Note: Sorry kung ang OOC ni Niou. xD Hindi ko talaga masyadong kabisado kung anong ugali ang meron siya eh. :D Haha. Thanks sa pag subaybay ng Why the Hell Do I Fall In love with you! :))))))) Sorry din at hindi masyadong maganda ang ending. xD Hindi talaga ako magaling sa ENDING eh. XD


Last day ng school festival at hindi pa din kami nagkaka-ayos ni Niou. Samantalang, iniisip ko naman kung pupuntahan ko si Takashima sa rooftop after kong tumugtog ng piano. Maaga akong nagpunta sa school, kailangan maaga daw ako para makapag-rehearse.

After kong magrehearse nagpunta na ako ng CR para magbihis, andyan na din naman si Reiko para ayusan ako eh. Alam kong boyish si Reiko at hindi mahilig mag-ayos pero, marunong siya mag-ayos sa ibang tao. Kinulot niya yung dulo ng buhok ko, tapos, nilagyan niya ko ng light make-up. Mas maganda daw kasi ang simple lang kesa naman sa bongga na ang pangit naman daw tingnan. Suot ko yung Black dress ko na may red belt at red na high heels.

"Ayan, tapos na."

"Thanks. Pero, sure ka ba na ayos lang 'tong damit ko?"

"Oo, bagay nga sayo eh! Tara na baka malate pa tayo at hindi ka pa makapagperform. Sayang outfit." Hinila niya ako at pumunta kami sa gym kung saan gaganapin ang party. Nakita ko si Takashima bago kami pumasok.

"Takasahima-kun, yung tungkol doon sa pakikipag kita mo sa rooftop…"

"Pakiki-"

"Miru-senpai! Andyan ka lang pala! Kanina pa kita hinahanap eh, tara pasok na tayo."

"Wait lang Akaya, ma-" Hindi na niya hinintay na matapos ang sinasabi ko, hinila na niya ko papasok ng gym.

Hindi ko na nakita si Takashima dahil sa dami ng estudyante. Pambihira kasi si Bakaya eh. Tss. Dumiretso ako sa back stage, kasi anytime pwede ng mag-start ang party.

"Miru-chan?" May narinig akong Familiar na boses, paglingon ko si Takashima.

"Takashima-kun?"

"Yung tungkol dun sa sinsabi mong pakiki-"

"Miru-chan!" Ok, another istorbo nanaman.

"Emi-chan? Megumi-chan?" Ininvite ng Rikkai tennis team ang Hyotei, Seigaku at Shitenhouji.

"Good luck sa performance mo." Naka-ngiting sabi sa akin ni Megumi. Samatala, si Takashima, umalis na lang. Haaayyy! Pano na yan? Bahala na nga mamaya.

"Thank you, Megumi-chan." Maya-maya ay tinawag na ako para tumugtog.

What piece? Why Did I Fall Inlove with you by DBSK. At oo, para kay Niou yan. Eh kasi sa dinami-daming tao bakit pa sa kanya?

Aggh! Tama na nga yang pag-eemote. Umakyat ako ng stage at pumwesto sa may piano. Inhale. Exhale. After nilang magpalakpakan ay tumugtog na ako.

(Pakinggan niyo ang Why did I Fall inlove with you/Doushite Kimi o Suki ni Natte Shimatta n Darou By DSBK )

Gusto kong i-express sa music kung ano yung nararamdaman ko at gusto kong ipaalam sa kanya 'yon. Bakit sa kanya pa ako na-fall? Galit ako sa kanya dahil sa ginawa niyang pagkiss sa akin at dahil sa hindi niya marealize na iba ang nararamdaman ko para sa kanya. Nang dumating ako dito sa Rikkai, siya ang unang tao na kinaiinisan ko, pero di nagtagal, nagkasundo din kami. Bad boy siya, pero meron pa din siyang good side na itinatago.

Pagkatapos kong tumugtog, nag-bow ako at bumaba na din agad. Ito na yung time na makikipagkita ako kay Takashima. Wala na siya sa paligid, siguro nasa rooftop na siya at naghihintay. Hindi ko pa din nakikita si Niou simula ng nagstart yung program. Linapitan ko sila Reiko at halatang wala siya sa mood.

"Na-"

"Pumunta ka na ng rooftop, baka hinihintay ka na ni takashima." Nakangiting sabi sa akin ni Emi. Nang mapansin ni Reiko na papalapit sa amin si Marui ay umalis agad ito.

"Pero pano si Reiko?"

"Ok lang siya. Kami ng bahala. Tapusin mo muna ang dapat mong tapusin." Pambihira talaga sila, pero… Tama nga naman sila, kailangan ko munang tapusin ang dapat kong tapusin.

Nagmadali akong pumunta sa Rooftop, pero bago pa man ako makarating doon, nakita ko na si Takashima, nakasandal ito sa hawakan nung hagdan.

"Takashima-kun? Akala ko ba sa rooftop mo gustong makipag-kita?" Pagtatakang tanong ko sa kanya.

"Kamiru…" Nag-sigh siya. "Wala akong alam tungkol sa sinasabi mong pakikipagkita sa rooftop, pati na din yung tungkol sa kinuha kita ng stufftoy sa crane machine."

