Reiko's POV

Nakaupo ako sa sofa ng makarecieve ako ng 'GM' from my crush. My gaaaad! May load siya! :"

Reply. Reply. Reply.

"Hi. :)"

Hindi porket boyish wala ng crush, may boyfriend nga eh. Asdhgfjkl. Minsan ko na lang siya makatext eh. :) Wala akong ginawa kundi magtext sa kanya hanggang sa namalayan ko na lang na may nag-pop ng bubble gum mula sa likod ko. Finlip ko agad yung phone ko at itinago.

"Crush pala ah."

"SH*T! Kanina ka pa dyan?" Lumingon ako sa kanya.

Bakit ba hindi ko naramdaman ang aura niya!

"Ganyan pala ang ginagawa mo kapag wala ako."

Hindi naman. =.= Ngayon nga lang eh! Ngayon lang!

"Bakit ba? Bawal na ba akong magtext?"

"Oo, kapag yung Hiro na yun ang katext mo." Sabay palobo ulet ng bubblegum niya.

"Ikaw nga katext mo nga fangirls mo eh." Nag-pout ako tapos binasa ang reply ni crush. Uy! Kinikilg pa yan! :3

"Confiscated." Hinablot niya sa akin ang phone ko at binulsa niya.

Confiscated? O.o O.o BAKIIIIIIIIT?

"Ano ba kita para i-confiscate mo yung phone ko? Hindi naman kita nanay o tatay eh! Balik mo yan!"

"Boyfriend mo ko." Eh? Boyfriend ko nga siya. Tch. Pero Kahit na! Hindi pa din niya pwedeng kunin ang phone ko!

"Balik mo yan! Baka mag-text si mama." Madahilan lang. Tch. Binigay niya sa akin ang phone niya.

"Gamitin mo yan. Tetext ko sayo kung anong tinext ng mama mo, ok?" Ang sama niya!

"Phone ko kailangan ko, hindi phone mo!" Balik mo na kasi! Please! T^T

Tumingin siya sa akin tapos kinuha ang phone ko sa bulsa niya.

"Crush mo o ako?" Eh? Tinatanong pa ba yan? Syempre i- yung crush ko. =.= Hindiiiiii! Syempre siya. 3

"Ano?" Nag-smirk siya. Tapos nilapit ang mukha niya sa akin habang wini-wave ang phone ko.

Kasi naman eh! Bat ba siya ganyan?

"Ikaw syempre! Kaya akin na yan!"

"Ako o ang celphone mo?" Ang daming tanong! Nainis ako kaya hinablot ko yung cellphone ko sabay kiss sa lips niya.

"Natural ikaw! Tanga! Akala ko ba genius ka?"

"Genius nga." Pinalobo niya ang bubblegum niya.

Tiningnan ko ang contacts ko. Wala na yung number ni crush! T^T

Wait, di pa ako nagbubura ng inbox and sent box.

Sent box and inbox: EMPTY

Empty?

Empty?

Empty?

Empty?

Empty? O.O

"MARUIIIIIIIIIIII!"

- End -