AU

"Boss!"

Lumingon si Sophia kung saan nanggaling yung boses. Nakita nya si Bart. Huminto sya sa paglalakad at hinintay na mahabol sya ni Bart.

"Yes?" tanong nya.

"Libre ka tonight?"

"Bakit?" ngumiti si Sophia.

"Oh you know, it's only our anniversary." kinuha ni Bart ang isang kamay nya at hinalikan ito.


First Time

Si Bart at Sophia. Alone sa elevator ng opisina.

"Ba-bakit mo ko hinalikan?"

"Sophia... How do I say this.. Ah, er.." paliwanag ni Bart.

"Bart!"

"Kasi I'm inlove with you...Kuha mo?" he blurted out pagkatapos ay tiningnan ang reaksyon ni Sophia. Natawa lang ito at pagkatapos ay kiniss si Bart sa cheek.

"What was that for?" nag smile

"Ano sa tingin mo?" tanong ni Sophia na may smirk.


Adventure

"Ewan ko ba naman sa'yo Sophia. Sa dami-dami ng pwede mong mabunot na partner, si Bart pa!" sermon ni Madam Anna.

"Madam naman, kasalanan ko talaga yun?"

"Ano sa palagay mo Sophia?"

"Teka nga, well at least ikaw hindi ka kasama dun sa camping trip na yun."

"Ayun nga ang kinakatakutan ko eh." sabi ni Madam.

"Ha? Bakit naman?"

"Dahil mahirap kang control-in pag si Bart na ang kasama mo."

Natahimik at napaisip si Sophia.

"HOY MADAM HINDI AH!" asar na sagot nito.


Smut

"Bart, mag sta-start na ang meeting in 5 minutes. Halika na sa conference room." sabi ni Bobby na kapapasok lang sa opisina ni Bart kasama si Sophia sa likod nito.

Nakita nila si Bart na biglang binaba ang screen ng laptop nito at medyo flushed ang itsura.

"Give me 2 minutes." sabi nito na may forced na ngiti.

Confused ang nakapinta sa mukha ni Bobby while mukhang natatawa naman itong si Sophia.


Fluff

Busy si Bart sa si-net sa kanya na presentation ng Kuya Bobby nya. Pauwi na si Sophia pero naalala nya na nasa office pa si Bart. Dahil late na at nag tratrabaho pa ito, naisipan nyang dalan ito ng kape para makatulong.

Pumasok sya sa office at nilapag ang isang cup of coffee. Bart looked up sa kanya at ngumiti.

"Salamat." sabi ni Bart.

Tumango lang si Sophia at ngumiti then tumalikod na para lumabas.

Nung nakalabas si Sophia ay nakita ni Bart na may small note na nakadikit sa cup.

'Kaya mo yan! :)'