses mula sa malakas na nakakalulang musika. Pa-Inglesh-Inglesh ka pa diyan ha, pero wala na akong pakialam kung sino yun dahil sa dami ng problema ko. "Get away from her."

At dumilim na ang aking paningin.


"– exactly seven o'clock in the morning! Once again, this is DJ Cookie and you're listening to 99.9 LabRedyo! The next song is entitled Oh My Gosh by –"

Tinakpan ko na ang mga tenga ko. Umagang-umaga ume-echos na agad yang DJ Kuki na yan? Teka, bakit may radyo sa kwarto ko? At iba rin ata ang pakiramdan ng kama ko ngayon ah.

Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata at –

!%#$%^(* OMAIGAS.

– kumpleto na ang umaga ko.

Nasa harapan ko lang naman ang pinakagwapong nilalang na nakita ko sa buong buhay ko na ayaw pakawalan ng karma. Gwapo at maputing mukha, matangos na ilong, berdeng mga mata, at dilaw na buhok na parang kinuryente lamang. Lips niya? Ay syet, umagang-umaga lumalandi na kaagad aku. At wag ka, nakangiti lang naman siya sa akin.

"Good morning," sabi niya.

Wehhhhht lang, pos, taym-awt. Kinuryenteng dilaw na buhok?

MANONG DILAW?


BAMRATATATAT TATATATATAT. Yun lang, oo, wahahahahahaha XD Ang bilis ko mag-update no? Singbilis ng pagong kung palilibutin sa buong mundo! :P Tenchu nga pala sa mga nagreview. AHLABYOLL YEAH XD

Patawarin niyo na lang ang pangmumura ni Misaki, plano ko na talaga na maging ganyan siya XD Jejeje. Sorry na lang sa dami ng capslock ko XD At wala nang MDME (Maia's Dictionary to Misaki's English) dahil tinatamad ang author niyo. Yesh.

Alam niyo kung anong pinanggagawa ko sa nakalipas na mga buwan?

Hindi?

Oo?

Hulaan niyo, basta masaya siya :P

GUMULONG-GULONG LANG NAMAN AKO SA PUTIK NA MABASA AT MAY IHI at alam niyo kung ano pang surprising doon?

NASIYAHAN AKO.

Lolololololol. O siya sige, PINDUTIN NIYO NA (double meaning successfully inserted).

Sana naging 'T' na lang ako, para I'm always next to 'U.'