Note: Sorry kung OC yung character. Request siya ng special friend ko. :) Enjoy~

NoiuXOC


Hey, I'm Sugiyama Kamiru from Rikkaidai. And This is my guy best friend Niou Masaharu. Kilala siya bilang 'Troublesome guy' or 'Trickster' ng aming school. At bilang bestfriend niya, suportahan lang siya sa lahat ng balak niyang kalokohan. Wew. Partner in crime ata kami. But… Yes, my 'but'. Tungkol siya sa feelings ko sa taong ito. Hindi ko alam pero habang tumatagal, iba na ang nararamdaman ko. Pero, pilit ko na tinatanggi 'yun sa sarili ko. Duh, sino ba namang may gusto na ma-inlove sa isang 'Playboy'?

Hep! Hep! Tama na nga 'yan. Kahit ganyan 'yan bestfriend ko pa din siya. Pero minsan hindi din magandang maging bestfriend siya. XD Nagpapahirap minsan sa buhay ko. Pft~ Bakit? Yung mga 'Baliw' na fangirls niya.

"Ne, Haru-kun," Tumingin ako sa kanya.

"Yes?"

"Hanggang kelan mo balak gamitin ako para tigilan ka nila?" Nakasandal ako sa wall at siya naka-leaned forward sa akin, yung view na hinahalikan niya ko kahit hindi?

"Puri~"

"Damn."

"Niou-sama!" Naririnig ko ang hiyaw ng mga fangirls niya na nagsisi-iyakan dahil sa ginawa ni Niou na wala namang katotohanan. Maya-maya ay nagsi-alisan na sila. Hay sa wakas! Tapos na.

"Ok na?" Tanong ko sa kanya habang nakatingin sa oceanic blue eyes niya.

"Akala ko pa naman gusto mong ganito ang pusisyon natin," Tumayo siya ng maayos. "Puri~"

"Damn. Lagi mong sinasabi 'yan sa tuwing ginagawa natin 'to."

"Well, thanks Ka-mi-ru-chan. Piyo~" With matching grin pa ah? Amp~

"Stop that, k?"

"ka-mi-ru-chan~"

"Niou!"

"Hai. Hai. Puri~" Kailangan ko pa siyang tawagin Niou para tumigil. Tch. Well, lagi naman kaming ganito.

At dahil uwian na, kailangan pang pumunta ni Niou sa tennis court para sa kanilang practice. Sana ma-late siya at makatanggap ng Tarundoru-slap or laps from Sanada. Yun lang ag paraan para makabawi sa ginawa niya kanina.

"Miru-nee-san? Hinahanap mo si Niou-senpai?" Oh, si Bakaya. Ang mahal nilang kohai.

"Hai. Tapos na practice niyo diba?" Tumungo ito.

"100% na sa library ka naghintay hanggang matapos ang practice namin, Sugiyama-san."

"Yes," Ngumiti ako sa kanya. "Wag ka ng magpanggap na Yanagi, Haru-kun." Hindi effective sa akin ang panggagaya niya.

"Hay."

"Kawawang Niou." Pop.

"Shut up, sugar freak."

"Ne, Senpais pupunta tayong arcade ngayon diba?" Tanong ng Kohai nila.

"Kung sagot mo." Pinalobo niya ang bubble gum niya at pinutok agad.

"Ako nanaman?" Reklamo sa kanila ni Bakaya. Nakatingin lang ako sa kanila, yung tingin na 'hoy-may-kasama-kayo-dito.'

"Hmmm… Ano kaya kung sagot ni Miru-chan?"

"Hey, diba dapat ikaw ang may sagot? Ma-sa-ha-ru." Tumingin lang siya sa akin.

"Pa-" Pinutol ko ang sasabihin niya.

"Dahil sa paggamit mo sa akin kanina para sa mga fan girls mo, ne?" Napa-blink lang siya.

"Yosh! Si Niou-senpai ang may sagot!" Tuwang sabi ng kohai.

"Wa-" Binigyan ko siya ng isang glare, 'kasama-sila'.

"Hai." Well, wala siyang magagawa pag ako ang nagsabi. :)


Well, sagot nga niya. Haha. Siguro kelangan ko ng magready mamaya para sa kapalit nito. XD

"Miru-chan? Hindi ko alam na magaling ka pala dito."

"Matalino siya seaweed." Tumawa lang ako.

"Ne, hindi pa kasi niya ko natatalo kaya siya ganyan. "

"Shut up, kamiru."

"Hai. Hai. Puri~" Balik ko sa kanya. Ganyan kami lagi kaya sanay na ko. Alam ko kung pikon na siya at ganun din ako sa kanya. Mana-mana lang 'yan.

"Kawaii!" Turo ko sa isang stuff toy sa crane machine. Napatingin ako kay Niou at gaya ng dati, may kasama nanaman siyang 'babae.' Naku naman talaga o'? Nag-sighed na lang ako. At biglang nawala sa mood. Linapitan ko ang crane machine at naghulog ng token.

Alam kong nakatingin sila sa akin at pansin ang pagkabadtrip ko pero, ako, naka-focus pa din sa pagkuha ng stuff toy na alam kong hindi ko makukuha at yung bwisit na best friend ko lang ang may kayang kumuha na nakikipaglandi sa babae. Agghh! Kainis! Nagulat ako ng may naghulog ng token sa Crane machine at hinawakan ang controller. Nakita ko sa salamin ng crane machine si Niou, nasa likod ko. Kinuha niya ang stuff toy sa butas ng machine at binigay sa akin.

"Nagselos ka nanaman sa kasama kong babae, ka-mi-ru-chan. Puri~"

"Shut up, Niou!"

"Puri~"