"A-anong ibig mong sabihin? K-kung wala kang alam, bakit andito ka at pano mo nalaman?"

"Sinabi mo kanina, bago pa tayo istorbohin ng 2nd yr na 'yun." Panong nangyaring hindi siya iyon? Siyang-siya ang nakita ko eh. Ano bang nangyayari?

"Pero… Ikaw na ikaw ang nakita ko."

"Sa tingin ko may alam ang mga kaibigan mo dito…" Sila Reiko? Impossible 'yun. "Napansin ko na tuwing kakausapin mo ko ay lagi silang sumusulpot, para bang may itinatago sila." Sumusulpot? Tama. Tuwing tinatanong ko yung tungkol sa rooftop, biglang may iistorbo sa usapan namin.

"Kung hindi ikaw 'yon… Sino?"

"Isipin mo kung sino ang taong may kakayahang gayahin ang ibang tao." Ang taong may kakayahang gayahin ang iba?

"Si… "

"Kamiru, hindi kita pipilitin na sagutin kung ano man ang nararamdaman mo sa akin… Dahil alam kong ang best friend mo ang totoong mahal mo." Best friend? Tama! Si Niou! Si Niou lang ang kilala kong may kakayahan na gayahin ang ibang tao. Pero, alam kong hindi na umeepekto sa akin ang panggagaya niya…

"Takashima…"

"Yung araw na nag-usap kami… Alam mo kung anong sinabi niya?" Umiling ako.

"Na wag kitang sasaktan dahil…" binulong niya sa akin ang kasunod.

"Niou…." Alam ko na, dahil sa hindi ko na siya madalas nakikita o nakakasama nakakalimutan ko na kung anong ugali at kakayahan ang meron siya. Kaya umipekto sa akin yung panggagaya niya.

"Sigurado akong siya ang naghihintay sayo sa taas." Nag-nod ako at iniwan si Takashima.

Hindi maalis sa isip ko ang binulong sa akin ni Takashima, "special ka sa kanya." Special? Anong klaseng special? Gusto kong malaman! Gustong-gusto ko! Pagbukas ko ng pinto ng rooftop, nakita ko si Niou, nakatalikod siya at may hinihintay.

"Niou."

"Kamusta ang performance?" Nag-smirk siya. Lumapit ako sa kanya.

"Ikaw ba ang kumuha ng stufftoy noon sa crane machine na ang inakala ko ay si Takashima? At ikaw din ba ang nagsabi sa akin na magkita tayo dito sa rooftop?" Nawala ang smirk niya at napalitan ito ng isang seryosong mukha.

"Pano kung ako nga?" Nilapit niya ang mukha niya sa mukha ko.

"Bakit kailangan mo pang gawin 'yon?"

"Dahil alam kong hindi mo tatanggapin yun kung sa akin nanggaling. Na hindi ka pupunta dahil ako ang nagsabi sayo. Dahil galit ka sa akin."

"N-" Sinandal niya ko sa hog wire nung rooftop at hinarangan niya ng dalwang kamay niya ang magkabilang gilid ko.

"Dati hindi ko alam kung bakit nagalit ka sa akin pagkatapos kong halikan si Mami sa harap mo. Pero, nang aminin mo sa akin na mahal mo ko…" Napansin ko na humihigpit yung hawak niya sa hog wire.

"…alam ko na kung bakit. Alam kong galit ka dahil hindi ko marealize kung ano ba talaga yung nararamdaman mo sa akin. Aaminin ko na nagulat ako ng aminin mo sa akin 'yon pero masaya ako." Nakatungo siya… Ayaw niyang ipakita yung mukha niya sa akin.

"Nung narinig kong nag-confess sayo yung Takashima na yun, na-curious ako kung anong sinagot mo sa kanya at… nagselos ako."

"N-nagselos?"

"Tuwing nakikita ko na magkasama kayo, gusto kitang hilahin palayo sa kanya pero naisip ko na masaya ka sa kanya kaya hindi ko ginawa. Ayokong sabihin sayo kung anong nararamdaman ko dahil ayokong masira yung pagiging bestfriends natin. Dahil napakahalaga mo sa akin."

Tumingin siya sa akin, yung mukha niya… nagbu-blush, makikita mo sa oceanic blue eyes niya na sincere siya sa mga sinasabi niya.

"I Love you." Naramdaman ko yung paglapat ng mga labi niya sa labi ko. At dun na nag-umpisa ang pagtulo ng luha ko.

Yung nararamdaman ko, hindi siya one-sided love dahil pareho ang nararamdaman namin para sa isa't-isa. Ayaw lang naming ipaalam iyon dahil sa pilit naming pinoprotektahan yung 'friendship' namin.

"I… Love you too, Masaharu."

And yes, after ng gabing 'yon. Official na kami. I'm his girlfriend. At kung sino man ang magreklamo, humanda sa akin. Madalas pa din kaming nag-aaway ng dahil sa ugali niya, alam niyo naman kung anong ugali ang meron siya db?

Pero….

… I'm happy to be with him.